Depression 1

4 1 0
                                        

Part 1
May nagaganap na homeroom meeting at kasabay narin dito ang pagbigay ng cards at pag announce ng mga top. 
Naka upo lang kami sa likuran katabi ang kaibigan ko habang inaantay namin kung sino ang top 1.
“Alam kong ikaw talaga yan bess!” Sambit niya saken. Di na siya mapakali sa kanyang kina uupuan na amin ng malalaman kung sino ang naka top 1 sa amin.
Habang ako kinakabahan na sa aking malalamang resulta. 
“Hannajih Varguas! Her average is 93.4! Congratulations Ms. Varguas!” Agad kong tinignan si Mama at saktong tinignan niya rin ako. Tinignan niya ako ng masama. Alam kong dismayado siya ngayun. 
“Top 2...Ms. Fritzy Balliego! Her average is 93.3! Congratulations Ms. Balliego!” Agad na akong tumayo ng walang gana. Tumungo na ako sa harap at inabot ang sertipiko at medalya na isinabit sakin ni Mama. Pinilit ko paring ngumiti sa harap ng camera. Sa harap ng aking mga kaklase. Sa harap ng maraming tao. 
“Congratulations Fritz! Usap tayo mamaya!” Bulong saken ni mama.
Pagkatapos ay di na kami nagtagal ni Mama at agad na kaming umuwi.
-
“Ba’t di ka top 1?! Ba’t yun lang? Bakit ha? Nawawalan ka na ba ng gana sa eskwela ha? Nilamangan ka nung Varguas na yun!” Maka binging sigaw ni Mama. Nakikinig lang ako at pinikit ko lang ang aking mga mata saka ako sumagot.
“Ma..” mahinahon kong saad “ point 1 lang naman yung lamang niya eh!” Nabigla na lamang ako nang sinampal ako ni Mama.
“At sumasagot ka pa? Di ko matatanggap ang mga sertipikong yan! Atsaka yang medalya na yan, itapon mo yan! Napaka bobo mo!” Di ko na napigilan ang aking mga luha, dumadaloy na ito sa’king mukha.
Agad kong itinago ang aking sertipiko at medalya sa kwarto ko. At umiyak, humahagulhol at humikbi na ako habang nakahiga sa kama.
“Ba’t ganun? Napaka perfectionist ng family ko lalong lalo na si Mama.... I did my best! Pero ba’t feeling nila kulang parin? Di nila alam kung gaanu ka hirap sa school! Gaano ka hirap maging leader sa mga ka grupo ko na halos tumulong di magawa! Magdamag akong nagsasaliksik para sa lesson namin, para sa report namin, para sa assignments na pinagawa sa amin, para sa mga projects! Am I not good enough? Ginawa ko lahat lahat, halos matulog ng maaga ay di ko na magawa dahil mas inuuna ko ang mga pinapagawa sa amin. Ba’t di ako kagaya ng iba, na namumuhay lang ng payapa. Yung nagagawa nila ang lahat lahat, yung pwede silang sumaya, yung pwede silang lumabas ng bahay, yung pwede makipag kaibigan, yun yung gusto ko pero hindi eh! I’m tired! I’m really tired! Pagod na ako sa pamilya ko! Pagod na akong ibuhos lahat ng mga nalalaman ko! Tapos lalabas pa sa bunganga nila Mama ang salitang ayaw kong marinig! BOBO? Kung bobo pala ako edi wag nalang!” Mahaba kong bulong sa sarili ko. Tumayo ako at kinuha ang kurtina....agad ko itong tinali sa bintana. Tsaka ko itinali sa leeg ko, ng masigurado na ito ay agad na akong tumalon. Di ako makahinga, nakikita ko nalang ang sarili ko na nakabitay. Hanggang sa naubusan na ako ng hininga. 

DepressionWhere stories live. Discover now