"Appa!" tawag ko kay appa kaya lumingon siya sakin. "I'm Kurt's girlfriend!" ani ko at kinindatan si appa.

"Woooh!" sigaw ng mga magulang ko saka bumaling sakin si eomma. "We will celebrate that later, Irina! Ask Kurt to come and join us. We'll go ahead. Ingat kayo ni Zion rito." paalam ni eomma saka sila lumabas ng bahay at umalis.

 Bumaling ako sa kapatid ko na pinanonood akong kumain. Inubos ko muna yung kinakain ko saka ako uminom ng tubig at tinanong si Zion. "What do you want to do today, Zion?" tanong ko hanggang sa ngumiti si Zion.

"You've got to be kidding me, Zion." ani ko sa kapatid ko habang iginagala ko ang tingin ko sa buong mall.

Pinagsisihan kong tinanong ko si Zion kung anong gusto niyang gawin. I was expecting him to invite me to play Halo with me but he didn't. Dinala ako ni Zion sa mall. Malapit lang to sa village kung saan nabalitaan kong matatagpuan ang mansyon ng mga Perez. Pretty amazing.

Hinila ako ni Zion papunta sa Tom's World. Inabutan ko ng isang daan ang babaeng nasa kahera at inabutan niya naman ng isang plastic si Zion. Naglakad si Zion sa paligid at pumunta sa isang game na something na may barilan.

"Noona, please join me." ani Zion at inabot sakin ang isang baril.

Nginitian ko si Zion at tinanggap ang inabot sakin. Naghulog siya ng dalawang token sa magkabilang token slot. Kahit papano ay na-enjoy ako sa paglalaro kasama si Zion. Tinuturuan niya pa ko kung paano ko papatayin ang zombie sa malaking screen.

Nang matalo kami ay natawa ako sa pagnguso sakin ng kapatid ko. Nakipag-high five ako kay Zion which is matamlay niyang inapiran. 

"It's alright, Zion. Sometimes, we need to accept that we lose." ani ko at ginulo ang buhok ni Zion.

Kinilabutan naman ako agad nang may maramdaman akong kamay sa bewang ko dahilan para mapatayo ako mula sa pagkakayuko ko. Nangunot ang noo ni Zion nang tignan niya ang nagsalita at sumalungat sa sinabi ko.

"Not me. I don't want to accept my loss." ani nang boses sa tabi ko.

"I saw you before! Aren't you the one who keeps stealing my noona away from me?" sagot ni Zion sa lalaking nasa tabi ko.

Nilingon ko ang gagong si Chase na nasa bewang ko ang kamay. Hindi siya lumingon sakin at imbes na tanggalin ang kamay ay may hinapit pa ko sa kanya. Ngumiti siya kay Zion at yumuko ng kaunti.

 

"Yes, that's me. And I'm gonna steal her away from her boyfriend soon." ani nito kay Zion at ngumisi.

Marahas kong tinanggal ang kamay ni Chase sa bewang ko at hinawakan si Zion sa kamay. I kissed Zion's cheek saka sinamaan ng tingin si Chase. Hinila ko si Zion papunta sa isang bench at pinaupo siya. As expected ay sumunod si Chase sa amin ni Zion. Binili ko muna ng makakain si Zion saka ko hinila si Chase, di kalayuan kay Zion.

Nothing But StringsWhere stories live. Discover now