Prends na tayo?

13 0 0
                                        

FRIM'S POV

Kasalukuyan kong sinusundan si Phycesca. Kabayo ba to? Ang bilis tumakbo eh, tapos kung saan saan lumiliko -____- Nakita ko syang pumasok ng isang abandonadong room. Hinanap ko sya. At agad kong nakita nandoon sya sa teacher's table.

"Bakit mo ba ko tinataguan?" Sabi ko. At ikinagulat naman nya. Akmang tatayo sya at tatakbo nanaman. Pero hinigit ko sya at isinandal sa pader. "Bakit mo ba ko tinataguan at tinatakbuhan?" Tanong ko habang hawak ang dalawang kamay nya na nakataas. "K-kase, b-basta. Let me--" At bigla syang nahimatay. Agad ko syang binuhat at agad ko syang dinala sa clinic.

Magla-lunch na pero hindi pa sya gumigising. Lumapit yung nurse. "Ah iho, mukhang napagod sya ng husto medyo sumikip yung dibdib nya at bumagal ang heartbeat." Medyo nagulat ako. "P-po? Pero wala naman po syang sakit diba?" Nag aalala kong tanong. "Wala namang syang sakit. She's fine, napagod lang sya talaga." Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi ng nurse. Hinintay ko nalang syang magising. After a couple of minutes nagising sya.

"Bakit kapa nandito? May klase pa ah."

"Binantayan kita, baka kung ano pa manyari sayo eh. Friends na tayo ha?" Sabi ko sa kanya.

------------------

ONE LAST CRYWhere stories live. Discover now