Maya's P.O.V
Lunch Break
Nagring na ang bell at ibig sabihin ay lunch break na. Pumunta kami sa canteen at kumain. Matapos naming kumain ay nagyaya sila Mykka na maglaro ng spin the bottle.
Naging hobby na namin ang maglaro ng kung ano-ano matapos mag lunch break.
Panibago sa akin ang larong spin the bottle dahil madalas ang nilalaro namin ay piring-piringan.
Madami-dami kaming naglalaro kapag may meeting ang mga teachers. Mga walo pababa.
Aeris
Mykka
Gabby
Joseph
Noel
Ian dave
and.......
Shemay shomay na malagkit! Bakit nandito si Jheremy??? Huhuhu ayoko na sumali... Wahhhhh! Si Jheremy lang naman ang matagal ko ng crush pero manhid. Kahit anong galaw o pangaasar ng mga kaibigan ko ay wala talaga syang maramdaman sakin.
"Oh! Anong tinitingin-tingin mo dyan? Halika na. Magsisimula na tayo." Sabi ni Gabby. Ako nalang pala ang hinihintay.
Umupo na ako sa tabi bi Aeris. Kaharap ko si Jheremy at parang ang romantiko ng upo namin. Parang tumitigil ang mundo ko kapag sinusulyapan nya ako. Huhuhu!
Aymganaday!!!!!
"Kamay mo!" Medyo malakas na sigaw ni Joseph dahil medyo maingay.
Inilapit ko ang aking kanang kamay kay Jheremy ngunit kumunot ang noo nya.
Bakit? Anong meron?
"Hay nako Maya lutang ka na naman. Sabi ko, akina ang kamay mo. Magjajack em poy tayo. Kung sino ang manalo ay sya ang magpapaikot ng bote. Kung sino naman ang matapatan ng bote ay sya ang tatanungin natin ng truth or dare. Gets?" Pagpapaliwanag ni Joseph. Ahh ganon pala hehe kala ko naman kung ano. Tsk tsk! Napahiya tuloy ako. Tumango nalang ako sa kanya bilang sagot.
"Jack em poy!" Bigkas naming dalawa.
Naka limang puntos ako samantalang sya ay tatlo pa lamang. Palatandaan na ako ang nanalo. Ibig sabihin ako ang mag iikot ng bote.
1....... 2........3........FLIP!!!
Umikot ng matagal ang bote hanggang tumapat kay J-Jheremy????
'Myghaaad ano nga yung sasabihin ko???Isip Maya! Isiiip!'
"Ano na?!!!" Sabay sabay nilang tanong. Nataranta ano bigla kaya ito na lang ang lumabas mula sa mga bibig ko.
"Uhmmmm......Ahh hehe. T-totoong crush na kita dati pa. Di mo lang napapansin dahil manhid ka! Elemetary palang crush na kita. Ang manhid mo Jheremy! Manhid ka!!! "
Napatakip ako ng bibig dahil sa nabigla din ako sa mga sinabi ko. Hindi ako makapaniwala na nasabi ko ang mga salitang yon na dati ko pang pinapractice na sabihin sa kanya.
Maging silang lahat ay napanganga sa inasal ko ngunit si Jheremy ay nakatitig sa akin. As in titig na titig!!
Hindi ko na alam ang gagawin koooo! Huhuhu baka iwasan nya ako. Napatigil na lang ako sa pagiisip nang magsimula syang magsalita.
"Oo. Alam ko na crush mo ko. Pero ayoko lang ipahalata dahil nahihiya ako. Nahihiya ako na sabihin sayo ang totoong nararamdaman ko. Pero ngayon lang ako maglalakas loob na sabihin sayo ang matagal nang nararamdamn ng puso ko. Gusto kita Maya. Gustong gusto kita! Pwede ba kitang ligawan?"
Tug... dug... Tug... dug... Tug... dug...
Sobrang lakas ng tibok na puso ko. Bawat linya nya ay tumatak sa puso't isip ko. Parang mamaya lang ay sasabog na ito. Kinikilig ako ng sobra. Hindi ko alam ang isasagot ko nang biglang maghiyawan ang mga kaibigan ko.
"Yieeee! Sasagutin na nya"
"Ayieeee bessy matutupad na ang pangarap mo"
"Support ko kayo Mayaaaa!"
"Uyy, Ninang ako ah"
Hiyaw ng mga kinikilig kong kaklase.
"Oo Jheremy Garcia sinasagot na kita. Pakasal na tayoooo!!"
Dito na nagtatapos ang aming larong Spin The Bottle na nauwi sa kasalan.
»»»THE END«««
A/N: Sana magustuhan nyo ang story ko. First time kong gumawa ng One Shot Story. Kansamidaaaa!
