*** 3 ***

21 1 0
                                    

.Three.

Having Gabe with me, makes my life complete. Yong tipong titingnan ko lang yong message niya sa cellphone ko masaya na ako, yung magbibigay siya ng effort para lang magkita kaming dalawa. Yong magdadala siya sa restaurant ng pink roses para sa akin, yong sasamahan kahit saan ka magpunta kasi ayaw niyang mag-isa ka lang.

Grabe, hindi pa din ako makapaniwalang nandito na siya at boyfriend ko na siya.

Pakiramdam ko ako na ang pinakaswerteng tao sa mundo dahil nandyan siya para saken,

“Ennie, sinabi ko na sayo na kapag maggrocery ka magtext ka sa akin.” I was shock upon seeing him here in Puregold to think na it’s 2pm at supposed to be ay nasa trabaho siya.

“Anong ginagawa mo dito? May trabaho ka, kaya ko na to.” I’m not saying that para magpacute or something, pumunta lang ako dito kasi nawalan ng stock ang fridge ko sa room at nakakahiyang istorbohin siya sa oras ng trabaho.

“Sinabi ko na sayo Ennie, gusto ko kapag maggo-grocery ka kasama mo ako, kapag pupunta ka sa salon kasama mo ako, at kapag bibili ka ng gifts para ibigay kahit kanino gusto ko kasama mo ako. Ilang beses ko bang kailangang ulitin sayo yun?” sabi ni Gabe na parang inis na sa akin.

“Gabe, alam ko kasi na may trabaho ka at dahil naghahanda na tayo sa pagpapakasal natin kailangan mong magtrabahong mabuti. At hindi naman ganoon karami ang bibilhin ko, naubusan lang ng laman ang personal fridge ko at wala akong magawa sa bahay kaya naisipan kong lumabas para mamili.” Pumunta ako sa snacks section at kumuha ng Nova at lumingon ako ulit kay Gabe. “Ano ba doon ang hindi mo maintindihan?” Grabe parang sira to si Gabe nagsad face ba naman.

“Gusto ko lang naman na masanay ka na nandito ako palagi para sayo, gusto ko maging dependent ka sa akin, gusto kong maramdaman na hindi mo kayang mabuhay ng wala ako.” Pinaloob niya ako sa pushcart na hinihila ko, bale napapagitnaan ako ngayon ng pushcart at ni Gabe.

“Gabe…”yan na lang ang tangi kong nasabi, I’m lost for words, para akong natutunaw sa mga sinabi niya. Gustong-gusto ko ring mangyari yong gusto niya, pero nandoon yong takot ko, paano kung sa sobrang dependent ko sa kanya, maulit ulit yong dati?

Alam ko mahal ako ni Gabe, pero paano kung dumating yong panahon na sanay na ako na nadyan siya tapos bigla niya akong iwan?

Alam ko parang ang paranoid ko kasi di pa nga kami nagsisimula pero ganito na ako mag-isip, pero maiaalis ba sa akin yong pakiramdam na takot akong maiwan?

“Stop it Ennie, nandito na ako. Sasamahan na kitang maggrocery wag ka nang makipagtalo sa akin dahil gusto ko itong ginagawa ko, okay?”

Tumango na lang ako bilang pagsang-ayon, ayaw nya na ding makipagtalo kay Gabe, alam nya naman na kahit anong gawin nya hindi siya mananalo sa binata.

-- SABAW para sa ilang buwan na hindi pag-UD ..pero pwede namang bumawi sa next UD diba? :)

Ayoko ng maraming pasikot-sikot kaya baka sa next chapter mag-asawa na sila! haha!

JOKE :) basta . gusto ko kasi mag-asawa na sila agad :D

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 01, 2013 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MIJUSHA: Julienne Shimaru HIATUSWhere stories live. Discover now