E P I L O G U E

230K 4.6K 1.7K
                                    

Lured

This is the last part of this story! It took me long to write the epilogue since ayaw ko pa sana siyang matapos and Lured already holds a special place in my heart kaya medyo emosyonal sa akin ang wakas. Sa lahat ng works ko, dito ko napansin yung pagiging active niyo as a reader and I highly appreciate it lalo na sa mga feedbacks na binibigay niyo. Thank you for letting me inspire you with my works, stubborn readers! Walang sawa akong magpapasamalat sa suportang binubuhos niyo at hindi ako magsasawang magsulat para sa inyo. Iloveyouu all!
--------------

Until The Rest Of  My Life

Nagising ako sa umagang iyon dahil sa tumakas na sinag ng liwanag sa bukas na bintana. Nang magmulat ang aking mga mata, ang agaran kong napansin ay ang pagiging mag-isa ko nalang sa kama.

Hindi ko na kailangang igala ang mga mata ko dahil mabilis kong nakita si Isaiah, naroon sa rocking chair habang tulog at hawak hawak ang infant naming anak.

It made me smile for awhile while watching him. Dumapo ang kaonting liwanag sa kanila at nakita ko ang gwapong mukha ng aking asawa, mahimbing ang tulog at mukhang napuyat ng husto kagabi.

Bumalikwas ako at nagtungo sa kanya ng tahimik. Our small baby made him look so big while he's carrying him. His biceps are showing while the baby rested on his arms.

Hinaplos ko ang kanyang panga na unti-unti niyang ikinagising. Mabilis na nalaglag ang kanyang tingin sa baby naming dalawa na mahimbing parin ang tulog.

"You rest, Isaiah... Ako naman," sabi ko at hinaplos ang kanyang braso.

He didn't say anything. Tinitigan niya lamang ang baby at inayos ang pagkakabalot nito sa kanya.

Radge, our first born, really looks like him in any angle. Wala atang namana sa akin ang bata. From his thick brows, lashes, pointed nose and his lips remind me of Isaiah alot. Naiisip ko tuloy na sana, ang kanyang mga mata, ay akin din. But who am I kidding? I'm sure his eyes resemble his father's eyes, too!

"He looks like you alot..." bulong ko.

Ngumiti si Isaiah at sumulyap sa akin saglit, pero nang gumalaw ang baby sa kanyang bisig ay nalaglag agad ang kanyang tingin doon.

He started humming and rocking himself on the chair. Ngumuso ako habang nakikinig sa kanya. Namumungay ang kanyang mga mata at nakatitig sa baby na nakaawang na ngayon ang mamula mulang labi, unti-unting humihimbing muli ang tulog.

Kinuha ko agad ang aking cellphone para kunan silang dalawa ng picture. Humangin ang high curtains at mas pumasok ang liwanag, nagmistulang anghel si Radge na nakikita ang side profile at katangusan ng kanyang ilong habang magulo ang buhok ni Isaiah, ang side profile ay tila naging salamin ng kanyang anak na kanyang tinititigan.

I can really imagine our little Isaiah! Ang cute siguro pero iniisip ko palang ang kanyang kasupladuhan ay parang gusto ko na agad kurutin ang pisngi.

Sa aming dalawa, si Isaiah ang mas lalong nagpupuyat habang ako naman ay pinapatulog niya lang rin. Madalas kasing umiyak si Radge sa hatinggabi, pag aakayin ni Isaiah ay mabilis ring tatahan at kung ibababa niya na ay iiyak ulit. Kaya minsan, inuumaga nalang siya kakaakay rito.

Naisip ko tuloy kung masyado ko ba siyang pinaglihian noon na kahit ang baby, noong lumabas ay presensya niya agad ang nakahiligan. Naaawa nalang ako minsan sa kanya lalo na't tuwing umaga ay may mga kliyente pa siyang inaasikaso.

I remembered his first time carrying him. He got teary eyed while watching him for the first time. Pulang pula ang kanyang mga mata noon at mabilis agad tumahan si Radge nang siya na ang umakay. He kissed his forehead and whispered something to our infant. Naiyak ako habang pinagmamasdan siya dahil pumaskil talaga sa kanyang mukha ang saya kahit hindi siya ngumingiti. He'll just stare at him seriously without blinking, like it's his first time seeing a precious gem.

L U R E D (NGS #5)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن