Natahimik ang mesa, habang pinagmamasdan ko silang dalawa at nag-aantay ng sagot ay halos magwala ang puso ko.

"Sinabi ko sa 'yo, 'di ba?" I shifted my gaze at my father and saw him staring intently at me.

"A-Ang ano po?" I inquired.

"Kung para kayo sa isa't-isa...kayo talaga." He smiled.

I nodded slowly, may tinatagong ngiti, I took a glance at my mother and saw her staring at me.

"Mamá?" I called her attention.

Malamig niya akong tinignan, kinabahan ako at pakiramdam ko ay iikot ang aking tiyan doon habang nag-iisip sa sagot niya.

"Tell him to talk to us," aniya at napahinga ako ng maluwag.

"Opo, Ma! I will tell him." I said urgently.

She gave me a small smile and nodded.

"Malaki ka na at alam kong kaya mo na ang desisyon mo, sabihin mo sa kanya na kailangan nating makausap ang pamilya niya." She said seriously but I caught her hiding a smile.

I nodded and smiled secretly.

I was excited while changing clothes and taking a bath to check on Jer. Ang sabi niya ay susunduin niya ako ng lunch para pumunta kina Cess pero ako na lang ang susundo sa kanya dala ang niluto ko.

I wore a baby pink dress and flat sandals, I was hopping as I went downstairs when I noticed my Mom speaking to someone on the telephone.

Dahan-dahan akong lumapit at nakiusyoso roon.

"Naku, amiga, wala na sira na ang plano! Bati na raw sila!" My Mom exclaimed. Kumunot ang noo ko roon.

"Hindi ko alam kung paano pero nakapag-usap na pala ang anak mo at si Lena, ewan ko rito sa anak ko." She chuckled.

"But of course! Of course, I'd love to go to your mansion tonight." Hagikhik niya.

Doon na ako tumikhim. I saw how my Mom jumped and immediately lowered the phone to glance at me.

"Leona! K-kanina ka pa ba riyan, hija?!" She exclaimed, as if she's a suspect caught.

"No po, kakarating lang." Naguguluhan man ay 'di na 'ko muling nagtanong. "Alis na ako, Ma."

"O-Okay," she nodded. I eyed the telephone maliciously and saw her avoided my gaze. Dahan-dahan akong umalis at nang makalayo ay muling sumilip.

"Sige na, amiga, mukhang mahuhuli ako nitong si Lena. Mamaya, huh! Mamanhikan na ba kayo kaagad?"

Nanlaki ang mata ko roon at nang makitang naiwan ko ang dadalhin ay mabilis na inabot ko ang Tupperware na pasalubong ko kay Jer sa lamesa at tinitigan ang likuran ni Mamá. Nanliliit ang mata ko nang makita niya akong bumalik ay halos ihagis niya ang telepono palayo.

What is happening?

Nagkunwari akong walang naririnig nang bigla niya akong tawagin kaya napatingin ako sa kanya.

"Lena..." she called.

"Po?" I asked innocently.

"Mag-ayos ka," she glanced at me. "Okay na 'yang suot mo, magsabay na kayo ni Ejercito pumunta sa mansion nila."

My eyes widened. "P-Po?!"

Tumikhim siya.

"Iniimbita tayo sa mansion ng mga Sandejas. Sabay na kayo pumunta ni Ejercito roon."

I gulped and slowly nodded, a small smile escaping my lips.

"I-I still don't approve this relationship!" agap niya nang makita ang ngiti ko. "Kakausapin ko ang nobyo mo!"

Paper Planes (Sandejas Siblings: Companion Book)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora