Gusto ko siyang tanungin kung bakit niya ginagawa sa akin to kahit mayron na akong sagot sa isipan ko. Pero hindi ako sigurado. Ayokong umasa. Mahihirapan lang ako. Mahihirapan lang siya.

"I'm worried. Hindi ko na alam kung saan kita hahagilapin. Kung saan ka nagpunta and I can't help myself looking for you. D*mn, this is making me crazy."-pabulong pa siyang nagmura pero dinig ko naman.

Pakiramdam ko nagtatatalon tong puso ko. Gusto kong kurutin tong braso ko. Bakit ba kase ganito ang nararamdaman ko?

"Khanz..."

"Stop."-nagulat ako ng bahagya niya akong pinigilan sa pagsasalita. Yung mukha niya hindi na maipinta. Ang gulo ng buhok niya pero kahit ganun, gwapo pa din siya.

"Just let me talk."-di ko mapigilang mapangiti sa itsura niya.

Ang cute niya---mabilis kong pinilig ang ulo ko. Ano ba tong naiisip ko?

"I can't help asking myself why I'm fvking feeling this. Why am I fvking thinking of you everyday. Bakit palagi na lang akong nag aalala kapag napapahamak ka. Bakit ang lakas ng epekto mo sa akin. Bakit palagi na lang akong naapektuhan sa mga sinasabi mo. God! Am I insane? I don't know why I'm doing this----"

"Khanz, kalma ka lang. Baka masapak mo ko. Inis na inis ka eh."-natatawa kong sabi, pinagtatakpan ang kabang nararamdaman ko.

Oo, kinakabahan ako sa mga sinasabi niya. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Parang naghuhurumentado sa mga sinabi niya.

"Ahli, can't you really see?"-mukhang pikon na siya. Napasabunot siya sa kanyang buhok at tinignan ako ng mariin. Parang may gustong ipaintindi sa pamamagitan ng titig na yun.

Lalo akong kinabahan.

Hindi ako umiwas sa kanyang titig. Nanatili kaming nakatitig sa isa't-isa. Nakakalunod talaga ang mata niya.

"Khanz, ano bang pinagsasasabi mo? Siguro, nakokonsensya ka lang dahil nadadamay ako sa gulo niyo kaya ganun ang nararamdaman mo."-sabi ko at napalunok. Parang may bumabara sa lalamunan ko at hindi na nagawang makapagsalita pa.

Pinilit kong paniwalaan ang mga sinabi ko kanina. Yun lang naman ang dahilan niya di ba? Nakokonsensya lang siya. Yun lang naman ang dahilan pero bakit iba ang binubulong ng puso ko? Bakit parang hindi sang ayon ang puso ko sa sinabi ko?

Malala na to...

Natahimik siya sa sinabi ko at umiwas ng tingin. Siguro, narealize na niyang konsensya lang talaga yun at wala ng iba.

Nakaramdam ako ng konting kirot. Bakit ganito? Diba dapat makahinga ako ng maluwag dahil narealize na niya ang totoo? Pero bakit sobrang bigat tong nararamdaman ko? Anong nangyayari sa akin?

Letse, nalilito na ako.

Natahimik kaming dalawa. May sariling iniisip at malayo ang tingin. Hindi ako kumibo ganun din siya.

Siguro, masyado lang akong naapektuhan sa sinabi niya. Tama. Wala lang tong nararamdaman kong to. Makakalimutan ko din to. Alam kong panandalian lang to.

"Alam mo ba kung bakit ako nawala?"-pag iiba ko ng topic. Mabilis naman siyang bumaling sa akin habang ako ay nanatiling nakatingin sa papalitaw na araw.

Wala siyang sinabi kaya nagpatuloy ako.

"Nagpakita sa akin ang totoo kong ina."-nakangiti akong bumaling sa kanya at saka ko napansing kanina pa pala siya nakatitig sa akin. Nagulat siya syempre pero kalauna'y bumalik sa hulma ang mukha niya.

"You're not happy."-komento niya.

Tumango ako at napabuntong hininga. Tuluyan ng nawala ang aking ngiti.

HIS HIDDEN IDENTITY (BOOK 1) (COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora