**** 1 ****

129 6 1
                                    

------- AUTHOR'S NOTE: ito pong story ni Julienne Shimaru ay kasunod ng Missy Glance Blache, pero hindi naman po kayo required na basahin yong isa, magkakaibigan silang tatlo nila Shan at sa bawat story ng MiJuSha ay malalaman niyo kung ano yong nangyari sa BUHAY PAG-IBIG  nilang tatlo :) 

Ang pagdedicate po na gingawa ko ay para sa mga noisy readers ko ^___________^

kaya if you want na i-dedic ko sa inyo ang isang chapter, let's be friends :))

 iyon lamang po, at enjoy reading :D

*******************************************************************************************

I’m Julienne Shimaru, 22 years old, single at never pang nagkaroon ng boyfriend.

At base sa pagkukwento ni Missy alam niyo na sigurong ako ang wala sa panahon sa aming tatlo. Hindi ako sumusunod sa uso, kung anu ako iyon ako. Walang dapat magsabi sa akin kung anong dapat at hindi ko dapat gawin. Pero hindi naman ako killjoy ng sobra, minsan lang pag wala sa mood. To tell you honestly sa aming tatlo, si Shan ang pinakatopakin. Epekto na rin siguro ng spoiler niyang bestfriend.

About naman sa family na umampon sa akin, sila mama Betty at papa Daniel. Si papa ay half Japanese half Filipino, kaya ang cute ng surname ko, SHIMARU..

Mabait sila at maalwan sa buhay, hindi man kami kasing yaman nila Missy kasi syempre si Missy ang daddy niya may-ari ng isang company. Si papa naman ang business ay restaurant, meron kaming dalawang bahay, itong tinitirhan namin ngayon at iyong isa ay nasa Bohol. Mayroong tatlong sasakyan si papa isang van, isang Porsche at BMW.

Nakatapos ako ng HRM, hindi dahil gusto nila papa kundi dahil talagang gusto ko, I love cooking. Gusto ko nga magtake pa ng culinary arts eh, pero saka na lang pag may time na.

Yong about sa lovelife ko naman, ikukwento ko pa ba?

Ang totoo kasi niyan hindi totoong zero ang lovelife ko, meron akong hinihintay na tao. Gwapong tao ^___^

Sa aming tatlo nila Shan at Missy, ako ang huling nakaalis sa bahay-ampunan. Kaya hindi nila nakilala si Gabe [Geyb]

***** FLASHBACK *****

Namimiss ko na sila Missy at Shan T_____________T

Tamang iyak lang ako sa ilalim ng puno. May lumapit sa aking batang lalaki at may inaabot na panyo.

“Tumahan ka na, kanina pa kita tinitingnan di ka pa rin tumitigil sa kakaiyak.” Kinuha ko ang panyo niya.

“Bakit ka ba kasi umiiyak?”

“Umalis na kasi yong dalawang bestfriend ko, sabi ni Sister Marie next week pa daw maaayos ung mga papeles na kailangan para maampon na ako nila mama at papa.”

“Parehas pala tayo, inaayos na din yong papeles nang pag-aadopt sa akin.” bigla siyang napakamot sa batok. “Ang daldal ko noh sumasagot kahit hindi tinatanong, di pa ko nagpapakilala, I’m Gabriel Lagdameo.” Inabot ko na lang yong kamay ko.

“I’m Julienne.”

“Ang ganda ng name mo, bagay sayo.”

Di ko pa alam ang word na blush nong panahong yan pero alam ko talaga namula mukha ko.

“Bakit parang ngayon ko lang nakita ang mukha mo sa ampunan na to?” pag-iiba ko ng paksa.

“Ganito kasi yon…”

Ang sabi ni Gabriel ang kinilala niya daw na magulang ay hindi pala niya talaga magulang. Nalaman lang iyon nang dumating ang daddy niya sa bahay at kinuha siya sa tita niya na akala niya ay mama niya. Pinalabas nito na patay siya ng ipanganak, dahil sa galit nito ng mamatay ang biological mother niya sa panganganak. Dito muna siya nagstay sa ampunan dahil bestfriend ni sister Marie ang totoong ina niya.

Sa isang Linggo pa ng pananatili ko sa ampunan ay si Gabriel ang kasama ko, siya ang dahilan kung bakit hindi na ako umiiyak. Siya ang naging kalaro ko, katabi kong kumain, at kasama ko maglibot sa ampunan.

Nang papaalis na ang kotseng sinasakyan namin ay lumapit si Gabriel sa kotse at hinawakan ang kamay ko.

“Ennie, pangako hahanapin kita. Hintayin mo ako, hahanapin kita, gusto ko ikaw ang mapangasawa ko, hahanapin kita kapag may maipagmamalaki na ako.” Umiiyak niyang sabi.

“Hijo, aalis na kami.” Si mama Betty

Binitawan na ni Gabriel ang kamay ko at umandar na ang kotse, umiiyak din ako noon kasi alam ko, imposible nang magkita pa kami ni Gabriel.

**** END OF FLASHBACK ****

ENNIE, siya lang ang tumawag sa akin ng Ennie. Kahit alam kong imposibleng magkita kami, umaasa pa din akong pagtatagpuin kami ng tadhana. Yon ang isa sa dahilan kung bakit hindi ko inisip magboyfriend.

Katulad ng mga lumipas na taon, buwan at araw, nakatulog na naman akong iniisip si Gabriel.

** the next morning **

OHAYO GUZAIMASU, OHAYO GUZAIMASU, OHAYO GUZAIMASU

Kinapa ko ang alarm clock sa taas ng bedside table.

7:03am FEB14

Aish! Ang ingay mo.. Gimme 15 minutes pa!

Pipikit na sana ako ulit pero tiningnan ko muli ang alarm clock.

7:04 na siya ngayon, pero hindi oras ang tinitingnan ko kundi ang date.. VALENTINES DAY ngayon.

Dali-dali akong bumangon at pumasok sa banyo, naligo ako ng mga 15 minutes na hindi ko gawain, 45 minutes ako kung maligo eh. Nag-ayos ako, at tumakbo pababa ng hagdan.

“Oh Juls, bakit nagmamamdali ka.” sabi ni mama—kumakain siya ng almusal—yan ang tanong niya saken ng makita niyang ininom ko lang ang kape ko at umupo na ako sa sofa para magsuot ng sandals.

“Ma, today is Valentines Day, maaga dapat buksan ang restaurant dahil for sure maraming customers.” Sabi ko habang inaayos ang sandals ko.

“Oh sige, mag-ingat ka sa byahe. ”

Tiningnan ko ang phone ko, yong dalawa nagtext na ng happy valentines day, nireplayan ko sila habang naglalakad ako papuntang garahe. Sumakay ako sa kotse at bumyahe na papunta sa restaurant.

 ---------------------------------------------------------------------------------------------------------

 A/N:dahil likas na sa akin ang pagiging baliw :)

i just want to inform you guys na may gitna na itong story na ito at malapit na siya mag-end, when i realize na wala pa pala akong chapter1, kumbaga wala pa syang umpisa pero may ending na :D

nasarapan kasi ako magtype at hindi ko napansing wala pa akong umpisa, ang hirap kasi mag-isip ng welcoming chapter wahahaha ..

at isa lang ang masasabi ko, HUMANDA kayo sa revelation na meron sa story na ito :))

hindi po ito fantasy kaya walang DRAGON nakumakain ng tao :D

this story is SERIOUS type, ang author lang ang abnormal :)))

THANKS FOR READING <3 <3

MIJUSHA: Julienne Shimaru HIATUSWhere stories live. Discover now