"Hoy kayo!" sigaw niya. Napatingin naman ang ibang estudyante."umalis nga kayo sa harapan namin! Magkaka allergy ako sa inyo! Mga hipon kayo. Humanap kayo ng ibang lalandiin. Di yung may jowa na! NAIINTINDIHAN NIYO BA? KUNG HINDI HAMBALUSIN KO YANG MUKHA NIYO! KALA MO KUNG SINO! DI NAMAN MAGANDA!" sigaw ni Breah.

At padabog na umopo. Agad nagsilayas ang mga kaibigan ni Aleydis na yon. Duhhh buti nga sa inyo.

"Thank you Breah" sabi ko sabay tawa.

At pagkatapos naming kumain. Ay bumalik na rin sa room. Dahil 1 pm ang aming klase. Nakatunganga lang ako habang nagpatogtog. Naka head set ako ngayon. Tapos si Breah naman ay panay kulikot ng phone niya. Naka ngiti naman ngayon. Hays sana ol. Tiningnan ko ang phone ko. Wala pang reply si Kim. Baka busy lang talaga yon.

Pero di kalaunan ay dumating ang guro namin sa Math at nagklase na rin kami. At pagkatapos ay uwian na naman at sinundo kami ni Kuya.

Shet miss ko na talaga siya. Namiss ko na ang mga kalokohan naming dalawa. Kailan ba kami magkasabay umuwi. Kumain at mag mall na kami lang dalawa. I really miss him. Sana nag STEM ako kahit bobo ako sa Math. Hay buset, gusto ko siya kasama palagi.

At habang nasa byahe. Paulit-ulit ko siyang iniisip. Hanggang nakarating kami sa bahay. Nadatnan ko si Mamay na nagluluto sa kusina. Nilapitan ko siya at niyakap. Si Breah at Kuya naman ay nagmano. Tapos pumasok na rin sa kwarto.

"Oh bat ganyan ang mukha mo Zaya?" takang tanong ni Mamay. Nang maka-upo ako sa lamesa.

"Pagod lang po May" matamlay kong sabi.

"Pagod? Or namiss mo si Kim?"

"Parang ganon na nga May"

"Hay nako Zaya umayos ka" at bumalik sa pagluluto.

"Maayos naman ako May ah?" ani ko.

"Ayy ewan ko sayo! Magbihis kana don."

Kaya tumayo nalang ako. At pumasok ng kwarto. Di pa nga ako nakapagbihis ay inihiga ko ang katawan ko sa kama. Hays nakakapagod mag-aral. Nakatunganga lang ako. Pano kaya kung mag asawa na ako? Hahahha charot lang. Papalayasin ako ni Mamay. Naisipan ko na ring tumayo upang makapag-bihis. Natagalan ako sa pagbihis dahil ang bagal ng kilos ko. Pagkatapos naman ay umopo ulit ako sa kama. At tiningnan ang bintana. Hala baliw ba ako? Hahahaha putang buhay to napaka boring.

Nang biglang tumunog cellphone ko. May tumawag kaya sinagot ko ito.

"Hello?"

"Love? I miss you so much" malunkot nitong sabi.

"I miss you to love, nakakapagod na love"

"Haaayyss but still fighting for our future, right love?"

Bakas parin sa tono niya ang lungkot.

"Of course Love"

Panay tawagan namin nong gabing yon. Naabutan kami ng hating gabi. Dahil sobrang miss namin ang isa't-isa.

Kinaumagahan naman ay gumising ng maaga. Nag-almusal, pagkatapos ay pumunta na ng eskwelahan. Ganon lang palagi ang lagi kong ginagawa. School bahay, Shool Bahay. Hays sobrang nabobore na ako.

Minsan makikita ko lang ai Kim kaisa sa isang linggo minsan pangalawa. Dahil minsan lalabas kami. Pero mas marami ang panahon na di kami nagkikita dahil sa sobrang dami ng ginagawa. Minsan kapag nagtatawagan kami. Minsan natutulog ako. Kung hindi ako, siya naman. Miss na miss ko na talaga siya. Kahit sa klase ay iniisip ko siya. Kahit pinapagalitan ako. Naka lutang ako parati.

Pagdating ko naman sa bahay ay gumagawa ako ng mga assignments. At tumuntulong kay Mamay sa karenderya kapag byernes. Wala kasi kaming klase kapag byernes. Kaoaga sabado naman ay meron. Di ko alam ko saan tutungo ang buhay ko! Napakaraming gawain sa school. Minsan lang ako nakatulog ng maayos. Dahil gigising ako ng mas maaga para maka-gawa ng assignments. Minsan ako ang gumagawa sa assignments ni Breah dahil ayaw ni Kuya na pagurin siya. Dahil sobrang stress na niya.

Napapansin ko ring lumaki na ang tiyan niya. Sobrang bilis lang talaga ng panahon. Kapag andami mong ginagawa. Di mo na talaga namalayan na anong petsa na.

So ayon kahit madalas nalang kami magkikita. Patuloy parin ang buhay namin. Dahil may tiwala naman ako sa kanya. Diba pag mahal ka ng lalaki hindi yon magloloko. Nabasa ko nga yon sa wattpad na kapag mahal mo ko bat ka nagloloko? Oh see? If you love that person you will never find another one. Dahil kapag nawasak mo na ang tiwala na ibinigay sayo, hinding-hindi na ito mabubuo. Oo babalik ang tiwala niya sayo pero na gaya ng dati.....

Your Childish GirlfriendWhere stories live. Discover now