Natikom ang bibig namin nang pumasok uli ang nurse. Hatalang galit ito base sa kanyang mukha.

"Hindi kilala ng admins ang nagpakilalang doktor dito," madiin na sabi ng nurse. Nakakuyom pa ang mga kamao nito at halatang handang manuntok. "Ang kapal ng mukha no'n. That's a crime!"

"Wait... he's not a doctor?" Kristan asked.

"I don't know," the nurse responded. "Pero wala siyang permission sa admins. Malamang na gawa-gawa niya lang din ang pangalan na ibinigay niya. This is infuriating. Ako ang maiipit dahil sa ginawa niya."

"Wait. Who?" Si Dahlia na walang ideya sa nangyayari.

"Kung gano'n ay dapat siyang mahuli!" pursigidong sambit ni Kristan. "Baka kung ano ang tinusok niya kay Astra. Baka panandalian lang ito at kapag bumalik ay mas malala. We should do something, Nurse. We can't just let it pass."

Natigilan ang nurse kaya tumaas uli ang mga kilay ko. "Ang sabi ng mga guard ay wala silang pinapasok na gano'ng lalaki. Actually, wala pa raw pumasok na hindi teacher o estudyante dito magsimula kanina."

"What does that mean?" I asked, confused.

"I-I don't know..." The nurse let out a heavy sigh. "Ipapaimbestiga ko ito, don't worry." Lumapit siya sa akin at hinaplos ang noo ko. "But the good thing is you are good now. Pero hindi tayo dapat magpakampante. Dadalhin ka pa rin namin sa hospital."

"No," biglang lumabas sa bibig ko.

"Wait. Who's the doctor?" Dahlia asked.

"What do you mean no, Miss Martin?" The nurse asked.

"I want to go home instead," sagot ko. "I just need a rest."

"Pero kailangan mong ma-check—"

"Pwede mo ba akong ihatid?" tanong ko kay Kristan.

Naguluhan ang tingin nito. Wala akong nakuhang sagot sa kanya.

Huminga ako nang malalim. "Ako na lang pala. Kaya ko naman," saad ko.

"Wait guys. Sino 'yung doktor na hindi doktor na gumamit ng pangalan na hindi niya pangalan?" patuloy pa rin ang pagtatanong ni Dahlia. "Someone answer me!"

Tumayo na ako at sinuot uli ang sapatos ko.

"I can't just let you go home after what happened, Miss Martin. Responsibilidad kita," pagpupumilit ng nurse. "Pauwiin din kita pagkatapos mong masuri ng mga doktor. Ako pa mismo ang maghahatid sa 'yo. Sobrang init mo kanina... nakakapaso. That must mean something."

"I will go home now," sabi ko.

"Ihahatid na kita." Tumayo na rin si Kristan. Kinuha niya sa akin ang bag ko at siya na ang nagbitbit no'n. "Ako na rin ang bahala sa mga subjects mo. Igagawa kita ng excuse letter. Papatulong ako kay nurse since alam naman niya ang nangyari sa 'yo."

Bumuntonghininga ang nurse. "If that's the case..." Lumapit ito sa isang desk at may kinuha na papel. "I will just ask you to sign this. Kapag pinirmahan mo ito ay wala na akong pananagutan kung sakali mang may mangyaring masama sa 'yo dahil sa nangyari. But, I don't suggest—"

I cut her out when I grabbed the piece of paper on her hand. Pinatong ko ito sa lamesa at kinuha ang ball pen sa gilid para pirmahan. Nang mapirmahan ay ibinalik ko 'yon sa kanya. Wala na siyang nagawa sa pagkakataong 'yon. Napailing na lang ito.

"Hello, guys? I'm still here!" Dahlia exclaimed.

Bumaling ako sa kanya. "I will explain you tomorrow, Dahlia. I just want to go home now. Pumasok ka na."

Nakaalalay sa 'kin si Kristan sa lahat ng kilos ko. Sabi ko naman sa kanya na mabuti na ang kalagayan ko pero hindi ito nagpatinag. Kulang na nga lang ay buhatin na niya ako para lang hindi mapagod. Hindi naman sa nagrereklamo ako... I don't know. Ayoko lang na iba ang maisip niya sa mga kilos ko.

Linked SoulsWhere stories live. Discover now