"T-thank you," bulong ko.

Umupo siya sa tabi ko at muling dinama ang noo ko. Napailing ito at mahinang natawa. "What's with this day? Ang daming hindi maipaliwanag na pangyayari." Sandali itong tumigil para hawakan ang kamay ko. "But, I don't care. You are good now and that's the only thing that matters to me."

Napangiti na lang din ako.

"Astra!" Sabay kaming napalingon sa babaeng mangiyak-ngiyak na pumasok din dito sa clinic. Napasinghap ako nang pabagsak na yumakap sa akin si Dahlia at dahil do'n ay nabitiwan ni Kristan ang kamay ko. "OMG ka girl. Namatay ka na nga kagabi, mamamatay ka pa ngayon?"

Natawa ako sa sinabi niya. Here comes the exaggerated best friend we wish to have.

"She's good now, Dahlia," said Kristan.

Kumawala sa pagkakayakap si Dahlia at pinunasan ang kaunting luha sa gilid ng mga mata. Suminghap pa ito bago tumango.

"Sabi ko kasi sa 'yo huwag ka nang papasok eh!" padabog na sabi niya na sinabayan pa ng mahinang hampas sa balikat ko. "Hindi na maganda ang pakiramdam mo kanina, nagpumilit pa rin. Hindi ka naman matalino para mag-alala sa grades mo."

"Hey, easy." Inawat ni Kristan si Dahlia nang hampasin niya ako uli.

"Ano? Papasok ka pa?" tanong ni Dahlia.

Hindi ako nakasagot. Nawala na ang sama ng pakiramdam ko kaya puwede na akong pumasok. Pero kapag naiisip ko ang sinabi nung lalaki kanina, nababahala ako. Itong nararamdaman kong kaluwagan ng paghinga... hindi rin ito magtatagal. Kung hindi lang dahil sa mga weird na nangyari ngayon, malamang na hindi ko ito paniniwalaan.

Bigla kong naalala ang sinabi ng boses kanina sa isipan ko."The more you endure it, the more you will suffer. Welcome to my world, Astralla Martin." Ano ang ibig sabihin no'n? Why am I enduring this? This weird feeling? How am I enduring it when I have no idea what's really happening?

Ano ba ang gusto niyang gawin ko?

Teka... sino ba 'yon?

Napangiwi ako nang may bumatok sa 'kin. "Gaga ka umuwi ka na para magpahinga!" bulyaw sa 'kin ni Dahlia. "Baka magkatotoo 'yung sa Facebook. Ihahatid ka na lang ni Kristan. Hindi ba, Kristan?" baling ni Dahlia kay Kristan.

Halatang hindi handa si Kristan sa sinabi ni Dahlia kaya sandali itong natigilan. "A-ah? Syempre naman. Hindi naman puwedeng hayaan kitang umuwing mag-isa pagkatapos ng nangyari."

"See?" Ngumisi si Dahlia. "Magpahinga ka na lang sa bahay, Astra. Kapag pinag-linis ka ni Ophelia, sabihin mo pagdadalhan ko siya ng isang garapong kape at asukal bukas."

Natawa ako sa sinabi niya. Hindi katulad ko, may kaya sa buhay itong si Dahlia. Medyo spoiled nga si Tita Ophelia sa kanya. Pinagdadalhan kasi niya lagi-lagi ng kape at asukal si Tita kapalit ng mas magaan na pagtrato nito sa 'kin.

"Paano kung si Eliyah ang nag-utos sa 'kin?" tanong ko na sinabayan pa ng pagtaas ng mga kilay. "Ano ang gagawin mo, Dahlia?"

Hindi nakasagot si Dahlia.

"Wait. May crush ka kay Eliyah?!" gulat na tanong ni Kristan.

Namula ang pisngi ni Dahlia.

"Mapili kasi 'yang si Dahlia, Kristan. Mataas ang taste sa mga lalaki. Kaya nga nagustuhan niya ang pinakamakisig, responsable, matured na lalaki sa buong mundo. Ang pinakamabait kong pinsan... Eliyah Lavoza!"

Mas lalong pumula ang pisngi ni Dahlia nang sabay kaming humalakhak ni Kristan. Hindi ko maintindihan kung ano ang nagustuhan niya kay Eliyah. Sa mukha naman... okay, understandable. Guwapo naman si Eliya. Ang kaso lang... 'yon lang.

Linked SoulsDonde viven las historias. Descúbrelo ahora