Rance snapped out.

Bumalik na siya sa katinuan.


“Im hungry.” sabi nito habang hawak ang kanyang tiyan, “Ikaw ba hindi gutom?” tanong ni Rance habang nakangiti.

Lihim naman siyang napangiti. Parang hindi kasi si Rance ang kaharap niya ngayon.


‘Hindi ako gutom dahil makita lang kita busog na ako. Oh my ghad ano ba ‘tong iniisip ko? At isa pang oh my ghad ano pong pinakain niyo sa asawa ko, ganyan siya ngayon? Humithit ba siya ng katol kaya siya nagkakaganito ngayon. Waaah! Sana po lord lagi na lang siyang nakahithit ng katol.’

Nauna ng bumaba si Rance at sumunod naman ito.


‘Ano naman kayang lulutuin ko? Wala akong alam eh!’ napakamot siya ng ulo sa isiping iyon.


“Rance, uhmmm.” ‘Leche plan nama oh! Paano ko ba sasabihin sakanyang wala akong alam sa pagluluto. Bahala na nga si Superman para maiba naman.’ “Ano naman ang lulutuin ko?” masiglang tanong niya.


“Kung ano ang makita mong pwedeng kainin diyan sa fridge.” casual na sabi nito at nagtuloy na siya sa living room para manuod ng t.v.

Samantalang si Junoella naman ay tinungo niya ang kitchen. Binuksan niya ang fridge.


“Patay” bulong niya sa sarili, “Hindi pa pala ako nakapaggrocery.”

Ang laman kasi ng ref ay bacon, hotdog, french fries, eggs, etc. Halos pang-breakfast ang laman ng kanilang fridge. Kahit gusto niyang magluto ng rice wala siyang gagamiting rice cooker dahil sumabog ito nung minsang sinubukan niyang magmarunong sa kusina.


“Rance mag-cup noodles ka na lang. Ayos lang ba yun sa’yo.” sigaw nito para marinig siya ni Rance, “Hindi pa kasi ako nakakapag-grocery eh.”


“Ayos lang.” sigaw din niya.

Nag-umpisa na siyang magluto. Actually ang alam lang niyang lutuin ay mga pritong luto. Pero minsan prito na nga lang hindi niya pa maiwasang huwag masunog ang kanyang niluluto sapagkat nabibiktima din siya ng mga nagtitilamsikang mantika.

Nagprito siya ng bacon at nagluto din siya ng omelet. At yung bread ibinabad niya sa condence at evap na may egg tapos hiniwa niya sa gitna yung hotdog. Saka niya binalot yung hotdog sa bread at nilagay sa oven. Habang nilagyan naman niya ng mainit na tubig yung dalawang cup noodles.

And then viola may pagkain na sila for dinner. Kahit pang-almusal ang lahat ng kakainin nila.


“Rance, ready for dinner.” sigaw nito pero malambing.

Pinatay ni Rance ang t.v at pumunta na siya sa kitchen.

The WifeWhere stories live. Discover now