"Teka lang ha? Tatawagin ko lang si appa at Zion." ani Ina saka siya pumanhik ng hagdan.
Naka-upo na si Kurt sa upuan ni Ina pero ako nakatayo pa rin. Kinuha ni Kurt ang kamay ko saka niya ito ipinagsalikop. Yumuko ako para yakapin siya sa leeg. Humawak naman si Kurt sa parehong braso ko.
"I guess you missed me for a moment there." ani Kurt sakin.
"I guess I did." sagot ko at nang bumaba na sila appa ay lumayo na ko saka ako umupo sa gitna. Umupo sa tabi ko si Zion na humalik sa pisngi ko. Nginitian ni appa si Kurt ganun din naman si Zion kay Kurt.
Lumabas si eomma kasunod ng katulong namin dala-dala ang baked mac. Nilapag niya yun sa gitna ng mesa. Naglagay pa ng dalawang pagkain ang katulong namin sa mesa saka siya nagpaalam na sa kwarto muna siya.
Nagkwentuhan ang mga magulang ko saka si Kurt. Tinititigan naman ako ni Ina na nakaupo sa tapat ko. Tinataasan ko ng kilay si Ina pero ang loka nginingitian lang ako.
"So Kurt, how much do you love Irina?" tanong ni appa kay Kurt na nagpamula ng pisngi ko.
"Hahaha, so much tito Nikko." ani Niccolo at hinawakan ang kamay ko sa mesa.
Bumaling si appa sakin at nginitian ako. Tumingin rin si Kurt sakin na mukhang aabangan ang sagot ko sa itatanong ni appa. Diretso akong tumingin sa mata ni appa na may ngiti sa labi ko. Fake it till you make it, Irina.
"Irina?" ani appa sakin.
"Appa, it's been a long time. Nagkagusto ako sa iba pero alam ko naman sa sarili ko na may puwang si Kurt sa puso ko." ani ko at kinindatan si appa.
Tumawa si eomma at Ina habang si appa naman ay napa-iling na lang sa sinabi ko habang ngingiti-ngiti. Tinawag ni eomma ang katulong namin para iserve ang mochi ice cream na binili ni eomma bago umuwi. Dito niya raw kami pinaglihi.
"Tiffany, Evol!" tawag ni appa kay eomma na dumiretso sa kusina para ilagay ang pinagkainan.
Tumayo si appa at sinundan si eomma sa kusina. Kinalabit ako ni Kurt dahilan para mapalingon ako sa kanya. Lumapit siya sa tenga ko at may ibinulong.
"I'm a bit uneasy, Irina." bulong ni Kurt kaya tumingin ulit ako sa kanya.
"Bakit?" tanong ko sa kanya.
"I don't know." aniya at ngumuso.
Tumawa ako saka ko ginulo ang buhok ni Kurt. Napangiwi naman ako sa klase ng tingin ni Ina na nakakailang kaya sinamaan ko siya ng tingin. Bumalik sila eomma na tinutulungan nila appa saka kami nagpatuloy sa pagkain.
Nagkwentuhan sila appa at Kurt tungkol sa business. Hindi ko inakalang may alam si Kurt tungkol dito pero napag-isip isip ko rin na kaibigan nga pala siya ni Niccolo. Siguro anak rin ng business man. Besides, I haven't met his parents yet.
Matapos ang ilang oras na tawanan namin, nagpaalam na si Kurt. Hinatid ko siya sa labas ng bahay. Nasa tapat lang ng bahay namin ang sasakyan ni Kurt kaya di na ko naglakad ng medyo malayo.
"Tonight was fun. I enjoyed it." ani Kurt habang hawak ang kamay ko.
"Glad you did. Anong oras na, you should go home." ani ko at hinarap si Kurt.
Tumango siya at hinalikan ako sa pisngi. Nginitian ko si Kurt saka ko siya hinalikan pabalik sa pisngi at niyakap. I can't believe that I'll hurt him sooner.
Sumakay si Kurt ng kotse niya saka ako kumaway nang umaandar paalis ang kotse niya. Naramdaman ko na naman ang pag-vibrate ng cellphone ko. Agad kong kinuha ito nang maalala ko si Chase.
Tumakbo ako papasok ng kwarto ko saka ako tumalon sa kama ko. Binasa ko ang mga messages ni Chase na frustrate na frustrate na siguro.
Chase
Irina, I'm missing you.
Chase
Hey! I need you to call now!
Chase
God! You're frustrating me, babe! Don't make me come there.
Chase
Last message and I swear to God, I'll drive fast just to get there. Call now, please.
Napa-iling ako saka ko dinial ang numero ni Chase. Magtatatlong ring pa lang nang bigla na lang niya itong sinagot. Narinig ko ang paghinga niya sa kabilang linya as if he was relieved that I finally called.
"God, Irina! You're so frustrating!" bungad ni Chase sakin kaya tumawa ako.
"I'm sorry. Natagalan lang yung dinner. Can you calm down?" ani ko at humiga, wearing a huge smile on my face.
"You need to do something for me. You made me frustrated so I won't take no for an answer." aniya at bumuntong hininga.
"Ano ba yun?" tanong ko.
Natahimik saglit sa linya ni Chase. Naghello pa ko ulit at pakiramdam ko ay bigla na lang ngumisi si Chase.
"I'm missing your lips, babe. Why don't you join me here at the playground?" ani Chase na nagpamula ng pisngi ko. Seriously?
YOU ARE READING
Nothing But Strings
Teen FictionBridge. Tuning pegs. Fret. Rosette. All of these are a part of a stringed instrument. Simula ng mapangiti ko siya, mapatawa, I started falling for this guy. Chase is the kind of guy that doesn't like holding someone's hand, not even mine except his...
Chapter 9
Start from the beginning
