Ang supling ng Liwanag

39 3 1
                                    

"Malusog na batang lalake ang anak nyo mister.

Kasabay ng pagpalahaw ng sanggol ang sya ring pagbibigay ng senyales na ang itinakda ay naisilang na. Ang liwang ng buwan sa mundo ng mga tao ay waring nakikisaya dahil sa liwanag na taglay nito. Ang mga bituin ay mas lalong nag ningning at nagbigay ng kakaibang buhay sa kalangitan na labis na ikinataka ng mga tao. Kasabay nito ang paglalabasan ng iba't ibang hayop sa kabundukan. Mga huni ng ibon na wari'y siyang siya sa kanilang inaawit. Mga iba't ibang uri ng lamang dagat ang namataan sa dalampasigan na wariy sumasayaw at sumasabay sa hampas ng mga alon. Ang tinig ng hiyaw at iyak ng sanggol ay parang isang tinig na humahaplos sa bawat tao na nasa loob ng ospital na nagbibigay kasiyahan at kaginhawaan sa kanilang mga puso.

Mundo ng mga Engkantong Puti

Nagkaroon ng malaking kasiyahan na idinaos sa palasyo ni Reyna Fran. Kung saan ipinagdiriwang nila ang pag silang ng itinakdang Diwata. Nakisaya ang lahat ng mga Engkanto at lamang lupa kasama na ang mga pinuno ng bawat kaharian sa mundo nila. Nagliliwanag ang pakpak ng bawat pixies na lumilibot sa buong kaharian na syang lalong nagpatingkad sa ganda nito. Hndi rin maiwasang makita ang kakaibang pagbabago sa bawat nilalang na nasa palasyon. Ang bawat elementong kanilang hawak ay nagliliwanag sa parte ng kanilang dibdib. Simbolo ng paglakas at pagtaas ng lebel ng kanilang kapangyarihan.

"Ito na ang simula ng kapayapaan sa Mundo ng mga Engkanto. Nawa'y gabayan ng Bathalang Araw ang ating itinakda upang maisaayos nya ang tungkuling nakaatas sa kanyang katauhan. Sa lahat ng mga Elemento at Engkantong naririto. Nais kong hingen ang inyong tulong upang mahanap ang itinakdang Diwata. Sa tulong at gabay ng Mga pinuno ng bawat kaharian. Sa Council of Magic mga elders Inaasahan ko na magiging maayos ang paghahanap sa itinakda.

"Hindi ito magiging madali dahil gagawa at gagawa ng paraan ang mga Engkantong Itim upang mapigilan tayo. Ngunit kasabay nito ay gusto kong maging normal pden palatuntunan at pamumuhay na mayroon tayo sa ating mundo.

Muli!! Para sa kaayusan at kapayapaan sa ating mundo. Mabuhay ang Bagong supling ng liwanaag!!!

Mundo ng mga Engkantong Itim

Someone's POV

Kabaliktaran sa ngyayare sa dalawang panig ng mundo ang ngyayare sa ilalim ng lupa. Lahat ng Engkantong itim. Ang kanilang wangis ay nagiiba batay sa kung anong lebel ng itim na engkanto sila nabubuhay.

"Arrggghhhh!!!! Ipinanganak na ang Itinakdang Diwataaaaa! Hndi tayo dapat magpalupil! Magmadali at mag lakap ng impormasyon kung nasaaan ang itinakdang sanggol!! Kailangang mapatay sya bago pa man sya makuha ni Fran!!!

Ipinatawag ang pitong Heneral ng Dilim.

Maghanda kayo! Sa lalong madaling panahon kailangan mapasaatin ang supling ng liwanag!!!

Kung sa tingin nyo ay nagtagumpay na kayo dahil sa pag silang ng inyong itinakda. Sisiguraduhin kong hndi kayo magtatagumpay. Ha ha ha ha ha ha!!!!!

Mundo ng mga Tao

"Kung nasaan man ang iyong ina ngayon alam ko na masaya sya sa desisyon na aking napili. Ipinapangako bilang iyong Ama na palalakihin kita ng mabuti. Sana ay gabayan tayo ng iyong Ina at ng Bathalang araw sa mga susunod na taon ng ating buhay anak.

Tatawagin kitang Justin Blythe Gomez.

Kasabay ng pag banggit ng pangalan. Ay nagliwanag ang Supling. Ang mga mata ay mistulang bahaghari na nagpapalit palit ng kulay. Hndi na nagtaka ang kanyang ama sa ipinamalas ng sanggol. Dahil alam na nilang mag asawa na sila ang napili na maging magulang ng itinakdang Diwata.

Dala ang kanilang ipon. Tinungo ni Mr. Gomez ang bundok kung saan nakatirik ang noon pa may ipinatayo nilang bahay ng kanilang asawa. Alam nya na manganganib ang buhay ng kanyang anak kung sa syudad nya ito palalakihin. Kalakip ng pag papasyang lumayo sa syudad ay ang planong hubugin ang itinakda habang hndi pa nito nadidiskubre ang kanyang tunay na lakas at kapangyarihan.

Susunod..

Hai finito le parti pubblicate.

⏰ Ultimo aggiornamento: Nov 19, 2019 ⏰

Aggiungi questa storia alla tua Biblioteca per ricevere una notifica quando verrà pubblicata la prossima parte!

SKY ACADEMYDove le storie prendono vita. Scoprilo ora