"Elora, we need to tell you something." Umayos ng upo si Daddy at hinawakan naman ni Mommy ang kamay nya, "We're so sorry but we did it on purpose. Ngayon palang sana maintindihan mo kami."

Natawa ako bigla, "Dad, naguguluhan ako sainyo. Why are you sorry? Dahil ba hindi ko pwedeng tanggapin yung scholarship? I understand naman. You don't have to be sorry for that."

I am grateful to received this scholarship but even how much I wanted to use it, I know I can't. Siguro ay si Ms. Bree ang may pakana nito. She always tells me that I can survive school, I can cope up easily kaya hindi ako mahihirapan. Sya siguro ang nag recommend sakin sa University na to. Silly.

"No, anak. You will accept the scholarship."

Natawa nanaman ako, "Dad, do you want me to die at this age?" I was just joking. Alam ni Dad ang kondisyon ko, pinapagaan nya lang siguro ang pakiramdam ko.

"Elora, listen to me first..." Dad heaved a heavy sigh before continuing, "We lied to you about your condition. You are not ill—"

"Dad, what are you saying? I knew it myself, nararamdaman ko yung sakit ko. And now you're telling me things like that? Enough with your jokes, Dad. It ain't funny anymore." Kalmado parin ako pero hindi na ako natutuwa sa kung ano mang palabas meron sila Daddy.

"Elora, please patapusin mo muna ang Daddy mo."

"As I've said, you are not ill anak. Your heart's not weak, wala kang coronary artery disease. We made you believe na may sakit ka para mailayo ko sa may mga masasamang balak sa'yo. You are one strong woman. That is the only solution that we know might work para hindi ka na magtanong dahil wala kaming maisasagot, hindi namin pwedeng sabihin sayo lahat lahat dahil hindi mo maiintindihan. Pero we know that we can't hide it from you forever, alam namin ng Mommy mo na sooner or later dadating yung araw na kailangan naming sabihin sayo 'to at ngayon yon. Ang letter na yan ang hudyat namin. Elora, I'm sorry."

Wait, everything is so mixed up in my head right now. Hindi nag sisink-in sakin yung mga sinabi ni Daddy. Para akong isang malaking question mark.

"Ano bang meron sa letter na to? How come na ito yung go signal nyo?" Tinaas ko pa yung hawak kong letter para ipakita, "At anong walang sakit Dad? Ano, joke lang yung nararamdaman ko all these years? Yung sakit ng puso ko tuwing masosobrahan ako sa pagod, yung pagsakit ng ulo ko, yung mga pagkain ko na dapat limitado, yung pagsusuka ko at panghihina ng katawan ko? Joke lang ba yun lahat ha? Pano nyo i-eexplain sakin yon Mom—Dad? Kahit gusto kong matuwa sa mga sinasabi nya pero paano? I let myself become a prisoner in this house knowing that I might die anytime. My whole life was a lie. Sabihin nyo Dad, sinong matutuwa?" Tears comes down so fast na para bang may karera ng luha sa mga mata ko. "All my life, naniwala ako sa isang bagay na mali, I've been scared to death na baka kaunting pagkakamali ko lang ikamatay ko. I just wanted to have a normal life to the point na tinanggap ko na kung anong meron ako and just deal with it. Everyday is a fight for my life, Dad. Hindi ko kayo maintindihan."

Sobrang sakit. Walang tigil sa pag agos yung mga luha ko, the pain is unbearable. Physical pain is nothing sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Kahit gaano ko gustong intindihin sila Daddy, hindi ko alam kung paano dahil hindi ko na maintindihan yung sitwasyon.

"Anak, are you okay?" Agad lumapit si Mommy sakin at hinawakan ang kamay ko. Tinignan ko ang mga kamay ko at nanginginig ito, hindi ako makahinga, naninikip yung dibdib ko... akala ko ba wala akong sakit?

