At mabilis na tinalikoran siya. At hinanap ko sila Louisse. Agad ko ring nahanap.

"Bat niyo ba ako iniwan ha?" singhal ko.

"Bad mood ka kasi, kaya hinayaan ka naming mag-isa!" agap ni Louisse.

Ginulo ko ang buhok ko."Ggrrrrr nakakainis naman!"

"Hays ano ba kasi yang problema mo?" -Ellie

"Oo nga ano ba kasi yan Zaya?" -Louisse.

"Wala nga!" sigaw ko.

"Edi wala!" kasabay nilang sabi.

Mariin akong pumikit at sinabayan sila sa paglalakad. Hindi nalang ako nakisali sa usapan nila sa sobrang inis ko. Parang sasabog na ako! Bwesit talaga oh. Di ko man lang na enjoy ang paradr namin. Panay kuha nila ng picture. Panay tilian ng iba at asaran. Samantalang ako nakanguso rito ang daming iniisip. Lumingon sila minsan sa akin pero inirapan ko lang sila.

Bwesit ka William! Kasalanan mo ito eh. Kung di dahio sayo di kami magkakaganito ng bebe ko! Nagalit tuloy sa akin ang boypren ko...Kung sana di ko lumapit. Nagkasama kami ngayon kahit di pwedeng tumipon sa STEM students! Nakakainis ka masyado William sarap mong ihambalos sa kalsada. Mas lalong uminit ang ulo ko dahil sa araw. Nakakainis shet!

Natapos na rin ang parade at nagtipon na ang lahat sa boung gymnasium. Ang ingay dahil rumampa yung mga candidates sa Intramurals. Nagtilian ang mga babae. Pati mga lalaki ay sumisigaw na rin. Ngayon kasi ang Mr. and Miss Intramurals. At ako naman ay naka upo lang rito sa bench kasama si Ellie at Lou. Na tumalon-talon dahil nandon ang crush nila. Inihilamos ko ang palad sa aking mukha dahil naiirita na ako sa ingay. Minsan nagtutulakan sila Ellie at Lou at natamaan ako. Shet ang ingay buset!

Tinakpan ko ang tenga ko. Grrrrr! gusto kong magwala buset! Mas lalong umingaw ang gymnasium. Nang sumayaw ang mga candidate. Panay sipulan at tilian ng mga estudyante. Mapa JH at SH. Siguro ganon rin ang ginawa ni Kim. Inikot ko ang mata ko at nakita ko ang STEM students naka-upo sa kabilang bench. Di ko siya hinanap. Bahala siya! Di niya ako hinayaang mag explain. Tumayo ako at aalis na sana dahil sa ingay. Nang biglang hinawakan ni Lou ang braso ko.

"Oooppp san ka pupunta?!" sigaw niya.

"Ang ingay!" nakasimangot kong sagot.

Hinigit niya naman ako pabalik. At pinaupo.

"Wag kang KJ dito ka lang."

"Louisse naman eh! Ang ingay nga sabi!"

"Shhhh tumahimik ka!" at itinuon pabalik ang mata sa stage.

Di ako nakaimik. Umopo nalang ako at tinakpan ulit ang tenga. Nang di ko natiis ay tumayo na rin ako upang tingnan ang mga candidates. Laking gulat ko. Dahil ang gwapo ng mga College! Oh my gosh! Nanlaki ang mata ko at umawang ang bibig ko. Naki tilian na rin ako at tumayo!

"GOOOO BS CRIM! GOOO HANES!" naki sigaw at tilian ako. Shet ang gwapo niya kasi.

Napa lingon si Ellie at Lou sa akin. Sinamaan ko lang sila ng tingin at tumili ulit. Parang naglaho ang galit ko dahil sobrang gwapo ng representative ng BS Crim. Haloa lahat ng babae ay tumili sa kanya. Ang ganda ng tindig. At aura nito. I heard na may dugong koreano raw ito kaya medyo masingkit at maputi sobrang gwapo talaga!

Hanggang sa natapos ang patimpalak nila. Medyo namamaos ang boses ko kakasigaw. Kaya napahawak ako sa aking leeg. Si Hanes naman ang nanalo kaya worth it naman. Pero medyo paos na yung boses ko. Panay talak nila tungkol sa nanalo.

"Grabi ang gwapo niya talaga Lou nu?" si Ellie.

Habang naglalakad kami patungong sa hallway. Upang umupo sa student's area.

"Oo nga pati si Zaya na nawala sa mood ay sumigla!" hagikgik nilang dalawa habang pinasadahn nila ako ng tingin.

"Oh bat ako kasali?"

"Ayyy crush mo si Hanes nu?" si Louisse.

"Anong-"

Di ako natapos dahil biglang may sumingit. At sumabay sa aming maglakad.

"Sinong crush?" mariin niyang tanong.

"Hays ikaw na bahala mag explain Zay." baling ni Ellie sa akin."alis mo na kami bye!" at tuluyan na kaming iniwang dalawa.

Nang nasa students area na kami ay imopo na rin ako. At kaharap ko siya ngayon. Bumuntong hininga ako habang nagtitigan kami sa mata. At naghintay kong sino ang unang magsasalita sa amin. Nakunot ang noo niya at matalim na nakatingin sa aking mata. Ganon rin ako sa kanya at intinaas ang kilay ko.

"At tumalon ka pa talaga sa lalaking yon?" siya ang unang nag salita at umiling pa ito.

"Eh ano naman sayo ha?" pagsusungit ko at nag cross arm.

"Tssss...so ipagpapalit mo na ako Zaya ha?" mariin nitong sabi. At mas lalong nangunot ang noo niya at sobrang talim ng kanyang titig.

Humahalakhaka ako. Dahil kong bakit mas lalo siyang nagalit.

"Di ka naman mahirap palitan tssss...I can change you just for a second!" pagmamayabang ko.

"What? are you teasing me Zaya Rosevelle Delfino?!" galit na siya.

Mas lalo akong natawa."If that's what you think, then it is."

"I'm sorry....." biglang niyang sambit at mahina ang boses niya.

Nagulat ako pero agad kong inalis. Ako yung may kasalanan pero siya yung nag sorry HAHAHAH. Good ka Zaya. Ganyan nga!

"Ha?" sabi ko na parang hindi ko marinig ang boses niya.

Hahaha tingnan natin. Galitin kita ngayon Kim Betelgeus Mirafuentes.

"Hakdog!" bilaang sagot niya at tumawa.

Napaawang naman ang bibig ko sa sinabi niya. Sarap bigwasan nito! Nakakgigil!

Your Childish GirlfriendWhere stories live. Discover now