1- If Only

562 20 1
                                        

Pinanood ko ulit sa tv yung talkshow namin kahapon ni James sa Kris TV.

"Actually, Tita, hindi ko na kailangan yan. Kasi habang nagtratrabaho naman kami sa shooting ay kasama ko naman ang mahal ko."

"Kasama ko naman ang mahal ko..."

"Kasama ko naman ang mahal ko..."

"Kasama ko naman ang mahal ko..."

Ugh!! Pinause ko muna yung tv namin.

[A/N: Imagine nyo nalang po muna na napopause talaga ang tv. Haha]

Binato ko yung remote sa sofa at dinampot yung maliit na unan. Binato ko ito sa tv at kinuha lahat ng malalambot na pwedeng maibato. Syempre ayaw ko namang masira yung tv namin.

"Sinungaling ka! Walang katotohanan ang mga pinagsasasabi mo! Ang galing mong mangloko! Tss! Ano ba nama--"

"Hoy babae! Wag ka nga diyang feelingera! Hindi naman kayo ah!" Sigaw sakin ni Dan.

"Masakit eh! Huhuhu. Ateeee! Alam ko naman na hindi kami pero masakit eh! Yung araw araw na magkasama kami sa shooting! Tapos sobrang sweet niya sakin! Alam ko naman na peke yun eh! Pero alam mo ate? Sana naging totoo nalang yun. Minsan nga ayaw ko na talaga sa buhay ko eh. Sana naging fairytale nalang siya. Sana naging katulad din eto nung iba naming movies." Sigaw ko sa kanya. Siya nga pala si Nadz Lustre. Kapatid ko. Jeje ng name niya no? Sarap nga niyang lokohin eh. Ayaw niya kasi sa mga jeje. Kaya mas pinili niya na Dan nalang ang pangalan niya. Kahit daw panlalake. Basta wag jeje.

"Aysuuuuus! Nagdrama ang aking kapatiiiid!" sabi ni Dan.

"Talaga naman. Artista ako eh." Sagot ko.

"Hmp. Yabang mo. Porket sumikat ka lang at ako hinde."

"Joke! Haha! Di ka naman mabiro ate. Hayaan mo na. Jeje naman name mo. Ano nga Nadz?" Hahaha. Aasarin ko muna si Ate.

"Yuuuuck! Ikaw na nga ang tinutulungan ko eh. Sige. Panoodin mo na yang James Reid na yan sa Talkshow para mas masaktan ka. Sige lang! Go my dearest sistah!" Ayan na nga ba eh. Naganti na si ate.

"Psh. Akyat na ko sa kwarto ko. Ikaw nalang manood diyan sa antipatiko na yan!" Sigaw ko.

Pero bago ko isara yung pinto, sumigaw muna ako. "GOODNIGHT NADZZZ! LOVEYOU!"

*1:40 a.m.*

Hayy. Di ako makatulog. Ganto nanaman nararamdaman ko. Nalulungkot. Nasasaktan. Haaayyy. Nagdrama nanamaaaan. Lumabas muna ako ng bahay at pumunta dun sa private park. Private na private talaga itong subdivision namin eh. Hehe. Mga mayayaman lang. *ehem*

Nung malapit na ako sa park, may nakita akong tao na nakaupo sa swing. Di ko mashadong makita eh. Nakatalikod kasi. Palapit ako ng palapit sa kanya. Wait. Familiar sakin toh ah. Si James! Tatabihan ko sana siya sa swing kaso hindi pala siya mag isa. May naka-kalong na babae sa lap niya, bigla siyang umimik.

"I love you, too, babe."

Time check.

*1:43 in the morning. *

Such a precious time to get my heart broken.

Bahala Na (JaDine FanFic)Where stories live. Discover now