Sa nagdaang araw ay wala talagang absent si Isaiah. I am just watching him silently. Ako ang gumagawa ng coffee, ako ang naghahatid pero hindi ko siya kinakausap. May kasama siyang babae minsan at nag-uusap sila pero may mga araw rin na mag-isa lamang siya.

Hindi ko na siya masyadong kinausap. Hindi ako masyadong nag-initiate. Hinahayaan ko lang siya roon at may mga araw pang hindi pa ako pumapasok sa Cafe.

I need to condition myself. Dapat distansya muna. Gusto kong siya na ang mag initiate na gusto niya nang makipag-usap sa akin. Dapat mafeel niya na busy rin ako sa ibang bagay.

"Kumusta naman si Isaiah? Did you two already talk?" tanong ni Irah nang mapadpad akong muli sa kanilang bahay.

She's eating this weird food at ako ang napapangiwi. Masarap ba ang cup noodles with grated cheese? Ew! Mas katanggap tanggap pa kung egg eh.

"Hindi pa. My last attempt failed. Binalewala ako," sabi ko dinampot ang pineapple juice sa mini table.

"Pakipot lang 'yon," sabi niya at pinunasan ang pawis sa noo dahil sa kinakain.

I guess so... Kaso minsan nahuhuli ko siyang lumilingon sa counter. Minsan din ay sa akin. Pero sa tuwing may kasama siyang babae ay doon talaga nakafocus ang kanyang tingin.

I'm really wondering saan sila nalalaglag dalawa after leaving my Cafe. Dinadala niya sa tinitirhan niya? Anong nangyayari? Imposibleng wala. The way Isaiah stares at them is really intense. Para siyang nanghububad kung makatitig.

Nakailang babae na kaya siya?

Pinilig ko ang aking ulo sa iniisip. Tiningnan ko si Irah na ganadong ganadong kumain. Nakakailang cup noodles na siya.

Inilapag niya lamang iyon noong maubos na ang laman. She looks satisfied on what she's eating. Weird...

"Ako ang naduduwal sa kinakain mo," reklamo ko.

Pinunasan niya ang gilid ng bibig at hinubad ang tali na suot sa kanyang pulso. Tinalian niya ang kanyang buhok lalo na't tumatagas rin ang pawis sa kanyang leeg.

"You wouldn't understand it since you're not pregnant," sabi niya. "Iyon ang gusto ng baby."

"But it doesn't look yummy. Paanong nagustuhan iyon ng baby? How did you know?" tanong ko.

Nagkibit siya at iniangat ang paa sa sofa. Ipiniko niya iyon doon.

"Parang bigla ko lang naisip. Masarap kumain ng cup noodles with cheese..."

"Ew." Nasira agad ang aking ekspresyon.

Umirap naman siya sa akin.

"Magpabuntis ka nang relate ka," sabi niya.

Hindi ako nakakibo agad. I really want a baby kaso parang hindi ko pa siguro time. Maghihintay nalang ako.

Tumingin siyang muli sa akin, ang mga mata ay parang may ipinaparating na.

"Akala ko pa naman si Kuya Trey talaga ang gusto mo noon," aniya at nailing.

"Akala ko nga rin eh..."

Sandali siyang natahimik. Tumahimik rin ako at tiningnan ang mga cup noodles sa mini table na wala nang laman.

"Edi seven years kana palang tigang?" biglaan niyang tanong.

Nagkatinginan kaming dalawa. Ang awkward noon dahil hindi agad ako nakasagot. Humagalpak siya ng tawa.

"Oh my God..." Nahipo niya ang noo at napaypayan ang sarili.

L U R E D (NGS #5)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang