One night with Mr. Professor

Start from the beginning
                                    

"Hey Jul, let me remind you, wag ka papahalata na first time mo dito ha? Ako nalang oorder ng drink mo." Pumunta kami sa may bartender's den. Kahit naman never pa 'kong nakapunta dito, alam ko kung anong klaseng mga tao ang nandito. 

You know Im a big movie buff. Lalo na tungkol sa mga romantic comedies. Im also a bookworm. Ewan ko. I think Im that cliche nerd in glasses who reads books with happy endings hoping she'll have one. Parang ganun ako, minus the glasses.

Nilagay ni Marj ang drink sa harap ko, "Ano 'to?" 

"Just drink it." sabi niya sa akin. Nahalata naman niyang nagda-doubt ako. 

"Trust me." Kinuha ko yung drink at ininom. Parang kinuryente ang buong katawan ko. Anong klaseng drink ba 'to? 

Wala na akong pakelam kung anong klaseng drink ang ibigay ng bartender sa akin, basta ako, inom lang ng inom. Tutal, ngayon nalang naman ako mageenjoy ng ganito ulit. I was too busy making my parents proud of me. Masyado 'kong kinulong ang sarili ko mula sa kasiyahan.

Nagulat ako nang natanaw ko si Chris kasama ang bago niyang girlfriend. 

Lumingon si Marj sa tinitignan ko. Nakita kami ni Chris pati nung girlfriend niya, AT TALAGANG KAILANGAN NILANG MAGHALIKAN?!

Hinila n'ong babae si Chris papunta sa pwesto namin, 

"Stop staring at my property, bitch." 

UGH?! EXCUSE ME? 

Nakisingit si Marj at sinabing, "Alam mo sabi nila, pangit daw ang nagmumura sa babaeng maganda, pero ikaw? Sige lang." 

Natawa naman ako sa sinabi ni Marj. Kahit kelan talaga napaka-protective ng bestfriend ko :)

Akmang sasampalin na sana niya ang bestfriend ko pero piniglan ko siya.

"Sana malaman mo na nabubuhay ka lang ngayon kasi bawal manakit ng hayop." Tinaasan ko siya ng kilay at dumerecho na ako sa dance floor.

Hah! That bitch. Akala niya ba porke di ako umiimik eh di na ko nasasaktan?! Hell no! Hindi niya alam kung sino ako dati. At baka maihi pa siya sa takot kung malaman pa niya.

I was dancing along with the song. Na-miss ko rin ang pakiramdam na 'to, yung walang pakelam kung sino ang nakatingin sayo.. kung ano ang tingin nila sayo.

Booty work, ika nga. Kung sino sino na ang nakakasayaw ko. I was too drunk to notice and remember everyone I was with. Masyado na ata akong lasing para ma-process lahat sa utak ko kung sino sino na 'to..

Nagulat nalang ako nang may lalaking nakisayaw sa akin.. nararamdaman ko siya sa likod ko.. pero wala na akong pakelam.. sayaw lang talaga ako ng sayaw. 

One night with Mr. ProfessorWhere stories live. Discover now