‘Yong tono ng pananalita niya ay nang-aasar kaya lalo akong nakaramdam ng pagkapahiya. Tss! Bwisit. Bwisit talaga.

Halos puro masasamang salita na ata ang naiisip ko dahil nahuli nila akong sumusunod at wala man lang akong sinabi o ginawa para mag-deny. Well, what’s the use of denying when it’s absolutely obvious, anyway?

Maya-maya pa’y nagsimula na akong mag-lakad at tinawag naman ako ni Aaliyah dahil hindid aw do’n ang daan papunta sa plaza kung saan gaganapin ang sinasabi nilang event. Hindi ako kumibo at sa halip ay sumunod na lang sa kanila.

Habang naglalakad ay nasa likuran lang nila akong dalawa at kitang-kita kong nag-eenjoy si Aaliyah na kausap si Arvie. Masyado pa silang malapit sa isa’t-isa. Halos isang inch lang ang namamagitan sa kanila.

Nag-lakad ako ng mabilis at sinadyang dumaan sa gitna nila, “Excuse me nga,” wari’y iritang saad ko. Nagulat silang pareho sa ginawa ko pero pinagpatuloy ko na lang ang paglalakad ko. Ngayon ay nasa unahan na nila ako at hindi ko na makikita ang pangit na view.

Nakakainis. Hindi ko mapigilan ang sarili ko. Aish!

Maya-maya pa’y napatigil ako sa paglalakad. Hindi ko alam ang daan. Tss!

“Oh, bakit?” si Arvie.

“Mauna ka na kaya, p’re? Ikaw ang may alam ng daan, ‘di ba? suhestiyon ko habang tinutulak siya ng bahagya papunta sa harap.

Humarap naman siyang bigla sa akin. “Te-teka… Nag-uusap kami ni Aaliyah, e,” pagmamaktol pa niya.

Wala akong pake.

“Eh ‘di makipag-usap ka sa kanya while leading the way. Tss,” anas ko.

He grinned. What was that for?

“Alam niyo, sabay-sabay na lang kasi tayong mag-lakad, ‘di ba?” saad ni Aaliyah habang hinihila kaming dalawa ni Arvie palapit sa kanya.

“Great idea!”

“Tss.”

Ang naging pwesto namin ay nasa gitna namin ni Aaliyah si Arvie.

Ako na lang dapat sa gitna. Lalo akong na-OP sa kanila, eh. Tss!

Nag-simula na akong makarinig ng ingay – mga musiko at banda – noong malapit na kami sa plaza. Tuloy pa rin ang kwentuhan ng dalawa na hindi ko naman maintindihan. Wala rin naman kasi akong balak na makinig sa kanila.

Makulay, maingay, at masaya ang fiesta na ito. Lahat ng tao rito ay nakikisali at tila wala nang bukas sa kasiyahan na bumabakas sa kanilang mga mukha. May mga sumasayaw, kumakanta, at ang iba naman ay purong tugtog lang ang ginagawa.

“Ang gagaling nila,” manghang pahayag ni Aaliyah habang nag-peperform ang isang grupo ng mga katutubo.

Hindi siya magkandamayaw sa pagkuha ng mga pictures at bakas na bakas sa mga mata at labi niya kung gaano niya naa-appreciate ang mga ito.

“First time kong maka-witness nito ng live,” aniya.

“Gusto mong makisali?” tanong ni Arvie.

Tumingin sa kanya si Aaliyah at ngumiti. “H-huh? Paanong makisali?”

“Tara!” yaya ni Arvie at saka hinila si Aaliyah papunta doon sa gitna – sa mga katutubong sumasayaw.

Ilang saglit lang ay pareho na silang kasama ng mga katutubong sumasayaw. Halatang nag-eenjoy silang dalawa lalo na si Aaliyah. Hindi maitatangging hindi matatawaran ang mga ngiti sa labi at mga mata niya.

Maya-maya pa’y may ilan na ring mga kabataan ang sumunod sa kanila at naki-sayaw na rin doon.

“Justine!” rinig kong tawag ni Aaliyah. Kinakawayan niya ako na para bang niyayaya ako na sumali na rin doon.

Umiling lang ako.

Tumakbo siya palapit sa akin at saka ako hinila. Wala na akong nagawa dahil masyadong mabilis ang pangyayari na hindi ko man lang namalayan na nakikisayaw na rin pala ako doon.

Gumawa ng isang malaking bilog ang mga kabataan at nakisunod naman kami. Pinalibutan namin ang mga katutubo. Bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko nang maramdaman ko ang paghawak ni Aaliyah sa kaliwang kamay ko. Maya-maya’y may naramdaman din akong humawak sa kanang kamay ko – isang batang babaeng kasali rin sa mga nakikisayaw.

Sabay-sabay naming itinaas-baba ang mga kamay namin na magkakahawak habang gumagawa naman ng isang act sa gitna ‘yong grupo ng mga katutubong sumasayaw.

My heart was beating fast. Hawak niya ang kamay ko. Her skin felt so good on mine. Ang tagal kong hinintay ito.

Kinakabahan ako pero alam kong ang kabang ito ay dahil sa nararamdaman kong kasiyahan.

Chasing Love (Sequel to Hopeless Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon