Chapter 1:The start

0 0 0
                                    


"Ginoong Kim."

"Ngunit mali ang kanyang ginawa."

"Bitay ang maaring iakusa sa lalaking iyon."

Bigla akong nagising sa pagkakatulog.Isa nanamang panaginip.
Bulong-bulungan nanaman.Hindi ko mawari ang panaginip kong iyon.

Ngunit isa lang ang masasabi ko.Nasa sinaunang panahon pa ang pangyayaring iyon.

"Carmelo!Bumaba kana.Mala-late ka na." Giit ng aking ina.

"Ito na ho." Sagot ko.

Nasa pangalawang semester na ako ng pag aaral ko.Isang Grade 12 student.

"Napanaginapan mo nanaman ba?Anak?." Pagtataka ni mama.

Pawis na pawis ang buong katawan ko na halatang halata ni mama kaya't napatanong siya.

"Oo,Mama.Pero bakit ganon?" Pagtatanog ko.

Hindi ko talaga mawari ang oanaginip kog iyon.Sa tuwing makakatulog ako iba iba ang panaginip ko ngunit parang tuloy tuloy lang ng nakaraan.

"Bitay,Ginoong Kim." Pagiisip ko.

"Ipacheck-up na kaya kita anak?" Giit ni mama.

"Hindi na mama.Ayos lang to."sagot ko.

Naglalakad na ako at biglang may tumakbo sa harap ko.

"MELO!!" Sigaw nito.

Ah si Rhianne.gulat ko.

"Rhianne.Ano nanaman ang kailangan mo?." Pagtatanong ko.

"Sasabay ako sayo,Ano paba?" Kunot nito.

Si Rhianne ang kababata ko.Pero iba ang kutob ko sa kanya ngayon.

Sabay kaming pumasok ni Rhianne.Pero iba talaga ang kutob ko sa kanya ngayon araw na to.

"Melo?napanaginipan mo nanaman ba?" Pagtatananong ni rhianne.

"Huh?ang alin?" Giit ko.

"Yung mga weird na sinaunang tao?" Tanong niya.

"Ahhh..Oo eh." Sagot ko.

"Kinakabahan ako sa tuwing sinasabi mong napapanaginipanmo parin yun." Giit nito.

Nagtataka ako bakit ibang iba siya ngayon?hindi katulad ng dati na makulit siya.Oo makulit siya pero.Wt* ibang iba talaga kutob ko sa kanya.

"Ahmmm- bakit naman?" Utal kong sagot.

"Kasi kahit ako nangyari na sakin yan." Sagot niya.

Haaa!Sabi na nga ba! Kaya pala! Pero paano?anong panaginip naman iyon Katulad ba ng akin?

"Anong klaseng panaginip?katulad ba nang saakin?Mga Sinaunang tao?.tuloy tuloy kong tanong.

Tumakbo siya agad ng mabilis.Na hindi man lang nasagot ang lahat ng tanong ko.

Nasa hallway nako ng classroom namin at saktong nakita ako ng aking guro.

"Mr.Dela Cruz maaari ba kitang mautusan?" Pagbati ng guro kong si Maestro Dela Peña.

"Opo." Sagot ko.

Maaga pa naman kaya't pumayag narin ako.

"Pumunta ka sa library at kunin mo ang libro ang title niya ay ANG NAKARAAN." Giit ni Maestro Dela Peña habang tinuturo ang library.

Nanlaki ang mata ko nang makaramdam ng flashback mula sa librong iyon ngunit hindi ko naman maalala.

Iba ang kutob ko sa librong yon pero hindi ko na inisip.

Papunta na ako ng library at nagpatanong tanong kung nasa histories ba ang librong iyon.

Makalipas ang higit sa 10 minuto.Hindi ko parin mahanap ang librong giniit ni Mastro Dela Peña.

Nagtanong na ako sa guro.

"Magandang Umaga po.Saan po ba makikita yung librong ANG NAKARAAN." Pagbati ko.

"Sa pinakadulo ng library sa sulok nun may pinto.pumasok ka don at makikita mo ang hinahanap mo". Sagot nito.

Bigla akong kinabahan sa mga salita ng gurong kausap ko.

Ngunit sinunod ko parin and itinurong landas ng guro.

Pagpasok ko sa pintuan ay puro makalumang kagamitan ang nakita ko.At sadyang madilim rito ngunit kota ko parin ang mga Espada.Shield na gawa sa metal.Mga libro.Mga Mapa.Paintings.Pati narin mga sculpture.

Nahanap ko narin sa wakas ang libro.

Isa na nga itong makalumang libro.

Ang Nakaraan.Istorya ng Magkasintahanang.Juan Carmelo Cruz at Marcela Felicidad Mercado.

Carmelo?hmmmmm.Pangalan ko to ah.

Binaliwala ko lang ang pagtatakang iyon ngunit pagtayo ko.Bigla kong ikinagulat ang Isang painting.

Isang magkasintahan na painting.Ikinagulat ko iyon dahil ang lalaking iyon ay kamukhang kamukha ko.

"Hhuuuuuh?." Pagkagulat ko.

Napapapikit ako na baka panaginip nanaman ang nakikita ko pero hindi.

Sadya bang ako iyon o dahil madilim lang?.

Lalapitan ko na sana ang painting ng biglang may sumigaw.

"MR.CRUZ!" isang boses ng lalaki.

"Maestro Dela Peña." Paglingon ko.

"Napakatagal mo naman.Halina't magsisimula na ang klase." Giit ni Maestro Dela Peña.
Umalis na kami sa silid pero hindi ko inalis ang mata ko sa painting na iyon.

"Ako ba yon." Bulong ko.

"Ang alin?." Sagot ni Maestro Dela Peña.

"Ahhh,wala ho." Sagot ko.

Nakalabas na kami ng silid at nawala rin ang guro na nakausap ko kanina.

Iba talaga ang kutob ko sa libro na Ang Nakaraan pati narin ang silid na napasukan ko kanikanina lamang.

Bakit bigla siyang nawala.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 17, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Truth UntoldWhere stories live. Discover now