:'(

103 2 2
                                        

June 16, 2015

Aralin 10, Saknong 86 -p.44
"Inabutan niya'y ganitong hikbi: "Ay, mapagkandiling amang iniibig! bakit ang buhay mo'y naunang napatid, ako'y inulila sa gitna ng sakit?

"Daddy, miss na kita. Miss ko yung mga tawanan natin tatlo ni mommy. Naalala ko tuloy pag pinapagalitan ako mommy lagi ako tumatakbo sayo tapos lagi mo nalang na papasaya. Sino nalang tatakbuhan ko ngayon pag may problema ako? Daya mo naman eh. Iniwan mo agad kami ni mommy." Umiiyak ko na sabi habang hawak ang picture ni daddy nang biglang may kumatok sa pinto.

"Gab?" tanong niya at binuksan na ang pinto. Naabutan niya ako na umiiyak. "Gab, alam ko na mahirap pero wala na tayo magagawa." sabi ulit ni mommy sabay yakap saakin. "Ayos na ba mga gamit mo? tanong niya.

"Opo" sagot ko.

"Tara na. Ikaw nalang hinihintay." 

"Sige po sunod na po ako." lilipat na kami ng bahay. Masyado na kasi maraming memories dito ni daddy. Grabe! Sobrang mamimiss ko talaga dito. Last look na ito. May mga masasaya at malungkot na memories na nangyari. 

~habang nakasakay sa sasakyan at papunta na sa bago naming lilipatan~


Nakikinig lang ako ng random music at biglang nagplay sa kanta na "Dance with my father". Bigla ko nanaman naalala si daddy. 1 month na din pala nung nawala siya. Sabi ni tito nabaril daw si daddy nang papasok palang siya sa building. Hanggang ngayon ay hindi pa rin alam kung sino bumaril. Sino naman kaya gagawa nun kay daddy? Mabait naman si daddy eh. Isa lang ang iniisip nila mommy na pwede gumawa nun. Yung kabilang company ng mga Agustin na lagi nalang kaming mga Perez sinisiraan. 

"Gab, umiiyak ka ba?" tanong ni mommy at nabigla ako nang hawakan ko muka ko. May luha nga. Hindi ko napansin na umiiyak na pala ako.

"Ah... Wala lang po ito mommy" sagot ko tapos tumingin nalang ako sa labas.

Nang nadaanan namin yung park ay may nakita ako na family at nag lalaro sila dun. "Parang ang saya nila." mahina ko na sabi. Dati ganyan din kami. Mahilig kami pumunta sa park tapos kung hindi naman sa park pumupunta pa kami sa beach. Nakakamiss talaga yung dati. Sana hindi nalang nagbabago.

Nang nakarating na kami sa bago naming bahay ay excited ako na pumasok sa bahay at tumakbo ako paakyat sa kwarto at inayos ko na ang mga gamit ko. 

"Sobrang nakakapagod naman. Konti nalang yung araw para magprepare ako sa pagpasok ko.Bagong school nanaman. Madalas kasi ako lumipat ng school dahil din sa work ng parents ko. Hayy..." Sabi ko sa sarili ko at maya-maya pa ay bigla na din ako nakatulog, siguro sa sobrang pagod na din.

-maraming tayong hindi inaasahan na mangyayari. Pwede iyon maging masama o mabuti kaya dapat natin pahalagahan ang mga beses na kasama natin yung mga importante na tao satin.

Forbidden LoveWhere stories live. Discover now