Chase
I'll call, soon. I promise.
Matapos magsend ng text ay itinago ko na ang cellphone ko saka ako tumayo at pumunta ng kusina. Nagluluto si eomma at ang katulong namin doon. Hindi naman karamihan gawa't hindi party ito. Formality nga lang sabi ni eomma.
"Ano pwede kong itulong, eomma?" tanong ko sa kanya.
"Maghain ka na lang ng mesa, Irina. Magpalit ka pati ng damit. Para kang ginahasa." ani eomma na nagpatawa sa katulong namin.
Ngumuso ako saka ko sinunod ang utos ni eomma. Kumuha ako ng plato mula sa lalagyanan ng plato namin at placemats. Lumapit si Ina at tumulong na rin sakin. Nakangisi siyang tumitingin sakin pero kapag tinataasan ko ng kilay kinikindatan ako ng loka.
Matapos namin ayusin ni Ina ang mesa ay umakyat ako. Hindi ko inaasahan na susundan niya ko hanggang sa kwarto ko. Binuksan ko ang aparador ko at si Ina naman ay sinara ang pinto saka nilock ito. Hinarap ko siya matapos kong kunin ang damit ko at nakita ko na lang siyang naka-upo sa kama ko.
"Anong kademonyohan ang nasa isip mo, kambal?" tanong ko sa kanya saka ko nilapag ang damit sa kama.
"Chase texted me and asked me to keep an eye on you. Mind telling a story?" aniya nang nakangisi.
Napakamot ako sa ulo ko saka ko inipon ang buhok ko para maitali. "Alam mo naman na lahat. Kailangan ko pa ba magkwento?" ani ko at pumasok sa banyo.
"I need a confirmation from you Irina." ani Ina mula sa labas ng banyo.
Bumuntong hininga ako habang nasa ilalim ng shower. Pinatay ko ito at nagtapis ng tuwalya saka ko binuksan ang pinto ng banyo. Bumungad sakin si Ina na nakangisi kaya yumuko ako at nagsalita.
"I'm having an affair with Chase, Inari and it's against my will." sagot ko pero tumili siya na ikinagulat ko.
"Oh my God! Irina that's bad but gosh it feels so good right?" ani ng kambal ko.
"Excuse me? It doesn't feel good, Ina. Nakakaguilty." sagot ko at nagbihis na. Wala na kong pakielam kung nandiyan si Ina. Parehas naman kaming meron nito.
"I support you, Irina. Just tell me if guilt is starting to kill, alright? I'll be here. We'll be here." aniya at niyakap ako.
I hugged Ina back saka niya ko pinabayaang magbihis. Inayos ko ang buhok ko saka ako bumaba nang tawagin ako ni eomma na nandito na si Kurt. Pinagbuksan siya ng pinto ni Ina kaya mabilis akong bumaba ng hagdan at sinalubong ng yakap si Kurt.
"Malandi!" ani Ina na nagpatawa kay Kurt.
"Namiss niya ko Ina." sagot ni Kurt na nagpa-irap kay Ina.
Humiwalay ako kay Kurt saka ko siya hinila papunta sa hapag kainan. Usually katabi kong umupo si Ina at Zion pero nagparaya saglit si Ina para paupuin si Kurt sa tabi ko.
YOU ARE READING
Nothing But Strings
Teen FictionBridge. Tuning pegs. Fret. Rosette. All of these are a part of a stringed instrument. Simula ng mapangiti ko siya, mapatawa, I started falling for this guy. Chase is the kind of guy that doesn't like holding someone's hand, not even mine except his...
Chapter 9
Start from the beginning
