Chapter 1: The Fire

Magsimula sa umpisa
                                    

Isang bagong biktima ang nakita ko. Isang dalaga na may kasamang tagasilbi. Pero mukhang inuutusan niya ito para bumili sa isang shop. I had my polite face once again while walking towards her. Pero naglaho ang konsentrasyon ko nang marinig ang isang sigaw.

"Nasusunog ang kagubatan!"

I blinked once. Lumapit ako sa main street para makita ang nangyayari. Nakakagulo sa town square sa labas ng avenue. Several people were pointing to the sky. Tumingala ako at nakita ang maitim na usok sa 'di kalayuan.

Shit.

Para akong binuhusan ng kumukulong tubig. Tuluyang naglaho sa isip kung ano ang ginagawa ko. Napatakbo ako palabas ng avenue. Sumigaw ang kasama ko.

"Hoy! Sandali! Saan ka pupunta, Andy?"

Muli akong napamura ng mahina. Kainis. That's why I prefer working alone. Muli akong lumingon at nakita si Egor na tumatakbo, humihingal dahil hindi mabuhat ang malaking katawan.

"Yong porsyento ko."

Nilahad niya ang may katabaang kamay. I rolled my eyes. Kung umasta 'to akala mo iisahan ko siya. Kinapa ko ang bulsa ko at kinuha ang kalalagay na alahas.

Ngumisi siya at bumalik sa binabantayang mga tindahan. Isa siya sa mga dapat ay gwardiya sa avenue para maiwasan ang mga tulad kong pumupuslit para magnakaw. Pero kahit sila ay may matinding pangangailangan kaya malaya kaming nakakagalaw sa avenue. We made the rules of the street.

Sumiksik ako sa mga taong nasa town square. Karamihan ay nagsilabas sa mga tindahan para tingnan ang nangyayari. There was a general panic in the air.

"Balita ko utos ng Night Court na ipasunog ang kagubatan," bulong ng lalake sa kasama niyang naki-usyoso.

"Pero 'di ba may mga taong nakatira doon?" tanong ng kasama niya.

"Wala silang pakialam sa mga tulad nila."

Nagmadali ako sa paglabas sa bayan habang nakikita ang paglaki at pagtaas ng itim na usok. May ilang tao din mula sa town square ang nagmamadali tulad ko. Isa lang ang nasa isip namin. Nasa loob ng kagubatan ang mga pamilya namin.

Tinakbo ko ang kahabaan ng maluwang at bakanteng lupa na naghihiwalay sa bayan at sa kagubatan. Nasilayan ko ang lumalagablab na apoy na kinakain ang mga nagtataasang puno. Ramdam ko ang init nito sa aking balat.

Pumasok ako sa loob ng kagubatan, hindi alintana ang pagbagsak ng puno at ang matinding init. Black soot rained like confetti as though welcoming me to hell.

Dumerecho ako sa daan papunta sa bahay. Pero ang mga bahay na inuuwian namin ay hindi konkreto. They were tents and improvised housing just enough to have protection above our heads.

Dati kaming sa loob ng siyudad nakatira. Pero dahil hindi namin kayang magbayad ng tumataas na buwis, dalawang beses kada taon, pinaalis kami ng Night Court sa sarili naming tirahan.

Kaya nanirahan kami sa kakahuyan sa labas ng siyudad. There were dozens of families like us inside the forest. Nagpatuloy kami sa pagta-trabaho sa siyudad at umuuwi sa kagubatan tuwing gabi. Wala silang narinig mula sa'min. Hindi kami nagreklamo. Hindi namin sila isinumpa kahit kasuklam suklam ang ginawa nila.

Pero totoo ba? Mula sa Night Court ang utos na ipasunog ang kagubatan?

Nanlaki ang mga mata ko noong makitang nasusunog ang tent kung nasaan sila.

"Lolo! Lola!"

I was screaming frantically in the middle of the thick smoke and the burning hell. Everything around me was on fire. Blazing, scorching, murderous.

The Wicked CrownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon