Ina
Hey! What the hell? Sagutin mo tawag ni Chase! Kinakawawa ako rito eh!
Jacob
Miss, anong trip mo? Ayaw mo raw sagutin yung tawag? Kontakin mo bago pumatay ng tao rito.
Chase
What the fvck, Irina? Why won't you answer my calls? Don't make me come there.
At marami pa kong narecieve na text ng barkada pwera kay Zach at Anica. Napa-iling ako saka ko itinago ang cellphone ko sa bulsa.
"Caramel macchiato and belgian waffle for Miss Jace?" tawag nung babaeng nagseserve.
Lumapit ako sa kanya saka ko inabot sa kanya ang resibo ko. Tinatakan niya iyon saka ibinigay sakin ang tray na may ngiti. She thanked me saka ko siya kinindatan. Pumunta ako sa isang couch malapit sa isang saksakan. Nilapag ko sa mesa ang inorder ko at may kumuha naman ng tray na yun.
Sinet up ko ang netbook ko saka ako nagsimulang kumonekta sa wi-fi nila. Pa-unti unti akong kumakain nang biglang may hinayupak na umupo sa katapat kong upuan. Dahan dahan kong isinubo ang piniraso kong belgian waffle habang tinitignan siya.
"Sino ka?" tanong ko habang nanguya ng dahan-dahan.
"Girls aren't supposed to talk while they're chewing." aniya na nagpataas ng kilay ko.
Lumunok ako saka ako uminom sa caramel macchiato ko. Hindi ko inalis ang tingin niya. Mukha siyang anghel pero litsi wala akong tiwala sa mga mukhang anghel. Si Eris nga mukhang anghel ugaling demonyo naman kaya never trust angelic faces.
"Sumagot ka na lang sa tanong ko! Niga mwonde?" tanong ko pa ulit.
Tumawa muna siya bago sumagot. "I'm just a nobody. I hate sitting alone." aniya at uminom ulit.
Inirapan ko siya saka ako nagpatuloy sa pagkain habang nagsusurf sa net. Pumutol ako sa waffle na may kasamang whipped cream saka ito sinubo. Natigilan yung lalaki sa harap ko nang tumingin siya sakin. Hindi ko siya pinansin. Vibrate ng vibrate sa mesa ang cellphone ko na di ko rin pinansin.
Nagulat ako nang lumapit yung lalaki sa harapan ko at pinunasan ang pisngi ko gamit ang hinlalaki niya. Nakakunot noong napatingin ako sa kanya. Nakita ko sa daliri niya ang whipped cream ng waffle ko na pinunasan niya ng tissue. Hindi pa rin siya nalayo sa mukha ko. Pinunasan niya pa ng tissue ang pisngi ko habang nakatingin sa mata ko.
Nagvibrate ang cellphone ko kaya wala sa sariling pinulot ko ang cellphone at tinignan ang message na natanggap. Nanlaki ang mata ko at agad akong napatingin sa paligid.
Chase
Fvcking ask him to leave or I'll come in there to get you.
Nagpalinga-linga ako pero wala akong nakitang Chase. Nagulat na lang ako nang may nagsara ng netbook ko at hinila ang bag ko para ilagay niya doon ang netbook. Hinila niya rin ako patayo saka ko nakita si Chase sa harap ko, hawak hawak ang braso ko at ang bag ng netbook ko na nakasabit sa balikat niya.
"C-Chase..." banggit ko sa pangalan niya.
Bumaling si Chase sa lalaking naki-upo sa mesa ko kanina saka siya nagsalita. "Who the fvck are you and who gave you the rights to touch my wife?" aniya sa lalaki. Pinamulahan naman ako ng pisngi sa sinabi ni Chase.
"Woah, I'm sorry dude. Gusto ko lang naman tanggalin yung whipped cream na nasa pisngi niya." sagot nung lalaki.
"You could have atleast just told her that she has one. Never show your face to me." banta ni Chase through gritted teeth.
Ngumisi yung lalaki at nagsalute. Hinawakan ko ang kamay ni Chase dahil nararamdaman kong nainis siya sa inasta nung lalaki. Kinuha ko yung macchiato ko saka ko siya hinila sa kabilang entrance ng SB.
Nanggigigil si Chase nang lumabas kami patungo sa parking lot. Masama ang tingin niya sakin habang nakapameywang sa harap ko. Kinagat ko ang labi ko saka ko nilaro ang takip ng macchiato.
Mabilis na lumapit si Chase sa pwesto ko at nilagay ang mga kamay sa bewang at batok ko. Sinalubong ako ng Chase ng maririin na halik na siyang agad kong tinugunan. Hinila pa ko ni Chase palapit sa kanya dahilan para mahawakan ko maigi ang macchiato.
Bumitaw si Chase matapos ang ilang segundo at lumayo sakin kaunti. Medyo umaliwalas na ang mukha niya dahil nakangisi na siya habang nakatingin sa akin na naka-awang ang bibig. He left me begging for more.
"You're such a frustrating girl and now you're asking for more." aniya sakin habang nakangisi.
Nang makabawi ako ay ngumuso ako dahil halatang inaasar na naman ako. "I love you." ani ko na nagpangiti pa sa kanya lalo.
"I love you, too. Very." aniya at hinila ako para yakapin. Chase being like this is cute. Very cute.
YOU ARE READING
Nothing But Strings
Teen FictionBridge. Tuning pegs. Fret. Rosette. All of these are a part of a stringed instrument. Simula ng mapangiti ko siya, mapatawa, I started falling for this guy. Chase is the kind of guy that doesn't like holding someone's hand, not even mine except his...
Chapter 10
Start from the beginning
