We've updated our Content Guidelines.
Review the latest guidelines to keep sharing stories safely.

First Day

17 1 0
                                        

Tinawagan ako ni Camille sa telephone dahil magkikita kita daw kami nila Joy.

Pagdating ko sa restaurant ay nadatnan ko sila Camille, Joy, Janrev at Felix na mga high school friend ko.

"Ano meron?" tanong ko ng dumating ako saka ako umupo sa silya na nakalaan para sa akin.

Itinaas ni Joy ang kamay nya at nakita ko ang isang bagay na kumikinang sa daliri nya "Im engaged !" patiling sabi nya.

"Congrats... Im happy for you and to Jason" magiliw na sabi ko.

"Eh ikaw?" singit ni Janrev at sabay sabay silang tumingin sa akin na para bang nang-uusig.

"What?"

"Oo nga.. ako married na si Joy engaged na si Janrev-" sabi ni Camille pero naputol nang biglang sumabat si Janrev.

"Ops...! wait... may boylet ako and plano na namin magpakasal sa ibang bansa" malanding sabi nya... palibhasa kasi di na mapagkakamalan bakla sila Janrev at Felix dahil para na silang babae.

"Ako rin may boyfriend noh" segunda ni Felix.

"Eh ikaw NBSB..." sabi ni Joy.

"Hindi ah di ba nga nagkabf ako noong highschool"

"Oo nga pala si Raymond... girl dont tell me hanggang ngayon di ka pa rin nakakamove on sa kanya at umaasa ka pa rin magkikita kayo at ano? para ipagpatuloy ang nakalimutan nyong pag-iibigan" mariin sabi ni Camille.

"Raymond Chu yung gwapong may kotse na kulay pulang at nagpakain sayo ng alikabok nung first day mo " natatawang pang iinis ni Janrev.

Para akong napatulala nang marinig ko ang pangalan ni Raymond... hindi ko kasi alam kung bakit parang di pa rin ako makawala sa panahon nung high school palang kami..

HIGH SCHOOL YEAR 2000

Yan yung panahon na wala pang mga social media: facebook, twitter at instagram.... wala din android phone...ang meron lang ay landline at keypad na cp at pahirapan pa ang gumawa ng mga graphics.

Nang makagraduate ako ng elementary ay isang taon ako -di nakapag-aral, buti nalang at nagpresinta ang tita Leny ko na pag-aralin ako, dahil sa dami namin magkakapatid ay di na ako kayang pag-aralin pa ng mga magulang ko.

Pumayag naman ako sa gusto ni tita, dahil gusto ko talagang makatapos ng pag-aaral.....

Nagkaroon kami nang kasunduan na pag-aaralin nila ako sa tatlong kondisyon... ang una ay tutulong ako sa mga gawain bahay at pag-aasikaso sa mga pinsan ko.... ang pangalawa ay mag-aral ako ng mabuti at ang huli ay wag daw muna ako magbo-boyfriend.

Sa lahat ng kondisyon ay sa panghuli lang ako nadalian.... "Sino naman magkakagusto sa akin?" natatawang sabi ko sa sarili.

Tumingin ako sa salamin.... naka pantalon ako ng maluwag, tshirt na panglalake, nakasumbrero ng pabaliktad at naka rubber shoes. Inshort boyish ako.

Sa Denver College School ako ipinasok ng tita ko dahil dun lang din ako nakapasa ng entrance... isang private school ang Denver kaya karamihan sa mga nag-aaral doon ay mga mayayaman.

*******

Unang araw ng klase, maaga ako pumasok... at habang naglalakad ako sa hallway papuntang high school department ay may nakaagaw ng pansin ko..... ang isang pulang kotse na dumaan sa gilid ng hallway.

Pano ba naman di aagaw sa atensyon eh sa sobrang bilis ng kotse nya ay pinagpulbos ba naman ako ng alikabok kaya napuwing ang mata ko.

"Miss tissue" narinig kong sabi ng isang lalake....

My high school crush (The boy I called pikachu)Stories to obsess over. Discover now