Lihim akong natawa. No fun? He didn't know na kahit gaano ka-stressful sa school these last few months have been the happiest ones in my life.

Umiling ako. "No, I'm good."

Drew looked at me as if he's seen a ghost. "What? You're seriously rejecting my offer? Man, I know you. Kahit pa sinabi mo nung start ng pasukan na magseseryoso ka sa pag-aaral, alam kong hindi mo igigive-up ang pangbababae."

I smirked at him. "Well, maybe you don't know me enough."

Tumayo na ako habang nakangisi pa rin sa hindi makapaniwalang mukha ni Drew. "Sige na, mauna na ako. Enjoy na lang mamaya."

At nang tumalikod na ako'y doon pa lang siya nakasagot. "Hey, man. Come back. May hindi ka ba sinasabi sa akin? This is just not like you."

Natawa ako. Naabot ko na ang pinto at napihit ang doorknob pero bago tuluyang lumabas ay nilingon ko si Drew na nag-aantay pa rin sa akin. I kept my smirk as I told him, "Maybe."

Then I winked at him just as he did earlier and I went out.

Palabas pa lang ako ng 8ight nang biglang tumunog ang cellphone ko. I thought it was Vanessa so I immediately got it from my pocket. Pero sa pagkasorpresa ko ay si Ms. Sally iyon ng Golden Lives.

"Tyler, pasensya na kung nakakaistorbo pero kung available ka ngayon, pwede ka bang dumaan dito? Si Nanay Belen kasi may sakit tapos ayaw kumain. Hinahanap ka niya. Baka pwede mo kaming matulungan?"

*

Mahina akong kumatok sa pinto. Nang marinig ang pagsagot ni Ms. Sally ay binuksan ko na rin iyon.

"Hello po," bati ko nang makapasok sa loob.

"Tyler, hi," bati niya rin saka binaba 'yung papel na hawak saka tinuro yung upuan sa harap ng table niya. "Upo ka."

Umupo ako doon at nagtanong siyang muli. "Si Nanay Belen pala, kumusta?"

"Pagkatapos pong makainom ng gamot ay nakatulog na din."

She nodded. "Thank you talaga. At sorry sa abala pero alam mo naman kung gaano katigas din ng ulo ni Nanay Belen. Kung anong gusto, yun dapat ang masusunod."

Napangiti ako. That's true.

"Okay lang po talaga," sagot ko. "It's not really a bother."

"Thank you," sabi ulit ni Ms. Sally. "Pagpasensyahan mo rin at hindi kita na-welcome kanina. Medyo marami lang ginagawa ngayon."

Ngumiti lang ako saka hindi sinasadyang napunta sa ang mga mata ko doon sa papel na hawak niya kanina. And one of them looked familiar. Design plan.

"May papagawa po kayo dito sa homecare?"

"Hmm," she nodded. "Hindi ko alam kung nakita mo na pero may three-storey building sa likod na matagal nang hindi nagagamit. Last month, someone volunteered to finance yung pagpaparenovate. And we're about to start this month kaso 'yung nakuha naming architect, nag-back out. Sayang dahil nakagawa na siya ng design plan but apparently there's a bigger project that was offered to him and pays greater. Wala na kaming signed contract kaya hinayaan na lang namin. Kaya ayun, mukhang wala kaming choice kundi i-pending ulit."

Malalim akong huminga. I'd like to propose something pero hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin. And it's even helpful at all. But then I knew if I won't say this, it'll be hard for me to sleep tonight.

"Um, it's just a suggestion but I can offer help with regards sa design plan. I know I'm still not an architect and studying but I've done several design plans and I'm confident I can make you one. But still, your call po."

Best for Us (GU #3)Where stories live. Discover now