Payapa ang paligid.
Mga alitaptap na sa ati'y nakaligid.
Banayad na agos ng tubig,
At sa bangka'y lulan tayo ng pag-ibig.
Sayo'y ngiting nakatingin,
habang ang mga ibon ay may handog na awitin.
Sa bangka ikaw ay kaibig-ibig.
'Di matigil sa puso ang labis na pintig.
Ika'y bulaklak na sobrang kaakit-akit.
Puso sayo'y baliw, 'di alam kung saan sasapit.
Ngiti mong nakakabaliw,
sa liwanag ay sumasaliw.
Sandali nati'y kamangha-mangha.
Pag-ibig sa mata'y naipapakita.
Parang sa paraiso ako'y nananahanan,
kasama ang babaeng bunga sa akin ng aming pagmamahalan.
Ako'y napabalikwas sa kinahihigaan.
Ika'y aking muling napanaginipan.
Ako'y ngumiti ng pagkalaki,
sa panaginip ko ika'y natatangi.
Araw ko'y kumpleto na.
Sa panaginip, isipan at puso ikaw lang sinta.
Labis ang kagalakan dahil sa iyo aking mahal,
sisikapin lahat kahit na matagal.
