Dahil wala akong magawa, naligo ako at nagpalit ng damit. Dinampot ko yung bag ko kasama ng netbook at charger. Pinulot ko yung cellphone sa kama saka ko binuksan. Unang bumungad sakin ang text ni Chase, Ina at Niccolo. Umiling ako saka ko nilagay sa bulsa ko ang cellphone at lumabas ng kwarto.

 Sakto namang nasa labas ng bahay ang driver namin. Makakatipid ako sa pamasahe.

"Kuya Son! Busy ka ba?" tanong ko habang pinanonood siyang nagpupunas ng sasakyan.

Tumigil siya sa ginagawa saka ako hinarap habang pinipiga niya ang basahan. "Hindi naman masyado ma'am..." aniya na putol dahil hindi niya alam kung si Ina ba ko o si Irina.

"Irina Jace, kuya." sagot at ngumiti.

"Ma'am Irina, hindi naman po busy. Pagtapak po ng alas tres susunduin ko na po yung kakambal niyo. Papahatid po ba kayo?" tanong niya.

Sinilip ko ang relo ko. Malapit lang naman ang mall dito. Tatambay lang naman ako SB at 10:00 pa lang naman. Etong driver na to may pagka-OA. Although, malayo nga naman talaga ang school mula dito sa bahay.

"Sa mall lang naman ako kuya Son. Saglit na drive lang yun tas balik ka na. Mamamasahe na lang ako pauwi." ani ko.

"Sigurado ka po ba na magcocommute kayo pauwi? Susunduin ko na lang din po kayo kung gusto niyo." alok niya na inilingan ko.

"Huwag na kuya Son. Pahatid na lang." sagot ko.

Tumango siya at nilagay sa timba ang pamunas na hawak niya kanina saka niya dinala ito papunta sa garahe. Lumabas siyang nagpupunas ng kamay gamit ang bimpo niya saka niya ko pinasakay sa sasakyan. Dahan-dahan kong inilapag ang bag na dala ko at sumakay. Naramdaman ko naman biglang nag-ring ang cellphone ko at nang tignan ko ay agad ko itong pinatay.

Binaba ako ng ni kuya Son sa tapat ng mall. Nagpasalamat ako saka ako pumasok sa mall. Binuksan ko yung zipper ng bag para matignan ng gwardiya na wala akong tinatagong bomba kundi netbook lang.

Dumiretso naman ako agad sa SB. Pumila muna ako para umorder at dahil medyo mahaba ang pila, kinuha ko yung cellphone ko. Sinilent ko at di na ko nagulat nang may tumawag ulit. Chase just won't stop calling me.

"Caramel macchiato venti  and belgian waffle." ani ko nang turn ko na para umorder.

"Ano pong pangalan?" tanong nung nasa kahera.

"Jace. J-a-c-e." sagot ko na tinanguan niya habang nagsusulat sa cup.

"Thank you for ordering, Miss Jace. Hintayin niyo na lang po dito." aniya at iginiya ako sa tabi kung saan sineserve ang mga orders pagkatapos kong bayaran ang inorder ko.

Tumango ako saka ko hinintay ang order ko. Dinukot ko ang cellphone ko sa bulsa nang bigla itong magvibrate. Since hindi ko sinasagot ang tawag ni Chase, nagtext na sila nila Ina.

Nothing But StringsWhere stories live. Discover now