Prologue

7 0 0
                                        

Gracey woke up in a dark place having no idea why she was there.

Nakagapos ang kanyang dalawang kamay sa likuran niya, pati na rin ang dalawa niyang paa. Sinubukan niyang sumigaw nang ubod lakas pero hindi niya nagawa sapagkat ang kanyang bibig ay dinikitan ng duct tape.

Nagpumiglas siya't umaasang makawala siya sa mga lubid na nakatali sa kanya.

Napatalon ang kanyang katawan nang bahagya dahil sa boses na kanyang narinig. Tinigil niya ang paggalaw dahil sa takot na masaktan.

"Kahit ano pang pagwawala at kahit na tumambling tambling ka diyan, di ka parin makakalis dito ng buhay." sabi ng boses ng babae na puno ng galit at poot. "Pero bago kita patayin papahirapan muna kita." dagdag pa nito't biglaang kinuha ang nakadikit sa bibig ni Gracey at sinabunutan ang mahabang buhok nito.

" Sino ka!? Parang awa mo na. 'Wag mo kong patayin!" pagmamakaawa ni Gracey habang iniinda ang sakit ng pagsabunot na ginagawa sa kanyang buhok. Pakiramdam niya'y mabubunot pati ang kaugatan ng mahaba't ubod ng itim niyang buhok.

Naramdaman niyang unti-unting binibitawan ang kanyang buhok at lumakad papalayo ang babae. Bumukas ang ilaw sa itaas ni Gracey at naliwanagan ang paligid niya. Gusot gusot na ang suot na uniporme ni Gracey at ang buhok niya'y mukha ng sabog.

Lumapit ang babaeng kasama niya sa silid hanggang sa matamaan ng ilaw ang itsura nito't naaninagan ito ni Gracey. Hindi siya makapaniwala na ang taong bumihag sa kanya ay isa rin sa mga taong pinahahalagahan niya nang sobra.

"Shocked?" tanong ng babae't muling sinabunutan ang buhok ni Gracey.

"Bakit mo 'to ginagawa sa'kin?" tanong din niya.

"Well, the same old reason of antagonists. Revenge." sagot naman nito.

"Ha!? Ano bang kasalanan ko?" nagtatakang tanong ulit ni Gracey.

"It's not only your fault. It's your family's fault!" sigaw ng babae at hinila ng pagkalakas ang buhok ng kanyang bihag.

"Aray! Tama na!" pag-alma nito.

"Hindi kita titigilan hanggang sa maputulan ka ng hininga!" sigaw niya't sinampal, sinuntok, tinadyakan, at sinabunutan si Gracey na ngayo'y naghuhumingalo na sa pagmamakaawang panatilihin siyang buhay.

"Alam mo. Natatawa ako sa'yo dahil napakadali mong maloko. Naniwala ka naman sa mga sugar-coated words ko. By the way, I am not Vangie. I am Beverly Ornaldes at may malaking atraso kayo sa pamilya namin." litanya nito't sinipa sa ulo si Gracey na bigla namang nawalan ng malay.

Tuluyan niya na sanang kikitilan ng buhay si Gracey. However, there is something that tells her not to do it. She paused for a while and brainstormed deeply. She heard sirens approaching the place. The Police force is coming.

"F*ck! How come na nalaman nilang andito kami." dali-dali siyang tumakbo palabas gamit ang lagusang siya lamang ang nakakaalam.

Gracey was left lying on the cold cement floor with her body filled with bruises and wounds.

"Andito po sya!" sigaw ng isang police.

"Gracey! Anak!" hiyaw ng isang lalaki't niyakap nang mahigpit ang kaniyang unica hija. "I won't ever let this happen again. Ever." he whispered.

#

Hallucinating CharlatansStories to obsess over. Discover now