"Aysus! Basta wag lang kayo gumawa ng masama ha?" paalala niya.

Bigla naman dumating si Kim na may dalang chocolates. At umopo sa tabi ko.

"Mamita ang ganda ng Love ko diba?" pagmamalaki niya pa at tinaas baba pa ang kilay.

"Oo nga, nagtaka rin ako kong bakit....dahil ampanget mo apo!" sa pagkasabi non ni Mamita ay tumawa kami.

"MAMITA!" sigaw niya.

"Joke lang naman ito naman" pagbawi nito."apo, wag na wag mong saktan ang isang babae apo. You should make her a queen. Wag mong paiyakin. Yung tipong nasa sakanya ka lang. At ipakita mong mahalaga siya sayo. Huwag kang MAMBABAE. At kapag nalaman ko ayyy di mo na ako Mamita! Di madali sa babae ang saktan apo. Tandaan mo yan. I like Zaya for you. First impression ko palang ay nasasabi kong mabait itong bata" bumaling si Mamita sa akin. Ngumiti naman naman ako."at hija wag mong iwan ang apo ako..."

"Opo naman Mamita" nag promise sign pa ako.

"Talaga ba Love?" nag pa cute yung mokong. Kala niya bagay sa kanya. Eh mukha siyang tubol.

"Ewwww" inalis ko ang mukha niya malapit sa akin.

"Ang sweeetttttt!" sabi pa ni Mamita habang nanood siya amin. Tumawa lang kamo ni Kim."I miss my lovinly husband" sabi niya. At tumingin sa langit.

Tumingin lang kami ni Kim sa kanya. Siguro naalala niya ang asawa niya sa amin ni Kim. Nakaklungkot naman iyon. Ang bait pa naman ni Mamita.

Parang may namou na luha sa mata niya. Kata tumayo agad si Kim at dinaluhan ang Mamita niya. At niyakap ito.

"Mamita we are still here"

Suminghot ito at tumawa."Jokkeeeee!"

"Mamita naman!" nagkamot ng ulo si Kim.

"Hali ka nga Zay. Sumali kansa amin ni Kim dallliiiii!!" sigaw nito.

Nakangiti naman akong tumayo at yumakap kay Mamita. Nasa kabilang gilid ako si Kim naman ay nasa gilid rin. Nagkatinginan kami. Habang niyakap si Mamita. At sumenyas kami sa isa't-isa na I love you.

****

Nasa bahay na ako. Hinatid ako ni Kim kanina. Nakahiga na ako sa kama at nakapagbihis na rin. Nakatotok lang ako sa kisame at ngumiti. Napakasaya ko ngayong araw. Nang dahil kay Kim. Sa lahat ng tao na nakapaligid sa akin. Di ako makapaniwala na sasaya pala ako ng ganito.

Nang makarating naman ako sa bahay kanina. Ay di naman ako pinagalitan ni Mamay dahil alam niya namang kasama ko ang boyfriend ko. At hinatid ako rito sa bahay. Kaya di nasira ang masayahing araw ko.

Tumunog ang cellphone ko at tiningnan ito. Nag text ang bebe ko.

Love: I miss you ulit:(

Napatawa naman ako.

Me: Hoy napaka obsess mo naman sa akin.

Love: Shempre.

Me: Shempre ka jan.

Love: Alam mo ang saya ni Mamita ng makilala ka. Thank you so much love. For letting me introduce you to OUR FAMILY.

HALA buset ba siya? Di niya naman sinabi. Eh na surprise nga ako eh. Gago talaga to.

Me: Hoy buset ka ba, ikaw lang ang nag decide!

Love: Parang ganon na rin iyon! HAHAHA.

Napangiti ako. Sa katangahan niya.

Me: Ay ewan ko sayo!

Love: Can I call you? I miss your voice.

Hala! siya grabi ka makapag kilig sa akin!

Me: Bukas nalang, baka marinig ako ni Mamay na hindi pa ako natutulog. Patay ako non.

Love: I really want to be with you always.

Me: Ano? Paulit-ulit lang?

Feel ko namula yung pisngi ko.

Love: Hindi ako magsasawa na sabihin yan sayo!

Me: Ay sus matulog na nga tayo!

Love: Ok love, I love you and sleep well:*.

Me: I love you too.

At inilagay ang cellphone ko sa dibdib at tumawa. Buti nalang wala na si Ate baka mag rereklamo yon dahil nagising ko siya. Shet! Bakit ba kinikilig pa ako? Shempre mahal mo diba? Hahahah. Niyakap ko ang unan ko. At inamoy ito.

Hala nabaliw na ako! Nabaliw sa kanya. Dalagang pilipina yeah. Kiss ko nga bebe ko bukas. Heheheh joke lang yon. Mathlog na nga.

Shet bakit ayaw mong matulog mata ha? Anlandi mo rin ano? Ano gusto mo agad siyang makita? O sige bukas makikita mo na siya. Luuhhh nababaliw na akooo!!!! Busettt ka Kim!!! You made me fall for you harder! Mang gayuma ka! Putaaaa!!!! Pero tangina mahal na mahal kita!!!!

Your Childish GirlfriendWhere stories live. Discover now