"Sigurado ka bang hindi ka artista na namamasyal dito sa baryo namin? Grabe, mas maganda ka pa sa kinoronahang Ms. Universe! Pak na pak siguro ang sex life niyo ng asawa mo! Aba'y kapag ganiyan kaganda ang babae tiyak minamaya't maya ng lalaki!"
Lumuwa yata ng literal ang mata ko sa pahayag na iyon ni Maggie.
Hindi niya ba nakikitang katabi ko lang ang tinutukoy niyang asawa ko!
"Pasensya ka na dito sa kaibigan ko Ms. Lexy. Nakalimutan kasi nitong magmumog ng agua oxigenada kaninang umaga."
Napaigtad ito ng pasimpleng kurutin ni Maty sa tagiliran.
Si Maggie ay asawa ng pamangkin ni Aling Marby na siyang caretaker ng mansyon nina Treece dito sa Samar. Matalik nitong kaibigan si Maty at dahil nataong piyesta rito sa baryo ay pinuntahan kami ng mga ito para yayaing mamiyesta sa kanila. Marami raw kasing handa sa bahay nila at dahil nakatira sila sa sentro ng baryo ay makakapanood din daw kami ng munting palabas na gagawin sa plaza mamayang dapit-hapon.
"Patawarin naman. Na-excite lang masiyado. Ito naman kasing si Sir Treece, ba't ngayon niyo lang po naisipang dalhin ang asawa niyo rito edi sana noon pa ako nakakita ng diyosang mukhang anghel, except sa inaanak ko ha. Mana iyon sa tatay niyang mukhang hollywood star, kaso inosente pero pwera joke, mas maganda pa ho talaga sa artista itong asawa niyo sir! Ang galing galing niyo hong pumili!"
Pumalakpak pa ito habang si Maty naman ay sumimangot.
"Apologies. Ngayon lang kasi nabakante ang oras nitong asawa ko but don't worry, we're going to spend our vacation here for a month." Saad nito sabay patong ng baba niya sa balikat ko.
Laksa-laksang pagkailang naman ang naramdaman ko.
Hello! Kakagising ko lang kaya at hindi pa ako nakakapag-toothbrush! Mamaya niyan amoy nakalipas na pala ang hininga ko. My gerd!
Hindi ko alam na nakatulog na pala ako matapos kong ihilig ang katawan sa sofa sa kuwarto kanina noong dumating kami rito. Marahil dahil sa pagpapabalik-balik ko ng lakad kakaisip kung nakuha nga ba ni Treece iyong nawawala kong flashdrive at dala na rin ng puyat ko kagabi pa at pagod sa byahe. Nang magising ako ay nasa kama na ako. Agad akong bumaba para sana magtungo sa kusina at uminom. Saktong narito na sila at kausap na si Treece. Nang makita ako ni Maggie ay mabilis ako nitong hinila paupo sa tabi nito. Pinagdikit pa kami ng todo para raw sweet.
Magaan itong kausap, maypagka-brutal nga lang magsalita at malayo sa kabanalan. Si Maty naman ay kalog at palabiro. Nalaman kong kababata rin pala ni Treece ang asawa ni Maggie maging ang pangalawang kapatid nito at madalas na kalaro noong bata pa satuwing magbabakasyon ito dito sa Samar. Madalas pala itong magtungo rito kahit noong kasal na sila ni Lexy. Malamang ayaw ng kapatid kong sumama kaya hindi pa ito nakakarating dito.
Nabalik ako sa kasalukuyan ng may tumunog na cellphone. Agad iyong dinukot ni Maggie sa kaniyang bulsa at malakas na napasinghap.
"Jaime is in the house! Kakauwi lang nito at nasa bahay na ito ngayon! Tara na Sir Treece, tiyak na-miss ka noon!"
Sino si Jaime? Saka anong na-miss?
Hindi ko namalayang tumaas na pala ang isa kong kilay habang hila-hila nito ang braso ni Treece.
"Hey, easy Maggie. Plano ko talagang pumunta sa inyo. Inantay ko lang magising ang asawa ko." Awat dito ni Treece. Binitawan naman nito ang braso niya.
"Susunod din kami. We'll just take a quick shower."
Pumayag naman ito. Nagpaalam na sila ni Maty at todo bilin na lang ang mga ito na sumunod kami.
"Sino si Jaime?" Bigla kong naitanong ng makaalis na sina Maggie.
VOUS LISEZ
PROXY SERIES: RESURRECTION
Roman d'amourTreece Halter Hughes lives a life that everybody would dream on. He has the perfect family, the perfect career and the perfect looks. Admired by most women and envy by men. He is the definition of perfect for everyone, but beyond his flawless living...