"I-I c-can't bre—athe." Sobrang sakit, hawak hawak ko ang dibdib ko at dahan dahang hinilot ng bahagya nagbabakasakaling mabawasan ang sakit.

"Caspian, the serum!" It was a loud voice coming from my Mom, I can't feel my body anymore. I can't take the pain, bumibigat na din ang talukap ng mga mata ko.

Narinig ko pa ang papalakas na yapak ng pagtakbo ni Daddy papunta samin ni Mommy. There I saw a syringe—and everything went black.

It feels like I woke up from a deep sleep. Ang gaan ng pakiramdam ko, para akong natanggalan ng mabigat na dinadala. Nilibot ko ang paningin ko, nandito ako ngayon sa kwarto ko. I can still remember what happened last night, every detail of it. The pain is still here, but this is another pain.

"Elora, anak. How are you feeling?" Tanong agad ni Mommy ng makapasok sya sa kwarto ko dala dala ang isang tray ng pagkain.

"I want to say I'm fine, but I am still not okay. Physically, I feel great." Di ko maiwasang magalit. Di ko parin maintindihan.

"I'm sorry." Ramdam ko yung lungkot at sincerity ni Mommy, "Dinalhan kita ng pagkain, masama ang nalilipasan ng gutom."

"Please, tell me everything Mom. The serum? Gusto kong malaman." Umupo ako sa kama at isinandal ang likod ko sa headboard ng kama ko.

Huminga ng malalim si Mommy bago nagsalita, "The serum is the antidote for your temporary illness. Isa sa pinaka pinagkakatiwalaan namin ng Daddy mo ang gumawa ng gamot na yun, at ang gumawa din ng sakit mo. She is a witch, those medicines you were drinking are the cause of your illness. Sa tuwing iniinom mo yun gumagaan saglit ang pakiramdam mo at pagkatapos noon, doon na lumalabas yung mga sintomas na nararamdaman mo. We needed it to become realistic. Pero wala iyong masamang dulot sa katawan mo o sa kalusugan mo, Anak. It is safe, though physical pain ang mararamdaman mo panandalian. Kaisa isa lang ang serum na yun, at pinangako namin ng Daddy mo na ibibigay lang namin yon sayo sa takdang panahon." Hawak hawak ni Mommy ang kamay ko ngayon, pinipigilan ko ngayon ang sarili kong mag breakdown ulit. No, I need to absorb everything.

Too much information is damaging every brain cells I have. Sa bawat sagot na makukuha ko, may kapalit agad na tanong. Nakaka lula.

"Teka, what do you mean witch Mom?"

Witch? Mangkukulam? Mas lalo akong naguguluhan. Hindi ko na alam kung tama bang maniwala ako sa mga sinasabi nila Mommy o isa nanaman 'tong kasinungalingan.

"Mangkukulam, Anak. Isa siya sa pinaka magaling na witch sa Lugar ng Alfea. Huwag kang mag alala, anak. Lahat ng katanungan mo ay isa isang masasagot sa oras na makatapak ka sa Alfea, hayaan mong ikaw ang tumuklas sa kung ano at sino ka. Humihingi ako ng tawad anak sa nagawa namin ng Daddy mo, pero believe me para sa ikabubuti mo kung ano man ang nagawa namin," hinaplos haplos ni mommy ang buhok ko at marahan na hinaplos din ang pisngi ko, "Magpahinga kana, Anak. Bukas ay tutungo kana sa Alfea."

Lumabas si Mommy ng kwarto ko, sobrang bilis ng mga pangyayari. Parang kahapon lang ay may sakit pa ako, ngayon sobrang gaan na ng pakiramdam ko, bukas naman ay pupunta ako sa lugar na wala akong ideya. Bukod pa don, sobrang daming tanong ang nabubuo sa isipan ko.

Kailangan ko ng sagot.

Alfea: Academy of MagicWhere stories live. Discover now