Mariin kong kinagat ang pang ibabang labi ko matapos noon.
Bakit ba ako biglang na-curious? Ano bang paki ko?
"A friend." Simpleng sagot nito. May hinugot ito sa bulsa ng suot na pantalon sabay inabot sa akin. "By the way, here."
Nanlaki ang mga mata ko ng mapagtanto kung ano iyon.
'yung flashdrive!
Mabilis kong hinablot iyon mula sa nakabukas niyang palad.
"Saan mo nakita?"
Malakas ang kabog ng dibdib ko habang inaantay ko itong sumagot.
"You drop it. Remember when you got your stuff inside your sling bag, the time when you felt dizzy?"
Agad dumako sa isip ko ang pangyayaring iyon. Tama siya, totoo ngang nangyari iyon. Siguro dahil sa hilo ko kanina kaya ngayon ko lang naalala. Akala ko pa naman talaga---hayyy...makakalimutan na yata ako. Nakahinga ako ng maluwag bigla.
"I forgot to give it to you earlier. C'mon, let's take some shower so we can proceed to Maggie's house."
Sunod-sunod akong napalunok sa tinuran nito.
Totoo ba ang narinig ko? Niyaya ako nitong---my goodness! Kuya huwag po!
Akma ko ng yayakapin ang sarili ko nang makita ko itong nagbukas ng isang pinto dito sa unang palapag. Teka...CR ba iyon?
"Dito na ako maliligo. Ikaw na lang doon sa taas." Sabi nito saka dahan-dahang isinara ang pinto.
Walanjo!
"Oh God Halt, is that you?"
Malakas na singhap ang sumalubong sa amin ni Treece ng makatapak kami sa bungad pa lang ng Gate nina Maggie--hindi pala sa amin, mukhang kay Treece lang. Isang matangkad na babae ang mabilis na nagtungo sa puwesto nito at agad siyang dinamba ng yakap.
Parang ang sarap lang pilipitin ng braso nitong nakapalibot sa leeg ni Treece.
Ang mahigpit na yakap nito ay ginantihan din ni Treece sa pamamagitan ng pagpulupot ng mga braso nito sa baywang ng babae.
Ay, ano ito? Dinaig pa nila ang mag-jowa na isang dekada yatang nasa LDR at ngayon lang nagkita! Eh kung gamitan ko kaya sila ng shoe glue para magdikit na lang sila para masaya!
"It's been a long time, Halt. Nagtagpo rin ang landas natin." Tatawa-tawang saad ng babae matapos nitong humiwalay kay Treece.
Halt? Mula sa second name nitong Halter? Iba din, may sarili pa itong endearment kay Treece!
"Yeah, at last. The last time I went here nasa isang misyon ka raw sabi ni Jonel." Gaya ng babae ay bakas din ang tuwa sa mukha ng lalaki.
Pinakatitigan ko ito habang hook na hook sila sa pakikipag-usap sa isa't-isa.
Katamtaman lang ang katawan nito, hindi payat ngunit hindi rin mataba. Bagay lang sa tangkad nito. Actually sexy itong tignan lalo na sa hapit na blouse at jeans na suot. Maputi ito, makinis, literal na kutis porselana. Nang magawi sa mukha nito ang tingin ko ay agad akong nakaramdam ng insecurities. Walastik, ba't ang ganda nito? Perpekto ang hugis ng mukha nito. Maganda ang hugis ng labi at mukhang natural ang pagkakapula. Matangos ang ilong at bahagyang singkit ang mga matang may malalantik na pilik-mata. Maypagka-masungit ang bukas ng mukha nito ngunit hindi mo maitatanggi ang ganda, kumbaga magandang masungit. Iyon bang mapapa-thank you ka na lang kapag tinapunan ka ng pansin.
"You must be Lunexia? Heavens goodness, you really are a beauty in person!" Sa wakas ay pansin nito sa akin.
Tinubuan na yata ng lumot ang mga paa ko sa tagal mag-usap ng mga ito at talagang ganoon sila ka-concentrate sa isa't-isa na ngayon lang nito napansin na nandito ako. Mukha ba akong poste rito!
Bahagya akong napa-atras ng mahigpit nitong sapuhin ang magkabila kong pisnge at ang sunod nitong ginawa ay gumimbal sa kanina lamang ay naiirita kong sistema.
Hinalikan ako nito! As in hinalikan ako nito sa labi! Isang matunog at mabilis na halik!
Para akong robot na nakatitig lamang dito hanggang sa may isang malakas na puwersa ang humila sa akin mula sa pagkakasapo nito sa mukha ko.
"The fuck, Jaime! This is my wife!" Sigaw ni Treece saka iniharang ang katawan nito sa pagitan namin ng babae. Kahit hindi ko na nakikita ang mukha nito ay rinig ko ang halakhak nito. Imbes na matakot sa pagsigaw ng lalaki ay tumawa lang ito.
"Sorry, hindi ko napigilan ang sarili ko. Masyado kasi siyang maganda. Ang siste ba eh, ikaw lang ang makikinabang sa ganiyan kagandang itsura? I-share mo naman kahit paminsan-minsan." Tuya nito kay Treece. Kahit nakatalikod sa akin ay kita ko ang pag-igting ng panga nito pati pagkuyom ng kamao.
"You know that I'm a selfish person! I don't share specially if it's my wife!"
Hindi ko alam kung anong uunahin. Kikiligin ba ako o patuloy na masisindak sa mga nagaganap.
"Okay..okay. Again, I'm sorry." Itinaas nito ang parehong kamay sa ere na animo'y isang kriminal na sumusuko. Saka lang natinag ang kaninang depensa ni Treece.
"Tsk, just don't do that again or else I'm gonna forget that you are my childhood friend and smash that lips of yours."
Tumango naman ito tanda ng pagsang-ayon sa banta ni Treece.
"By the way, honey I'd like you to meet Captain Jaime Gimantog Tanzanilla."
Captain?
Nang bahagyang lumayo si Treece sa harapan ko ay agad nitong inilahad ang kamay sa akin.
"I am very nice to finally meet you. Police Captain Tanzanilla at your service." Nakangiti nitong saad na lalo ritong nagpaganda.
Police? Ang magandang babaeng ito ay isang pulis? Hindi lang basta pulis kundi kapitan ng mga pulis!
Ang magandang pulis na ito ay mukhang maganda rin yata ang hanap!
ESTÁS LEYENDO
PROXY SERIES: RESURRECTION
RomanceTreece Halter Hughes lives a life that everybody would dream on. He has the perfect family, the perfect career and the perfect looks. Admired by most women and envy by men. He is the definition of perfect for everyone, but beyond his flawless living...
Chapter 20 - He doesn't share
Comenzar desde el principio
