Chapter 25 - Borderline Bestfriend

Magsimula sa umpisa
                                    

"Boyfriend ko." Salita ko sabay ngiti. Umiling lang si Eli na para bang hindi naniniwala. "What? Boyfriend ko nga."

"Si Hannah? Okey lang naman na sabihin mo ang pangalan niya kahit kaharap ako, Niel." Bakit ba hindi siya maniwala sa akin na boyfriend ko nga ang kausap ko?

"Hindi si Hannah iyon. Boyfriend ko nga."

"O siya sige na para matigil na." Ngumiti si Eli sa akin. "Hey, nagsusuot ka na ng bracelet ngayon?" Napatingin naman ako sa bracelet na suot ko. Tumango ako.

"Exemption." Nakangiti kong sabi sa kanya. I rarely wear jewelry. Hikaw lang ang tanging jewelry ko.

"I know this jewelry shop in Australia and they are known for custom-made jewelry. I want to give you a set of accessories as a birthday gift just tell me what pattern or design you want."

"Hindi na kailangan, Eli. Sapat na sa akin itong bracelet ko." Pinagmasdan ko at nilaro ko ang bracelet na bigay ni Ezekiel.

Always The Second BestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon