My Ivan

10 6 2
                                        


"Mahal kita Lucky........ kaso mas mahal ko si Shiela..... Im sorry, siguro may iba pa dyang lalaking mas deserve mo ... Again Im sorry"

... Hanggang ngayon tanda ko pa din ang mga katagang iniwan sakin ni Ivan ... sobrang sakit... ang sakit lang isipin na nag effort ka naman sa relasyon nyo, pilit mong pinaglalaban, umabot sa point na mas mahal ko na sya at wala ng natira para sa sarili ko, andyan ako lagi sa tabi nya para palakasin ung loob nya, para magbigay ng payo pag may problema sya, para intindihin sya pero lahat ng yon balewala lang sa kanya...

Yung 2 years namin na relasyon eto ung kinahinatnan, natalo ako ng mas maganda, matalino at mabait na babae.. binigay ko naman ang best ko ah, bakit ganto? Sa dami ng ginagawa sa school, kahit pagalitan na ako ni tita kase late na ako umuuwi dahil dumadaan pa ako kila Ivan kase miss ko sya... pero nung mga oras naman na wala ako sa tabi nya, ibang babae ung mga gumagawa ng pag aalaga na ako lang dapat ang gumagawa..
      Kunsabagay this past few months nararamdaman kong may mali na... Yung love nyang di na katulad ng dati, yung mga ngiting puno ng pagmamahal na sa akin nya lang pinapakita wala na, yung kilig na dati kong nararamdaman sa tuwing sasabihin nyang "I love you too" nawala na.... kunsabagay bakit ka naman kikiligin kung alam mong hindi na totoo ung sinasabi nya..

Pero anong ginawa ko? wala.... pilit kong sinasabi sa pusot isip ko na 'Mahal ako ni Ivan' pero tangna ung puso ko nagsisimula ng mabitak habang sinasabi sakin na

" Lucky... tama na, sumuko na tayo", eh kaso wala... Tanga ako eh.. napakalaking TANGA.... umabot sa point na nakita ko silang naglalambingan nung Shiela.. ako si Tanga, tumalikod at nag bulag bulagan... pilit na pinapasok sa utak ko na 'Mahal ako ni Ivan' kase at the end of the day akin pa din sya..
   Yung tipong ako ung lapis na pilit iginuguhit at binubuo ung relasyon namin, habang sya ung pambura na unti unting binubura ung relasyon namin na pinaghirapan kong ipaglaban....

.....Nakipag hiwalay sakin si Ivan, sobrang sakit na makikita mo silang masaya nung babae. Habang ako nasa isang tabi, umiiyak kasama ng puso kong durog habang sinasabing " Ako dapat yang kasama mo eh"......... "Tayong dalawa dapat yung masaya"...

Yung sakit na nararamdaman ko napalitan ng galit at inggit... Inaway ko si Shiela, si Shiela na may sakit sa puso... natulak ko sya, nahulog sya sa hagdan...... nagsisi ako, sinugod sya sa ospital na malala ang lagay dahil unconscious sya at hindi nag fufunction ng maayos ung puso nya.... Inaway ko ung mahal ng mahal ko.... ngayon si Ivan... sukdulan ang galit sakin..

nagulat na lang ako ng bigla nya akong sampalin.. sabay sabing

"Umalis ka dito! Hindi totoo yang pangalan mo!! Malas ka sa buhay ko, bakit ba hindi mo na lang tanggapin na HINDI NA KITA MAHAL! Ayoko na sayo Lucky! Mahal na mahal ko si Shiela at kung may mangyari mang masama sa kanya, makakalimutan kong babae ka!! Umalis ka na dito at wag na wag ka ng magpapakita sakin!! at oo nga pala... hindi kita minahal Lucky... ginawa lang kitang rebound hanggang sa bumalik ang babaeng totong mahal ko.... si Shiela"

Yung sakit na nararamdaman ko nun.. walang sinoman ang makakaalis... sa loob ng dalwang tao ako lang pala ang nagmamahal sa aming dalawa, ako lang pala yung lumalaban para sa relasyon namin.....

Narinig ko ung Doctor ni Shiela, kelangan na daw ng heart transplant para mabuhay si Shiela.. mas lalo akong nag sisi dahil inuna ko pa ung galit sa puso ko.... bago ako umalis, natanaw ko si Ivan na umiiyak sa labas ng kwarto ni Shiela... ang sama sama ko...

pero nasaktan din naman ako ahh? masisisi nyo ba ako? pinagtaksilan nila ako.. nalaman ko pa na hindi nman talaga ako mahal ni Ivan... dapat masaya ako eh.. pero sa tanawing umiiyak si Ivan at nasasaktan.... mas doble ung sakit na nararamdaman ko... gusto kong lumapit at punasan ang mga luha ng lalaking mahal ko.. pero may karapatan ba ako? ..wala.. Mahal na mahal ko si Ivan, gusto ko ng bumalik ang mga ngiti sa labi nya kahit hindi na ako ang dahilan.. kaya nagdesisyon na ako.. para sa mahal ko gagawin ko ang lahat...

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 25, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Cry of a HeartStories to obsess over. Discover now