Chapter 1: The Fire

86K 5K 2.3K
                                                  

Chapter 1: The Fire

Isang babae ang may hawak na mga kahon. Stacks of colorful boxes adorned with huge ribbons. Red, gold, and silver. Halos hindi siya magkamayaw sa mga dala niya and she was muttering something about her incompetent servants.

"Tulungan ko na kayo."

Lumapit ako para tulungan ang babae. Kinuha ko ang mga boxes mula sa kanya, which she instantly gave with a huge sight of relief. "Nagta-trabaho ka ba dito, hijo?"

My pursed lips lift at the corners. "Yes, ma'am."

"Buti nalang. Nasaan na ba ang sasakyan ko?"

Lumapit siya sa daan para sumilip. She was having a hard time walking on the cobblestone street in those ridiculous shoes with feathers. Dapat alam niya 'yon. But who am I to judge? I've seen worse fashion decisions in this avenue full of shops selling clothes, jewelries, and dashing hats.

Ito ang pinupuntahan ng mga tao sa village ng Epolla. Ang tanging maipagmamalaki ng mga nakatira dito. People here were born with good craftsmanship skills. Maker of great quality handmade products with exquisite details using their meticulous hands.

Of course, what I do is one of the same.

Isang itim na sasakyan ang pumara sa harapan namin. On the avenue, people walk with ridiculous dresses the size of ballgowns on midday. Their heads looks like spectacle; feathers or leaves or huge flowers sticking out from their head pieces. No one judges, that's the ways of the People of the Halls.

Binuksan ng driver ang likod ng sasakyan para ilagay ang mga kahong hawak ko. The lady tried to fit herself and her big ass carnation gown inside the backseat of the car. Tinulungan siya ng tagasilbi na kasama nila.

Nangalngal siya mula sa purse niya na kumikinang sa desenyong ginto. "Here."

Inabot niya sakin ang ilang barya, Bronze coins. Umiling ako. "Hindi ako humihingi ng kapalit."

One of her thin eyebrow raised. Hindi siya makapaniwala na hindi ko 'yon tatanggapin.

Epolla is a poor village. Even if it's the source of the best quality luxury products in the kingdom, it's still the poorest of the five villages under the Kingdom of Nightcrest.

Any hustle counts. You would see them everywhere. Kahit mga bata, nasa langsangan at gumagawa ng paraan para kumita.

"You're a good man."

Sumara ang pinto. Umikot ang driver at pumasok sa driver's seat. Umandar ito sa patag na daan and the tugging of my lips immediately dropped.

My face became sordid again and I rolled my eyes bago bumalik sa pwesto ko kanina. Stupid people. Sinilip ko ang perlas na porselas sa palad ko at sinuri ito.

I hope this isn't fake like yesterdays. Bwisit parin ako sa babaeng 'yon na napaka-arte at kung umasta napaka-taas, 'yon pala peke ang suot na alahas.

Nilaro ko ang bracelet sa palad ko, gently throwing it from my palms into the air while whistling. You're a good man. Napangiti ako ng sarkastiko sa sinabi niya.

Mali siya sa ilang bagay. Nilagay ko ang bracelet kasama ng ilan pang alahas sa bulsa ko.

Pagbalik ko sa pwesto ko, muli akong nagmasid ng susunod na biktima. Kadalasan, 'yong mga nag-iisa ang nilalapitan ko, mga madaling biktimahin.

Alam kasi ng ilang driver at tagasilbi na ang lugar na ito ay talamak sa nakawan kaya mas maingat sila kesa sa mga amo nila. But oh well, I little flick of my hand, a mili-second brushing of our palms and they would never notice what's missing. Rarely anyone notices a lost once you're face with new things.

The Wicked CrownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon