"Grabe! ang bigat ah sumakit ang likod ko dun."

"Wag ka na umarte dyan, kuha mo na lang ako ng basang towel at tubig."

"'to naman, ano ba talaga ang nangyari sa kanya?"

"Dunno, well ask her kapag nagising na sya."

Ihiniga ko sya ng ayos sa bed nya., pagdating nya ni Jio, kinuha ko agad yung towel na basa at pinunasan na sya.

Ang baho nya. Ang alam ko hindi sya marunong uminom ah? ano ba talaga kasi ang nangyari.

"Ummm"

Gumalaw sya ng kaunti, napansin ko pa na may luha sa gilid ng mata nya.

She's crying while sleeping? 

MELISSA'S POV

'aa-ouch, ang sakit ng ulo ko, aah'

Hawak ko ang sintido ko, ang sakit eh,  pagtingin ko sa side ko, nakita ko si Jia

'Hah?'

'Ano bang nangyari? Ouch, sakit ng ulo ko talaga.'

Hindi ko na sya ginising. Tumayo ako para lumabas ng kwarto.Sa sala nakita ko naman si Jio.

'Anong ginagawa nila dito? BAkit dito sila natulog?'

Dumiretsyo ako sa kusina, parang tuyong tuyo ang lalamunan ko eh.

"Gising ka na pala."

"AY BUTIKI !"

Kamuntik ko pang mabitiwan yung baso sa gulat ko..

"Ano  ba Jia !  ginulat mo ako."

"Since gising ka na naman, at napuyat kami sayo, magluto ka ng breakfast, gutom na ako eh."

"Tss, opo."

Nagluto nga ako ng almusal, buti na lang pala at madami dami ang na bili kong pagkain.

Nagluto ako ng itlog na prito, hotdog, at fried rice.

Gising na din si Jio nung matapos akong magluto.

"Hhmmmm, nagising ako sa amoy ! tara lets eat na!"

♥When the Gang Master MEETS the Little Kung Fu Master♥ FINISHEDWhere stories live. Discover now