Kailan pa ako nainsecure sa mga babae niya. Ah basta!! Kahit din kasi ako hindi ko na maintindihan ang sarili ko.

             Sana kapag nagblog ako ulit. Masasabi ko na kung ano na nga ba ang sinasabi nito <3

             Yun lang. Sa susunod ulit.

Pagkapost niya sa kanyang blog pinatay na nito ang kanyang laptop. Tinanggal na din nito ang bulak sa kanyang tenga.

Hanggang ngayon kumakatok pa rin si Rance sa kanyang kwarto.


‘Wow ha! Ang consistent naman niyang kumatok sa kwarto ko. Magsosorry ba siya? Nyee asa naman ako.’


“Hoy! Buksan mo nga ‘tong pinto. Para namang hindi mo naririnig ang katok at tawag ko sa’yo ha.” sigaw ni Rance mula sa labas.

Inis niyang tinungo ang pinto. Mukhang umuusok na ang ilong at tenga ni Rance. Dahil sa boses pa lang niya mukhang galit na ito. Ay mali, dahil galit na talaga ito. Kilala niya kasi ang kanyang asawa bilang isang mainipin na tao. Ayaw niyang pinaghihintay siya. Isa yun sa mga ugali ni Rance maliban pa sa pagiging womanizer niya.

Ginulo-gulo pa nito ang kanyang buhok para magmukha siyang bagong gising sa harapan ng kanyang asawa, pinungay pa nito ang kanyang mata at pahikab-hikab kunwari.

Humugot muna siya ng malalim na hinga atsaka niya binuksan ang pinto.


“Ano ba!! It’s past 9 in the evening,” tinakpan niya ang kanyang bibig. Kunwari ay naghikab siya, “Kung makapambulabog ka ng natutulog na tao, wagas. At hello!! Hindi hoy ang pangalan kundi Junoella.” inis niyang sabi pagkabukas pa lang ng pinto niya.

Laglag panga siya ng makita niya ang kanyang asawa na naka-white sando at boxer short. Kitang-kita ang matipuno niyang katawan sa suot niyang sando. Bakat ang 6 packs abs nya.

Napasimangot si Rance, “Gutom ako. Pwede bang magluto ka?”

Halos manlaki ang kanyang mata, ‘Tama ba ‘tong narinig ko? Si Rance nagrequest sa akin kung pwede ko ba daw siyang ipagluto. Humigad!! Kill me now. Kill me now.’ isip niya.


“What now? Panlalakihan mo na lang ba ako ng mata diyan?” tanong ni Rance habang nakasimangot ito.

Lumabas na mula sa kwarto si Junoella, “At bakit naman kita susundin ha Rance. And why all of a sudden?” pang-asar na tanong niya sabay irap sa kanyang asawa.


“Because you’re my wife.” halos tumalon ang puso niya sa sinabi ni Rance sabay palakpak pa ng kanyang tenga sa narinig nito. And now he’s admitting that Junoella is his wife.

Wala siyang masabi. Nakaka-speechless talaga. Ngayon niya lang narinig ang mga salitang lumabas sa bibig ni Rance kanina.


‘Because you’re my wife. Ang sarap lang talaga pakinggan. Sana palagi na lang may sapi si Rance. Mukhang masarap tuloy hawakan ang kanyang abs.’ napailing na lang siya sa huling sabi ng kanyang isip, ‘Ibang klase talagang mag-impluwensya si Areen.’

The WifeWhere stories live. Discover now