This is just a work of fiction.
------------
"Nang Alleana! Bilisan mo!"
Sigaw ko habang hila-hila si Nang All sa pagtakbo. Halos lumipad kami sa kakatakbo hindi lang maabutan ng mga panot na humahabol sa amin. Napapaiyak na ako dahil sa sobrang takot. Abot-abot na ang tahip ng puso ko habang tinatanaw ang mga kaklase kong mabilis ring tumakbo maligtas lamang.
Hindi ko alam kung anong klaseng mga tao ang humahabol sa amin. Basta ang Alam ko Lang, mga halimaw sila. Laman ng tao ang habol nila. Panot, at mukhang pato ang kanilang mga mukha. Parang katulad sa mga halimaw na nakikita natin sa wrong turn.
"Lumalala na ang sugat mo sa braso Jasmine. Kailangan mo ng malunasan agad."
Biglang puna niya habang nakatanaw sa sugatan kong braso.
Wala akong pakealam sa sugat ko. Ang gusto ko lang ay makaalis ng ligtas sa lugar na ito.
Ang hapdi at sakit na dapat na maramdaman ko ay biglang natabunan ng takot, kaba at pagkabahala. Pakiramdam ko, wala na akong maramdaman. Ni hindi ko na nga ito napapansin dahil sa sobrang takot ko.
"Huwag mo ng intindihin yan Nang All. Bilisan mo nalang sa pagtakbo."
Sigaw ko habang wala parin kaming tigil sa kakatakbo. Inikot-ikot na namin ang gubat pero hindi talaga namin mahanap ang tamang daan paalis. Damn! Dito na ba talaga kami matatapos? Ito na ba talaga ang katapusan namin? T*ngina! Hindi ko yon matatanggap.
"Ahh!!"
Agad akong napatingin sa mga kaklase ng bigla silang nagsihiyawan. May panang biglang bumulasok sa kinaroroonan nila ngunit mabuti nalang at naiwasan nila ito!
"Ayoko na! Suko na ako!"
Umiiyak na sigaw ni Camela. Ako rin. Suko narin. Pero hindi pwede. Kailangan kong bumalik ng buhay sa pamilya ko.
Ngunit may pag-asa pa nga bang makabalik kami sa aming pamilya? Gayong ngayon ay nakikipaghabulan kami kay Kamatayan?
Mas binilisan ko pa ang takbo at wala na akong pakealam kahit man na masugatan ang aking paa sa kakatakbo.
Pero kung minamalas ka nga naman. Biglang nadapa si Nang All kaya pati ako ay nadali rin. Napatili ako dahil sa nangyari.
"Umalis ka na Jas. Iwan mo nalang ako dito."
Hapong-hapo niyang wika. Umiling ako at mabilis na tumayo saka tinulungan rin siya para makatayo.
Ngunit hindi niya kaya.
"Sh*t! Ang sakit!"
Hiyaw niya at sabay kaming napatingin sa paa niyang tinuhog ng maliit na matulis na kawayan. Pakiramdam ko ay nararamdaman ko rin ang sakit habang pinagmamasdan siyang nahihirapan.
"Nang All, subukan mo. Pilitin mong makatayo."
"Iwan mo nalang ako Jasmine! Sige na!"
"Ayoko!"
Umiling-iling ako sa kaniya at hindi parin siya iniiwan kahit panay na ang tulak niya sa akin para umalis.
"Tulong! Tulungan niyo kami!"
Sigaw ko sa pagbabakasakaling marinig kami ng mga kaklase namin. Tiningnan ko ang likod at mas lalo akong nataranta ng makita ang mga panot sa di kalayuan.
"Nang All! Tumayo ka na! Nang All!"
Natataranta kong sinabi habang hindi maalis-alis ang tingin sa mga taong panot.
Pilit namang tumayo ni Nang All kahit nahihirapan na siya. Habol-habol ko na ang aking hininga sa kaba ng makitang tumakbo palapit sa amin ang mga panot.
"Nang All! Bilisan mo!"
Sigaw ko at hinila siya upang makatakbo kami palayo sa mga panot na yon.
Naririnig ko ang mga daing ni Nang All habang tumatakbo kami palayo. Napaiyak na ako dahil sa magkahalong takot, kaba, at awa para sa kaniya.
Hindi ko alam kung bakit nangyayari sa amin ito. Ang alam ko Lang, masaya pa kaming pumunta sa lugar na ito. But it turns out that this trip goes wrong.
Isang araw natagpuan nalang namin ang aming sarili na nakikipaghabulan na para sa mga buhay namin. Hindi ko gusto ang nangyayaring ito. Hindi ko gusto na mangyari sa amin ito. Pero bakit ganito? Bakit naging ganito ang inaakala naming masaya? Bakit naging ganito ang nangyari sa paglalakbay namin? Ano bang nagawa namin, para mangyari ito? Why this trip goes wrong?
-----------------------
Heehehe. Another section story ko na naman po ito. Ngunit iba-iba na ang mga kaklase. Kung may nakita man po kayong pagkakatulad na pangalan mula sa guyabano, malamang naging kaklase ko na po sila.
Ang storyang ito ay purong kathang-isip lamang. Kaya sana ay respetuhin niyo po sana ang mga magiging karakter sa kwentong ito. At nawa po sana ay suportahan niyo ang kwentong to. I am a beginner but I am willing to learn.
Maraming salamat pala sa dalawa kong bestfriend na sina Micah Gersava at Cindy Jordan. Salamat Mic sa book cover at salamat din Cin sa pagtulong sa akin sa plot ng story.
Nandidito din po sila sa story ako lang yung wala. Hindi ko rin sinama ang mga kaklase ko ngayon na naging kaklase ko sa guyabano. Ano ang rason? Baka po kasi malito kayo. Hehehe. Kaya huwag nalang.
THANK YOU SA INYONG LAHAT MGA GOLS!
