Chapter 1

0 0 0
                                    


NAPABALIKWAS si Zaihyun ng makarinig sya ng ingay mula sa baba ng kaniyang kwarto. Kaya naman dali dali syang bumaba ng hagdan at gulat na gulat ng makitang puno ng dugo ang humahangos nyang ina, ngunit hindi ito nag-iisa. Naroon din ang lalaking may hawak na baril at kutsilyo, humarap ang lalaki sa dalaga at ngumisi. 

Napabalikwas sya ng mapanaginipan nanaman ang dahilan kung bakit nawala ang kaniyang ina. Sinisisi ng dalaga ang kanyang sarili sapagkat wala syang nagawa kundi tumakbo at magtago para sa sariling kapakanan. WALA SYANG KWENTA! yan ang araw araw na nasa isip nya. Pero kahit ganoon, nagpapasalamat parin sya sa Panginoon dahil nakatayo parin sya sa kinatatayuan nya at napapasaya ang mga tao sa paligid nya. Gaya ng bilin sa kanya ng kanyang ina. Bilang nakakatanda at panganay, sya ang tumatayong ina sa kanilang pamilya.

"Zaiiii! Youhoooooo! Andito ako! HAHHAHAA!"

As usual, andito nanaman ang kaibigan nya. Araw araw na ganito ang kaniyang ginagawa. Papasok lamang ang kaibigan nya na parang sya ang may ari ng bahay. Walang hiya.

"Fvck off, xyden! Ang aga aga namemeste kaaa!"  Sigaw nya matapos hatakin ni Xyden ang paa nya at ihulog pababa ng kama.

"Napaka ano mo talagang babae ka! Subukan mo lang magpalibre sakin mamaya!"   Inirapan sya ng dalaga at nagtungo sa banyo upang maligo.


HATAK-hatak ni Xyden si Zaihyun ng makarating sila sa mall. Mahilig kase ang magkaibigan na mag malling at maliban doon, nag boboyhunting ang gagang si Xyden samantalang iirap lang si Zai kung meroong lalapit sa kanila.

"Hey"    at tulad nga ng inaasahan nya, may imemeet nanaman silang lalaki, palihim na napairap si Zai nang bumati pabalik si Xyden sa lalaking nasa harap nila.

"Hi Yander! So this is Zaihyun, Zai for short, sya yung nirereto ko sayo, single and available, fresh pa yan. Hihi. Wag mo lang sasaktan ah? Mahal ko yan. Yiee"

Sabi ng dalagang si Xyden sabay sundot sa tagiliran ng dalagang si Zai.

"Its nice to meet you Zaihyun, im Yander Alejandro."    Nakipagkamay ang lalaki pero tiningnan lang ito ng dalaga. Hanggang sa mapansin ng lalaki ito kaya kusa netong ibinaba ang kanyang kamay. Punyatera talaga tong si Xyden
Yan ang nasa isip ng babae habang paulit ulit na pinapatay ang kanyang bestfriend sa imahinasyon nya.

" nako! Ganyan talaga ang palakang yan Yander! Nagpapapilit lang yan. Aalis muna ako ha? Oh Zai, kay yander ka muna ha? May kikitain lang akong kadate. Hahahah" 

Naningkit ang mata ni dalaga ngunit hindi na ito umangal pa. Napakabruha talaga ng kanyang kaibigan.

Napaigtad ang dalaga ng may humawak sa kamay nya! Nakakahiya! Nasa mall sila at maraming tao! Hindi ba ito naisip ng lalaki?

"Alisin mo yan" pilit na pinapatapang ng dalaga ang kanyang boses para hindi halatang kinakabahan sya dahil sa hindi malamang kadahilanan, basta nahihiya sya! Pero sa halip na bitawan ito ng lalaki, inakbayan nya pa ito at lalong nagdulot yun ng kakaibang pakiramdam sa kanya.








"So kamusta naman ang date ng pokpok kong kaibigan?! Maayos ba? Ha? Ano na? Nililigawan ka na ba? Kayo na ba? Ano?--"  nakakunot ang noo ni Zai hanggang makauwi sya sa kanilang bahay, bago sa kanya ang pakiramdam na yun.

"HOY! ANO NAAA?" pagtatanong ulit ng kaibigan nya, tumigil sa paglalakad ang dalaga ang hinarap ang kaibigang naging dahilan ng pagkalito nya.

"Alam mo, nakakairita ka eh. Lumayas kana nga! Layaaaas!"     Sigaw nya dahil naiinis sya at hindi nya alam ang nararamdaman nya.

Kung sakaling ligawan kita... Papayag ka ba?

Actually, matagal na kitang gustong makausap..kaso nahihiya ako eh..

Pero kahit hindi ka pumayag na ligawan kita, manliligaw parin ako sayo. Sa ayaw at sa gusto mo.

"--Punyeta nakikinig ka ba ha Zaihyun?!"

"Ha?"

Ano ba ang ginagawa ng lalaking ito sa utak nya? Pati sa puso nya?! Natutulala na sya at paulit ulit na naaalala nya ang mga sinabi ng lalaking kanina nya lang nakilala.

"Ang sabi ko, nagtext si Yander sakin at hihintayin ka daw nya ulet! Manliligaw daw sya sayoooo!! Waaahhh! Im so exciteeeeeddd!!!"

"Ha?"

"Manliligaw daw si Yanderrrr! Putangi---"

" pakyu! Tumigil ka nga sa katitrip mo! Uwi naaa! Uwiii!"
Magsasalita pa sana ang kaibigan ngunit, pinagsarhan na nya ng pinto ito at tumakbo patungo sa kanyang silid, habang hindi mahinto ang mabilis na pagkarera ng mga kabayo sa dibdib nya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 01, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Till i canWhere stories live. Discover now