Lasing ba sila pareho? Kasi lasing daw si Jareth noon. Worst case scenario was that Jareth forced himself on her. Not that it was on the table to discuss because Jareth was like a wounded lamb and napalaki naman siya nang maayos. But still... the possibility was still there. It could be true considering Jasper's records. Tsaka kahit hindi pa ako isang mommy ay may idea naman ako kung gaano kahirap para sa isang nanay na hindi kasama ang anak... unless ayaw ng nanay sa anak niya in the first place.

That was a common feeling rape victims had para sa mga anak nilang bunga ng kababuyan na ginawa sa kanila.

So it's either si mystery woman ang makukulong o si Jareth. O ako. Pwede ring 'yung babae at ako o si Jareth at ako. Sino na lang sigurong pinakamalas sa amin.

Ako pala ang pinakamalas. Hack pa, self.

Ang nakakapagtaka lang, hindi ko alam kung sino ba talaga. I meant... who would be more worth it to be investigated? The obvious one or the mysterious one?

I guess I needed Jareth's opinion for this. Siya naman ang nakabuntis. Surely, kahit naman siguro hindi niya kilala ang babae ay may idea siya sa pagkatao noon. They shared a bed, wasn't that a given?

I gave out a huff of frustration. Tinanggap ko itong trabaho na 'to because I was challenged, I was finally allowed to give a chance to track someone with a go signal. I was not doing this in a super illegal manner. Medyo lang since the girl doesn't have any idea na meron palang mga taong gustong halukayin ang buhay niya. Plus all the records I've snooped into and all the CCTV footages from both public and private feeds.

It was partly her fault, though. Masyado niyang minaliit ang pamilya ni Jareth. Did she really think she could hide from them? Well, maybe for now. But she couldn't hide forever.

Tsaka hindi niya ba nami-miss ang anak niya? What kind of mother was she that her reason for hiding seemed more important than being with her own child? Mas gusto kong ganito ang isipin kaysa doon sa isang possibility. Mas gusto kong isipin na may malaking dahilan lang siya para iwan ang anak niya kaysa doon sa ayaw niya talaga sa anak niya dahil ginahasa siya.

Jareth wouldn't do that... would he?

Mabilis na umiling ako. Sumasakit na ang ulo ko kaya siguro kung ano ano nang naiisip ko.

Mga babae talagang involved sa mga tagapagmana na 'to, puro mga complicated. Buti na lang ako hindi one of them.

Sucks to be them, huh.

"Quinnzelle?" Tawag ni Caspian na nakatayo at nakasandal sa doorframe. Nag angat ako ng tingin. "Lunch?"

"Okay." I could use a little break, I guess. Inilapag ko sa kama ang laptop pagkatapos kong i-shut down iyon. Binunot ko rin ang saksak ng charger because I was a decent human being who knew how to conserve electricity.

I stood up from the bed and streched my legs and arms a little. Natawa si Caspian sa ginawa ko. He chuckled lightly while I rolled my eyes at him. Inilahad niya ang kamay sa akin nang maglakad ako palapit sa kanya. Inabot ko naman iyon and we held hands on our way to the kitchen.

The food were already set up at the table.

"McDonalds?" Malaki ang ngiti na sabi ko. "You're adjusting well to me now."

"Please." Umirap si Caspian. "Alam na alam ko gusto ng bituka mo. You despise healthy food."

"Parang ikaw hindi, a." Inirapan ko rin siya. Caspian chuckled. We spent a lot of time with each other these days that we almost had the same mannerisms.

Bonus na rin siguro na parehas kami ni Caspian na mahilig sa fast food. Noong nasa ibang bansa pa ako ay hindi matatapos ang isang buong araw na hindi kami kakain ni Iñigo ng fast food, wether it be breakfast, lunch or dinner. Kahit nakabalik na ako sa Pilipinas ay hindi ko na nabago iyon sa sarili ko.

EZH #4: Caspian Hernandez [COMPLETED]Where stories live. Discover now