Chapter I

28 1 0
                                    

FLIRTING...

"You know each other?" Gulantang na tanong ni Kent sa amin habang palipat-lipat ang kanyang tingi sa akin at sa kay Geoffrey na nasa harapan ko.

"Yeah," malamig na sagot ni Geoffrey. Affected?

At dahil sa ideya kong bitter pa siya sa akin kaya siya affected. Tanging malaking ngisi ang gumuhit sa aking mga labi at pagtango lang ang nagawa ko. I never knew na magkikita pa kami ulit ng lalaking ito matapos ng matagal nang nangyari way back I was in my hometown sa Cauayan, Isabela.

"Nakakatuwa naman at hindi ko akalain na magkakilala pala kayo," nakangiting wika ni Kent. Parang gusto ko namang matawa sa sinabi ng walang kaalam-alam na si Kent. Kasi kung 'yung nasa harapan ko nga sumimangot. What more pa kung ako, 'di ba?

Biglang napalitan ng sarcastic na ngiti ang kaninang busangot nung bakulaw na nasa harapan ko, "Yeah."

Okay, sumang-ayon siya? May I object? Ahaha.

"Oo nga eh. How about you anyway, G?" Napakafriendly kong tanong sa kanya. (Please insert the sarcasm there.)

Umismid naman siya. "I am very fine, C. Very fine..." Ewan ko kung ako lang ba 'yun. Pero parang may halong lungkot ang tono ng pagkakasabi niya.

Tumikhim naman ako bago sumagot, "Me too." Tapos sabay splash ng aking killer smile.

Kaso nakakainis kasi mas pamatay ata ang ngiti nung nasa harap ko. I mean, masarap siyang patayin dahil sa ngiti niyang pang-asar. Eh siya na ang may ngiping kakulay ng bond paper!

Ewan ko kung nakakaramdam ng tensyon itong si Kent, pero bigla kasi siyang sumingit sabay sabi nang, "Anyway, shall we talk about the business, okay?" Kaya natigil ang giyera sa pagitan ng mga utak natin nitong ungas na kaharap ko.

Sinabi ko lang naman lahat ng plano for tomorrow tapos nagdadagdag nalang si Sir Kent ng mga other ideas na which is also helpful kasi may point. Hindi katulad nung kaharap ko na kulang nalang ay matanggal ang leeg sa kakatango and how I wish na sana mangyari na matanggal talaga leeg niya.

So, after nun, siyempre, nagkayayaan ng mag-uwian. Masaya na sana kasi makakapagpahinga na ako eh. Kaso minamalas nga naman ako at umeepal na naman 'yung epal. Ganito kasi 'yun...

(Flashback)

"So, we're dismissed," huling salita ni Kent para sa meeting na 'yun. So as usual, binalik ko 'yung ballpen sa bag ko then 'yung mini notebook ko to note for the changes na gustong mangyari ni Kent.

"Thank you for today, Geoff," tapos nakipagbuddy shakehands si Kent kay Geoff. So close pala sila?

Nang tumingin sa akin si Ungas ay tinanguan ko lang siya sabay plastet ng malapad na ngiti. Mukha na nga akong aso dito eh. Tumango din siya bago tumalikod.

"Can I accommodate you, Candice? And by the way, can we take a cup of coffee at the café for a little while?" Basag sa akin ni Kent. Kaya galing sa pagtingin ko sa pintuang nilabasan ni Geoff ay agad akong napalingon sa kanya. At dahil sa pleasing personality na ata talaga at saka sadyang umaatake ang medyo kalandian ko ay pintulan ko na ang offer niya.

So ayun, naging masaya ang parang 'coffee date' namin ni Kent. At after nun, supposed to be ay ihahatid niya ako kaso tumanggi na ako dahil I can manage naman na hintayin ang driver ko. Kaso, ito na nga 'yung kumontra.

"A-anong--," hindi na natuloy ang sasabihin ko dahil basta-basta nalang akong hinablot ni Geoff at sinaksak sa passenger seat ng hilux niya.

Naantala lang ang pagkashock ko nang narinig kong padabog niyang sinara 'yung pinto ng kotse sa driver seat. Yeah, he can drive... now.

"So, you're flirting, huh?" Sabi niya habang gigil na gigil na nakahawak sa manibela though hindi pa naman niya ini-start 'yung makina.

Napakunot nalang ang noo ko sa sinasabi niya. Me? Flirting? Sa sobrang inis ko, automatic nalang na mabilis na nag-landing ang palad ko sa pisngi niya at malakas 'yung tumunog. Nanginginig kong binukas ang pintuan ng passenger seat at nagtatakbo pagkalabas ko ng sasakyan.

"Candice!" Rinig kong sigaw niya ngunit hindi na ako lumingon pa.

Be EnoughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon