Granted

18 1 0
                                        

Nexan Virus. Isang virus na nakukuha sa paglanghap ng hangin. Nagsimula ito noong sumabog nang sabay-sabay ang pinaniniwalaan ng lahat na mga meteorite. Pero ang kakaiba sa mga meteorite na iyon, may nakasulat doong salitang "Nexus" at karugtong ay isang numero.

Kataka-takang ang mga taong immune lang sa sakit na ito ay siya ring binigyan ng kakaibang mga abilidad. Pinaniniwalaan na nakuha nila ito sa mga nilalang na nasa loob ng meteorites. Ang mga nilalang na 'yon, may ibibigay sayong kakayahan na hinding-hindi mo matatanggihan. At kapag binigay sayo ang kapangyarihang inaalok, habangbuhay na silang nasa loob mo. Para bang parasite na makikinabang sa ulirat mo. Tatatakan ka niya ng numero sa katawan na isang tanda kung pang-ilan siya sa pinakamalakas.

Paano kung sa kabila ng pagbibigay nila ng kapangyarihan sayo,

wala pa ring paraan para masalba mo ang mundo?

Hangga't hindi siya humihiling, ang sangkatauhan ay nasa sumpa ng pagkawala.

Kung ikaw siya, hihiling ka pa ba?

Kahit ang kapalit ay daang taon ng buhay mo?





Author's Note:
This work will be written in Filipino. I planned to publish it in English but realized I shouldn't since Pilipino ako. Kapag umabot na po ng 100 reads, saka ako magpapublish ng mga chapters.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 07, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

GrantedWhere stories live. Discover now