After we had the pics ay may nagsalita isa sa kanila. "Ate, pwede pakibigay po ito kay Kuya Juan baka kasi hindi namin 'to maibot sa kanya e.." she requested referring to the paper bags na hawak nila at agad naman ako um-oo.

"Yeah, sure!" Tugon ko naman and accepted the 2 paper bags na inabot nila sa akin. "Ano ba mga pangalan niyo? So I can tell Juan sino nagpapabigay ng mga nito.."

"Thank you po! And ako po si Shaira.."

"Gyldel po"

"Ako naman po si Ara.."

"Isay po.."

I noted their names on my phone para hindi ko makalimutan and pagkatapos ay nagpasyahan ko na rin na magpaalam na. I thanked them again before Erica and I left.

Nang makapasok na kami sa loob, tambol at ingay ng mga tao ang nasalubong namin. There were a lot of people as expected and nang tinanaw ko ang court, both teams are nagsho-shooting practice. Hinanap naman kagad ng aking mga mata si Juan. He was with Ricci and Jaydee at ayun nag-aasaran sila.

When we found our seats, umupo na rin kami kagad. We are facing the bench side of UPMBT and yung side ng Ateneo.

Nakita kong napalingon si Jaydee sa amin at agad niya namang siniko si Juan, sabay turo sa amin. Bumaling din ang tingin ni Juan sakin at agad siyang napangiti, immediately jogs to our direction.

As if on cue, tumayo ako sa inuupuan ako at nang makalapit na si Juan sa akin ay binigyan ko ito ng mahigpit na yakap while there's a barricade separating from each other.

Biglang umingay ang loob ng arena when Juan and I went for a hug. Dinig na dinig ko ang mga tili ng mga tao nang magkayakap kami kaya kumalas na'ko.

"Good luck! I love you.." I told him giving him my sweetest smile.

"Thank you baby. Te quiero mucho" tugon niya sa isang malambing na tono. Happiness was all written on his face. Nang hinalikan ni Juan ang aking pisngi, mas lalo pang umingay ang loob ng arena at mas lalong lumakas ang tili at hiyawan ng mga tao.

"Huy, nasa screen kayong dalawa.." Wika ni Erica and sabay naman kaming napatingala ni Juan sa itaas and we were there nga before it flashed to someone else.

Bumalik na rin si Juan sa mga kasama niya at bumalik na rin ako sa pagkakaupo. Kita ko ang panunukso ng mga kasama niya kaya hindi ko mapagilan na lamang na mapabitaw ng tawa.

"China oil.. " I heard Erica said beside me at paglingon ko sa kanya ay napansin kong bini-videohan ako kaya tinakpan ko ang lens ng kanyang camera sa cellphone niya.

"Ano ba.." Tawa ko sa kanya sabay irap.

"Hay.. Grabe parang kayo na talaga ang itinakda para sa isa't isa ni Lord.. " aniya habang tinitignan niya ang kanyang cellphone.

Napatingin na rin ako at vinideohan niya nga talaga kami from where we hugged hanggang sa hinalikan ako ni Juan at pagsabi ni Erica ng 'sana all.' She filmed the entire thing.

Hindi nagtagal ay nagsimula na rin yung ball game.

The commentator starts to introduce the first five ng UP Fighting Maroons and sila Kobe Paras, Jun Manzo, Bright Akhuetie, Ricci Rivero and Noah Webb yung starters nila. Meanwhile, sa ibang team naman ay sina Ange Kouame, Thirdy Ravena, Will Navarro, Adrian Wong and Matt Nieto.

Of course, the game started with a jump ball and naunang nakakuha sa bola ay yung Ateneo kasi sa tangkad ba naman ng center nila na si Ange Kouame, syempre most likely they would get it.

While Matt Nieto was dribbling the ball, pinasa niya iyon kay Kouame who was on the inside but then bigla na lang na steal ni Bright yung bola from him kaya naghiyawan kami.

My Juan | Juan GDLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon