Chapter 1

333 24 19
                                    

Seohyun and Kyuhyun are the lead characters. :)

Chapter 1

 

KASSIE

Nalaman kong nalunod ako sa dagat at nawalan ako ng malay kaya naospital ako. Humantong sa novenahan kasi unusual daw na limang araw akong walang malay eh nalunod lang naman ako.

Akala nila nacomatose na ako kaya araw-araw may prayer meeting sa ward ko.

Isang buwan na mula nang nadischarge ako sa hospital. Isang buwan ko na ding inalala yung napanaginipan ko bago ako nagkamalay.

Ewan ko.. nakalimutan ko na. Di ko na matandaan.

Gabi-gabi pinagdadasal ko na sana mapanaginipan ko ulit yun. Parang may something, e. Kahit anong gawin ko di ko na talaga maalala.

~

Pinark ko ang bike ko sa may guardhouse. Yeah, araw-araw akong nagbbike papuntang eskwelahan nung high school and I'll be doing the same habit ngayong college! 

"Kassie!" may tumawag sakin. Lumingon agad ako. Nakita kong tumatakbo si Patch papunta sakin. May karga siyang malaking box. "May meeting para sa Acquaintance Party. Room 217. Mauna kana dun, susunod ako."

"Okay!" pinat nya ang balikat ko saka siya umalis. Pumunta agad akong Room 217.

"Hi Kassie! Kamusta ka na?" lumapit sina Sandy at Winona sakin. Nahagip ng mata ko si Shannice at.. inirapan nya ako.

Ay ang kapal lang ng mukha. Ako pa talaga inirap-irapan nya? Matapos nyang landiin ang ex boyfriend ko siya pa itong may ganang irapan ako? Buwisit na 'yan.

"Okay lang. Kayo? Kamusta?" umupo ako sa vacant chair sa tabi ni Winona. Nagkamustahan kami hanggang sa nauwi sa usapang lovelife ang usapan.

"Uy alam mo ba? Hinanap ka ni Rence nung first day!" sabi ni Sandy sakin.

Bumilis ang tibok ng puso ko. Pakiramdam ko namumula ako. 

"Ahh talaga? Edi sana sinabi mong nacomatose ako nang balikan nya ako." diretsahan kong sabi. Actually nagpaparinig ako. Bitter na kung bitter pero hanggang ngayon umaasa pa din ako. Na sana.. magiging kami ulit ni Rence.

"If that's the case then sana natuluyan kana lang.." rinig kong sagot ni Shannice.

"Well atleast I'm sure iiyakan ako ni Rence. Maaalala niya ang memories namin tapos magsisisi siyang hiniwalayan nya ako." sagot ko pabalik.

Tiningnan ko si Shannice. Kahit nakatalikod sya alam kong nainis ko siya. Nakayukom ang kamao nya at hinagod hagod ng mga kaibigan nya ang likod nya.

"Worse case is hihiwalayan ni Rence ang isa dyan kasi marerealize nyang mas mahal nya pala ako at hindi nya kaya na wala ako.."

"Shut up you bitter bitch!" sigaw nya.

"Hep, hep! Ano bang nangyayari dito?" pumasok si Patch sa room. Tiningnan niya si Shannice. Then tumingin siya sakin. Nagtaas sya ng kilay.

"Oh? Anong meron sa tingin na yan?" tanong ko. Sinubo ko ang chewing gum na kanina ko pa nabuksan at nginuya-nguya ko. Tinanggal ko ang ponytail ko at inilugay ang curly at ombre pink kong buhok.

Narinig kong humikbi si Shannice. Luh? Umiiyak siya? Seryoso? Affected much? At siya pa talaga 'tong umiiyak, ha. Ironic. Ako nga 'tong dapat umiyak kasi ako 'tong naagawan ng boyfriend. Hindi ko alam na iyakin pala siya.

Sinamaan ako ng tingin ni Patricia.

"Fine, kasalanan ko. Pero sorry, Patch, hindi ako hihingi ng tawad. Wala naman akong ginawang masama, e. Diba Sandy? Winona?" tumango naman sila. Mabuti nalang mga kaibigan ko ang mga 'to. But come to think of it, anong ginawa ko? Nagparinig lang naman ako, a. Di ko naman siya sinabunutan o ano. Ang oa lang. 

"Walang ginawang masama. Eh anong tawag sa pagpaparinig mo?" sabi ni Biancee, kaibigan ni Shannice.

"Oh? Eh malay ko bang natamaan pala siya?" nakataas kilay na depensa ko.

"You'll pay for this!" sigaw ni Shannice. Hala, ganoon ba talaga siya kaaffected para masaktan ng ganyan?

"Pay?" pag-ulit ko sa sinabi niya. "Magkano?"

"Girls, stop it!" pumagitna si Patricia. "Kassie, tama na. Biancee lumabas muna kayo. Magmemeeting pa kami para sa Acquaintance Party."

Tumayo sina Biancee at Trina ganun din si Shannice. Naunang lumabas si Shannice. Still, umiiyak pa rin. Grabe. Words cut deep pala talaga.

Kami nina Patricia, Sandy at Winona nalang ang natira sa room. Lumapit samin si Patch, "Hoy, friend! Grabe ka, ano bang pinarinig mo? Ba't umiyak yun?"

Bestfriend ko nga talaga 'to.

Kinwento ko sa kanya ang nangyari. Napa-'buti nga sa kanya' si Patricia. Ilang sandali lang nagsipasok na ang kasama namin sa organizing team. Nagvibrate ang phone ko. May nagtext.

Rence: Let's talk. Pool area. After lunch.

Sinasabi ko na nga ba. Well, prepare yourself Kassie. 

The Insensitive OneHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin