First Entry.

456 9 6
                                    

Ang mundo ay isang malaking kaparangan na punumpuno ng iba't ibang klase ng misteryo. Karamihan sa mga misteryong ito ay nabigyang paliwanag na.. Ngunit ang iba ay hindi pa.. Maraming katanungan pa rin ang hindi kayang bigyang kasagutan ng murang kaisipan ng mga tao, at ang iba sa mga ito ay napabayaan nalang.. Thats it.. Napabayaan na..

Kapag may isang misteryo ang hindi kayang mabigyan ng sagot.. Pinapabayaan nalang ito..

Marahil ito ang dahilan kung bakit wala pa ring makapagbigay ng konkreto at matibay na sagot sa klase ng misteryong gumimbala sa aking buhay.. Dahil ito ay mahirap ipaliwanag..

Isang uri ng kababalaghan na minsang nagpaiba sa simpleng takbo ng aking pamumuhay.. Bagay na may malaking epekto sa akin, sa pamilya ko, at sa iba pang mga tao na nasa paligid ko..

Hindi ko alam kung paano ito nangyari, kung saan ito nagsimula, o kung paano ito nagtapos.. Kung saan ako dadalhin nito, at kung saan din ako iiwanan nito.. Wala akong ideya.. Kahit katiting wala.. Basta nagising nalang ako isang araw, taglay ko na ito.. Nananalaytay sa kailaliman ng ugat ko kasabay na dumadaloy sa mainit at nag-aaso kong dugo..

At ang kababalaghang ito.. Ay nagtataglay ng maitim na pwersang kumakain sa aking nakaraan dahilan upang magluwa ng isang bago at kakatwang hinaharap.. Hinaharap na hindi nakatala sa aklat ng aking buhay.. Pabagu-bago.. Umusbong mula sa isang di inaasahang simula..

Kung nalilito kayo sa aking pahayag.. Mabuting tunghayan nyo nalang ang aking kwento.. At kayo nalang ang bahalang humusga nito pagdating sa huling pahina.. Sasamahan ko kayong isa-isahin ang bawat pahina ng aking talaarawan..

Na kung saan ang bawat dahon ay may tinataglay na kanya kanyang misteryo.. Alam kong sa umpisa ay mahihirapan kayong unawain kung anong klaseng scenario ang nangyayari sa aking pagkatao.. Pero tutulungan ko kayong unawain kung ano nga ba ang nangyari sa akin.. Sa aking nakaraan, sa aking kasalukuyan.. At sa aking hinaharap..

Ako si Jin..

At inihahandog ko sa inyo, ang aking diary..

************************

Sisimulan ko ang aking kwento nung ako ay 13 yrs old palang.. Ito ang masasabe kong panahon kung saan tingin ko dito sa stage na ito nagsimula talaga ang aking buhay.. Nagsimula akong lakbayin kung ano nga ba ang mundo ko, at kung ano nga ba ang ibig sabihin ng buhay ko..

Bakasyon noon, tandang tanda ko pa.. At ako ay pinagbakasyon ni mama sa lugar nina papa..

Limang taon palang ako, nang maghiwalay ang aking mga magulang. Hindi malinaw ang dahilan sa akin kung bakit sila naghiwalay, pero ang parang narinig ko yata, cultural differences daw.. Bukod pa sa magkaiba rin kasi ang relihiyon nina mama at papa. Si mama ay isang katoliko, ang masasabe kong modernong imahe ng isang babae sa kasalukuyan, habang si papa ay konserbatibo.. Isa syang christian, isang pastor sa kanilang simbahan, na tumiwalag panandalian ng mabuntis ang aking ina. Ako ang naging bunga ng kanilang kapusukan, pero sa lumipas na 5 taon ng pagsasama, hindi rin sila nakatiis sa piling ng isat isa.. Naghiwalay rin sila.. At ako ay napagdesisyunang isama sa kustodiya ng aking ina..

Hindi ko kailanman nakita na nag-away o nagkasagutan ang aking mga magulang, bagkus hindi ko rin naman nakitang naging matamis sila sa isa't isa. Ang pusyaw na alaalang natatandaan ko lang sa kanilang dalawa ay nung minsang ipasyal nila ako at sama-sama kaming kumain na tatlo sa Jollibee nung ako ay 4 years old pa lamang. Iyon ang una't huli kong naalala na may bonding kaming pamilya.

Nung maghiwalay sila, umuwi si papa sa probinsya nila upang muling bumalik sa kanyang dating pamumuhay, ang maging isang pastor. Kahit hindi ko nakitang umiyak si mama nung umalis si papa sa aming tahanan, alam kong nalungkot rin sya kahit papaano. At naalala ko yung oras na niyakap nya ko ng mahigpit at binulungan: "mula ngayon, tayong dalawa nalang ang magkasama.." Iyon ay humigit kumulang walong taon na ang nakararaan..

Diary ni JinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon