Prologue

63 4 2
                                    

Sky Academy

Noong unang panahon ng nilikha ang mundo ng mga tao sabay na nilikha ang Engkantong daigdig ng mga Dyos at Dyosa. Sila ang inatasan na magbantay sa kalikasan at mundo ng mortal. Ngunit nahati ang mundo ng mga Engkanto sa dalawang pwesto. Ang mga puting engkanto. Maharlika at mabubuting Engkantong masayang tumutulong sa mundo ng mga mortal. Nagtataglay sila ng kapangyarihan ng lima na pangunahing elemento ng mundo. Ang hangin, tubig, apoy, lupa, at liwanag. Ito ay pinamumunuan ng limang kaharian.

Ang Kaharian ng Avian na matatagpuan sa hilagang bahagi ng mundo. kung saan naninirahan ang iba't ibang uri ng engkanto na kayang magmanipula ng hangin kasalukuyang pinamumunuan ni Haring Odin at Reyna Aeilene.

Ang Kaharian ng Aquifis na matatagpuan sa Kanlurang bahagi ng mundo. Mga Engkantong nagtataglay ng kapangyarihan ng Tubig. Dito rin nagmumula ang tubig ng buhay na dumadaloy sa buong mundo. Kasalukuyang pinamumunuan ni Haring Bolverk at Reyna Elucia.

Ang Kaharian ng Terbius. Lupaing taglay ang iba't ibang yamang mineral ng mundo. Pangunahing pinagkukunan ng suplay ng pagkain sa mundo ng mga Engkanto. Tahimik at Hndi sanay sa pakikidigma. Healers at support ang kanilang pangunahing kakayahan. Sila ay kayang magmanipula ng kahit anong anyong lupa. Pinamumunuan ni Haring Herteit at Reyna Sorin.

Ikaapat na Kaharian. Ang Kaharian ng Pyro. Pangunahing pinagkukunan ng malalakas na armas gamit sa mga digmaan. Sila din ang pinakahaligi ng Mundo ng Mabubuting Engkanto. Taglay nila ang kapangyarihang mag manipula ng Elemento ng Apoy.

Ang Sentrong Kaharian ng mga Engkanto. Ang Kaharian ng Luminus. Kaharian ng mga Puting Diwata at Engkanto. Pinakamalakas at Makapangyarihan sa limang Kaharian. Taglay nito ang kapangyarihang kayang tumapat sa Dilim. Pinamumunuan ni Reyna Fran na syang Direktang Sugo ng Bathalang Araw.

At ang pinakahuling kaharian na matatagpuan sa pinakailalim ng mundo ng mga Engkanto. Ang Kaharian ng Narchis. Ang mga Itim na engkanto. Mga Malignong Isinumpa ni Bathalang Araw. Dahil sa pagiging sakim sa kapangyarihan at may mga maiitim na budhi. Mga engkantong naghahangad ng higit na kapangyarihan. Pinamumunuan ni Haring Veromos isang makapangyarihang Dyos na nag mamanipula sa itim na kapangyarihan.

Dito nagsimula umusbong ang labanan ng liwanag at dilim. Lakas sa lakas. Kapangyarihan sa kapangyarihan. Ang bawat isa ay lumalaban ayon sa kanilang adhikain at paniniwala.

Si Fran Ang Reyna ng mga Puting Engkanto ay dumulog sa Bathalang araw upang magkaroon na ng kapayapaan sa mundo ng mga Engkanto. Dahil habang tumatagal nauubos na ng Dilim ang kanilang pwersa.

"Bathalang may likha ng lahat at syang dumudulog sa kahilingan ng kanyang nasasakupan. Buong pagpapakumbaba akong humihiling ng kapayapaan sa mundo ng mga Engkanto. Nawa'y matapos na ang alitan mula sa mga engkantong itim at liwanag. Ano ba ang maari kong gawin upang matapos na ang digmaang nagsimula simula pa ng mabuo ang mundong inyong nilikha?

"Aking Reyna. Lahat ng ngyayare ay nakasulat na sa iyong tadhana bilang pinuno ng mga mabubuting engkanto. Ang propesiya ay mag sisimula sa oras na maipanganak na ang isang nilalang na may kakayanang kontrolin ang lahat ng pangunahing elemento sa inyong mundo. Sya ang magbubuklod sa liwanag at dilim. Ang tatapos sa gulong matagal na dapat natapos kung hndi lang sana sa kasakiman ng ibang naging pinuno ng inyong mundo. Ang labis na pagkaganid sa kapangyarihan na syang sumira sa balanse ng mundo ng mga engkanto.

"Isang takda aking panginoon?

"Oo isang takdang nagtataglay ng kapangyarihan ng mga Dyos at Dyosa ng elemento. Isang kakaibang nilalang na nagtataglay ng isang mabuting puso. Ang kanyang pagibig sa mundong ito ang syang tutulong upang maisaayos ang balanse sa inyong mundo.

"Aking panginoon paano ko malalaman kung sino ang takda?

Ikaw ay inaatasan kong magpatayo ng isang Akademya kung saan hahasain ang kakayahan ng bawat puting Engkanto. Layunin ng akademyang ito na hanapin ang mga nilalang na nagtataglay ng kapangyarihan mula sa mundong ito at mundo ng mga mortal. Ngayon aking Reyna. Humayo ka at sundin ang iyong tadhana.

Makalipas ang Limang taon..

Sa tulong narin ng Ibang kaharian naisakatuparan ang pagbubukas ng nasabing akademya at ito ay tinawag nilang..

Sky Academy.

Samantala.. Sa mundo ng mga Mortal.

"Mr. Gomez ikinalulungkot ko pong sabihin na hindi na kinakaya ng asawa ninyo ang panganganak. Masyadong naging kumplikado ang kanyang panganganak dahil narin sa kumalat na ang cancer cells sa kanyang katawan. Ngayon kailangan nyong mamilli dahil iisa lamang na buhay ang maari naten sagipin. Ang iyong anak o ang inyong asawa. Nasa sa inyo ang pasya.

Magkahalong lungkot at paghihinagpis ang nararamdaman ng lalake. Matagal nilang ipinagdasal ng kanyang asawa na magkaroon sila ng anak. Alam nya na kung makakausap nya ang kanyang asawa ngayon sasabihin nito na piliin ang knilang magiging anak. Mabigat man sa kanyang dibdib ang mamili ngunit tumatakbo ang oras at alam nyang kung hndi sya agad magdedesisyon paniguradong  baka dalawang buhay ang mawala.

"Doc nakapagdesisyon na ho ako...

SKY ACADEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon