Prologue

6 0 0
                                    

Jessie (1905)

'Allyson rode his horse and went in the woods to hunt. While hunting, he saw a girl, a beautiful young girl named Sing. Allyson thought, "She could be my wife," so he--'

"Jessie! Tinatawag ka na ni mama"

Tumayo ako at pumunta na sa bahay. Malayo rin ang nilalakad ko mula sa ilog hanggang sa bahay. Sa ilog lang kasi ako komportable magbasa ng libro, minsan iniiwan ko rin doon ang libro ko. Ang librong binasa ko kanina lamang ay pinamagatang He who stole the witches' potion. Hindi siya kilalang libro pero maganda naman.

Nang makarating ako sa bahay, nakita ko si mama na nakaupo sa silya.
"Anak, pagtimplahan mo ako ng kape."
Pumunta ako sa kusina at kumuha ng isang tasa at ginawan ng kape si mama. Linagyan ko ng maliit na asukal dahil iyon ang gusto niya. Ibinigay ko sa kanya ang kape.
"Pwede mo nang ipagpatuloy ang ginagawa mo kanina"

Umalis na ako sa bahay at nilakad ulit ang ruta patungo sa ilog. Habang nasa kalagitnaan ng paglalakad, napansin kong nawawala na ako. Hindi ko makita ang ilog at hindi ko na rin matahak ang daan pabalik sa bahay. Habang naglalakad ako paatras ay nabangga ko ang isang kabalyero. Huh? Paanong may kabalyero dito sa lugar namin?

"Binibini, nawawala ka yata" tumango ako bilang pag-oo. Pinasakay niya ako sa kabayo niya. Habang tumatakbo yung kabayo niya ay napatanong ako. "Manong? Nasaan na po ba tayo?"
"Nasa Doletino tayo binibini"
Doletino, nabasa ko yan sa mga librong nabasa ko ah. Imposibleng totoo iyon.
"Ngayon po ba ay taong 1376?"
"Binibini? Nakakalimutan mo ba? Taong 1905 ngayon"
Napatango ako habang patuloy na tumatakbo ang kabayo ay unti-unti kaming lumalabas sa kagubatan. Napakapit ako sa kabalyero dahil pinabilis niya ang takbo ng kanyang kabayo.

Nabighani ako nang tuluyan na kaming makalabas. Ito nga ang Doletino. Mga nagliliparang mga nilalang, naglalakihang mga estraktura, magagandang tanawin, matataas na bundok at ang Amesethinos palace- ang pinakamalaking palasyo sa buong Zenoina.

Ang Zenoina ang tawag sa mundong ito. May sampung kaharian dito. Ang Sinlao, Fagurson, Conxaoiy, Hanston, Cairn, Fineland, File's kingdom, Red Cow, Eaglebeard at Doletino. Ang Doletino ay ang pinaka malaking kaharian sa buong Zenoina at nandito rin ang pinakamalaking palasyo.

Sa ngayon, nandito kami sa Vine village, ito ang pinaka mahikal na lugar dito. Dito naninirihan ang mga maliliit na taong may pakpak at mga hayop na wala sa tamang ayos.

Ito na yata ang pinakamasayang araw sa buhay ko...

-------

If you'll support this story, I promise update every month... between wednesday to sunday... 😙

Hai finito le parti pubblicate.

⏰ Ultimo aggiornamento: Nov 19, 2019 ⏰

Aggiungi questa storia alla tua Biblioteca per ricevere una notifica quando verrà pubblicata la prossima parte!

The book of LifeDove le storie prendono vita. Scoprilo ora