"INIWAN"

457 6 0
                                    


Tinaboy na ba ako ng langit?
Bakit hindi dinidinig ang aking mga panalangin?
Makikiusap nalang sa kawalan na ika'y maging akin
Pinilit na aliwin ang aking sarili
Pero bakit mistulang ang walaong basong iniinom ko sa araw araw
Ay tila nagiging mga luha
Pwede bang anino mo lang ay masulyapan ko
Ganon ako kadesperedang maramdaman ang presensya mo
Naglaho na ba ng parang bula ang mga alaala mo na kasama ako
Dahil t'wing tayo'y nagkakasalubong ay mas may pakialam ka pa sa pusang dumadaan sa tabi mo...
Buti sana kung pinatay mo nalang ako,
Dahil parang wala na akong silbi sa mundong ito.

Spoken Word PoetryWhere stories live. Discover now